Kabanata 6: Katotohanan

11 1 0
                                    

Nagising akong may takip ang aking mga mata at ako’y nakagapos sa isang silya. Wala nang takip ang aking bibig kung kaya’t malaya akong nakasigaw at nakahingi ng tulong, ngunit wala akong ibang narinig kundi ang alingawngaw lamang ng aking boses. Tila walang tao sa aking kinaroroonan. Nagulat ako ng biglang may mag alis ng takip sa aking mata “D-Don Ramon” utal kong saad nang aking mabatid na ang nag padukot sa akin ay ang  ama ni Victoria. Puno ang aking isipan ng pagtataka ngunit nakangisi lamang siyang iniikutan ako.

Mag isa lamang sya ngunit may hawak syang rebolber na ano mang oras ay kaya nyang iputok sa aking ulo. “Ano ang kasalanan kosa inyo? Hindi ba’t kayo ang may nais na ipagkasundo sa akin si victoria?” Sigaw kong tanong sa ama ni Victoria ngunit inihampas nya lamang sa aking pisngi ang kanyang baril na labis kong ininda. “Wala kang kasalanan, ngunit ang iyong ama! Sumalungat sya sa akin, maayos na sana ang lahat Feliciano! Pero sinira ng iyong ama!” Sigaw nya na tila ba nasisiraan na ng bait.

Napaupo sya sa sahig at muling nag salita “ninais ng iyong ama na agawin sa akin ang posisyon sa pag ka alkalde, tinangka nya akong ipapatay kaya’t noong nabigo sya, ako ang pumatay sa kanya" pagkarinig ko ng kaniyang tinuran ay napuno ng labis na poot ang aking buong pagkatao. "Isa nga syang magaling na pinuno ng hukbong sandatahang lakas ngunit wala syang lakas kung wala syang tauhan, palihim kong pinasok ang kanyang kwarto mula sa bintana at nadadtnan ko syang natutulog” dagdag nya na lubos na nagbigay ng matinding galit sa akin, nag pumiglas ako at nag pupumilit makaagpas sa pagkakagapos sa akin upang mapatay ko sya at maipag higanti ko si ama ngunit hindi nya ako pinapansin at tuloy parin sa pananalita “para syang isang tulog na tigre” napatawa sya, mababatid mo sa kanyang ikinikilos na wala sya sa katinuan “sinakal ko sya hanggang mamatay, ang aking matalik na kaibigan, sinakal ko,pinatay ko” humagulgol naman sya ng iyak na tila ba nababaliw na. Tila hindi kayang dalhin ng kanyan utak ang sakit para sa kanya ng kanyang ginawang krimen sa aking ama. Hawak-hawak nya ang kanyang ulo at nakasalampak sa sahig.

Aking ikinagulat ng bigla syang tumayo at itutok sa akin ang kanyang baril at galit na sumigaw “ngunit kasalanan nya parin! Pinagtaksilan nya ako! At dahil alam mo na na ako ang pumatay sa kanya, kailangan mo na din sumama sa iyong ama sa kabilang buhay

"Hayop ka!" Galit kong sigaw sa kaniya

ikinasa nito ang dala nyang rebolber at idinikit ito sa aking ulo. Napapikit na lamang ako at handa ng harapin ang aking kamatayan. Hanggang sa may narinig akong malakas na tunog at sa aking pagdilat at nakita ko ang si Dib Ramon na unti-unting bumabagsak sa sahig at sa kanyang likod ay aking nakita si Victoria na may hawak na isang matigas na kahoy at lumuluha “p-patawad ama” sa pag bagsak ng kaniyang ama ay pinakawalan niya ako at niyakap ng mahigpit na tila ba wala nang bukas. Humihikbi siya ng iyak habang mahigpit na naka yakap sa duguan kong katawan dahil sa bugbog na aking natanggap.

Umalis tayo feliciano, itanan mo ako” saad mo.

“Ngunit paano ang lalaking iyong minamahal?”

Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ang aking labi “ikaw lamang ang mahal ko kailan man, hindi lang ako makatanggi sa nais ni ama dahil sa kaniyang pananakot, ngunit ngayon ay malaya na tayo

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sabay kaming umalis at pumunta sa daungan, binayaran ko ang bantay at sinabi kong kailangan naming makaalis sa lalong madaling panahon dahil may humahabol sa amin. Agad nya kaming tinulungan at isinakay sa barkong papaalis na noong oras na iyon. Idinaan nya kami sa daanan ng mga manggagawa upang hindi kami mapansin hanggang sa umalis na ang barko sa dalampasigan.

Naglinis ako ng katawan at saka kami pumanik sa itaas ng barko kasama ang mga pasahero at doon napagalaman naming papunta pala sa palawan ang aming barkong nasakyan. Habang nagmamasid sa malalim na karagatan aking naramdaman na isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at akin itong hinimas upang iparamdam na magiging maayos din ang lahat.

Dumaong na ang barkong aming sinasakyan, sa aming pag baba ay pareho kaming namangha sa ganda ng bayan na aming napuntahan. Payak ang mga pamumuhay ng tao at napaka masayahin nila. Matapos ang ilang oras na pag iko’t ay nakahanap kami ng bahay na matitirhan, napagkasunduan namin ng may ari ng bahay na babayaran ko nalamang sya kapag ako’y nakahanap na ng trabaho. Tinulungan nya naman ako at ipinakilala ako sa kaibigan nyang mangingisda. Noong unang linggo ay nahirapan kaming mamuhay ni Victoria ng payak dahil kami'y parehong sanay sa marangyang buhay ngunit ngayon, halos araw-araw ay isda ang aming ulam at natuto na rin siyang magluto at maglaba ng aming mga damit. Unti-unti, kami'y nasanay sa payak na pamumuhay at nabuhay kaming puno ng  pagmamahalan at kuntento sa kung anong meron kami basta’t kapiling namin ang isa’t-isa. Hindi na rin namin ipinabatid ang aming nakaraan sa aming mga nakakasalamuha at mga kapitbahay doon. Magiliw nila kaming tinanggap at ni-minsan ay hindi namin  naramdaman na hindi kami parte ng kanilang bayan.

Minsan ay sinamahan ko siyang mamili sa pamilihan at sa aming pag lalakad ay may nakita kaming tindahan ng mga alahas at pulseras. Mumurahin ang mga iyon kumpara sa mga alahas na nakasanayan niyang suotin dati ngunit bumili ako ng dalawang kwintas na gawa sa pilak. Ang bawat isa ay hugis kalahating puso at pag pinagsama ang aking kwintas at ang sa kaniya ay mabubuo ang isang puso. Naaalala ko pa ang tamis ng ngiti sa kaniyang labi noong mga panahong iyon. “Mahal kong victoria, gusto kong tanggapin ko ang kwintas na ito bilang tanda ng aking pag mamahal —“ hinawi ko ang kaniyang buhok at isinuot ko ang kwintas sa kaniyang leeg “— sanay tuwing suot mo ito ay maalala mo na ang kalahati ng puso ko —“ itinuro ko ang kwintas gamit ang aking hintuturo “— ay malapit sa puso mo” at itinuro ko naman ang kaniyang dibdib. “At ang puso mo naman ay nasa akin” at isinuot ko ang kwintas na para sakin. Alam kong sa aming pamamalagi sa lugar na ito ay marami pang nag aabang sa aming pagsubok lalo na sa pag angkop sa aming bagong payak na pamumuhay, ngunit ano mang hamon ay handa akong harapin basta't aking kasama si Victoria.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon