It’s been two months after lola Victoria died. Until now, hindi ko pa din alam kung tama ba ang desisyon kong basahin ang letter na yon para kay lola. The doctor said that a cardiac arrest caused her death. Maybe hindi nya na kinaya noong nalaman nyang patay na pala si feliciano na hinintay nya buong buhay nya. Naalala ko pang may ngiti sa labi nya bago nya nang ipikit niya ang kanyang mga mata. I hope kasama nya na ang lalaking inantay nya for so many years. First few weeks was very painful, pero unti-unti kong narealize na life must go on. Alam kong lagi syang nakabantay sa akin nasan man ako.I stared at the sky and smile “hi lola, i miss you” I whispered.
I was enjoying the view of the beautiful clouds, ng biglang..
“HUY! BALIW!” Pagbaling ko ng aking paningin ay sumama nanaman ang araw ko.
“Epal ka Zhy kahit kelan” asar kong saad sa bestfriend kong si Zhy. Ngunit inakbayan lang ako nito.
“Alam mo mavy, okay lang tumingin ka sa langit habang nakangiti. Okay lang din na kausapin mo lola mo. Pero hindi dito sa gitna ng campus, pinagtitinginan ka na oh, ang init-init naka titig ka sa araw” nilibot ko naman ang akin paningin at nakaramdam ako ng hiya. Sh*t naka tingin nga lahat ng tao sakin. Na realize kong mag isa pala akong nakatayo sa gitna ng school ground at naka tingala sa langit.
Agad kong hinatak ni Zhy papalayo sa kahihiyan. “Iba rin sapak mo minsan e no?” Pang aasar pa nito sakin. Binigyan ko naman sya ng isang napakatalim na tingin.
“Pfft.. Tigilan mo ko mavy, kahit di ka galit matalim yang tingin mo hahahaha!” Dagdag pa nito at tuluyan na akong naasar sa kanya. ‘Bakit ko ba kasi bestfriend to?’ Wika ko sa isip ko.
“Aalis na ko, may practice kami para sa competition bukas” paalam ko sa kanya at pumunta na ako sa roofdeck ng building namin.
Tomorrow is the most awaited day para sa mga estudyante dito sa campus. Bukas ay aming foundation day at kasabay ding ipagdiriwang ang buwan ng wika. Kasali ang section namin sa competition ng cultural dance. Last day na ng practice kaya puspusan ang pag hahanda namin. Ilang beses akong natapilok at napatid dahil sa kasuotan naming baro’t saya at tinernuhan pa ng sumbrero na sobrang laki at halos hindi na namin makita ang aming dinadaanan Kaya't hindi ibubuhos ko lahat sa performance namin bukas.
———
“AND THE WINNER IS.....” napatahimik ang buong crowd nang ia-announce na kung sino ang nanalo sa cultural dance.
“HRM-5P!! Congratulations” napapadyak na lamang ako sa inis nang hindi kami ang tanghaling panalo. Halos buong araw ay wala kaming ginawa kundi mag practice at puro sugat at paltos na ang paa ko dahil sa costume tapos matatalo lang kami? Hindi ko na napigil ang sarili ko at nagpapadyak na ako sa inis ngunit sa lakas ng padyak ko ay nabali ang takong ng aking sapatos at nadapa ako sa aking kinatatayuan.
Agad akong tumayo na tila walang nangyari, busy naman ang lahat sa pag cecelebrate kaya’t paniguradong hindi nila napansin ang pag kakabagsak ko. Bumaba na ang aming grupo sa stage dahil mag pi-picture na ang nanalong grupo.
Sa pagbaba namin isang lalaki pa ang nang asar sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa suot kong sumbrero pero alam kong si Zhy lang iyon nakabarong sya dahil buwan ng wika. “Ang galing mo kanina, ako nga pala si —“ tinangka nya pang hawakan an kamay ko, hinablot ko ang aking kamay at umalis.
Matapos ang ilang oras ay humupa na rin ang pagka asar ko sa aming pagkatalo. Papunta ako sa auditorium para manood ng musical competition para kumalma naman ang kalooban ko. Sari-saring kalahok ang napanood ko ngunit may isang pumukaw sa aking atensyon.
Matapos ang musical competition, tumambay muna ko sa roofdeck at pinag mamasdan ang mga taong masayang nag kakagulo sa grounds, nang biglang tumabi sa akin ang isang lalaki na napanood ko kanina sa musical competition.
“The brightest star, yun yung tinugtog mo sa piano hindi ba?” Tanong ko sa kanya.Tinignan ko sya ng naka ngiti ngunit tinignan nya lang ako ng may pagtataka.
“Paborito yon ng lola ko” dagdag ko pa.
“Ang brightest star ay ang victoria, my lola’s name is Maria Victoria. Doon daw sya pinangalan sa star na ‘yon at ang pangalan ko naman ay sinunod sa pangalan ng lola ko. Mavy” paliwanag ko ngunit pag tingin ko sa kanya ay nahuli ko syang naka titig lamang sa mukha ko habang ako’y nag sasalita. Parang gandang ganda siya sakin at naaakit siya sa aking alindog"
Tila tumigil ang mundo ko ng magsalita sya.
“My name is Felix San Jose, I’m a military student” inabot at hinalikan nya ang kamay ko at hindi na binitawan pa.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomanceIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..