Agad akong pumunta sa bahay ni Victoria upang makausap siya at malaman kung ano ang naganap sa loob ng tatlong buwan na wala ako sa pilipinas. Diretso akong pumasok dahil bukas ang kanilang tarangkahan at kilala naman ako sa kanilang mansyon dahil sa madalas ko noong pag dalaw. Kumatok ako sa pintuan at maya-maya pa ay may nagbukas na nito. Tumambad sa akin ang isang lalaki, mababakas na sya’y galing sa isang mayamang angkan base sa kanyang pananamit. Matikas ang kanyang tindig at matalas ang kanyang tingin.
Sinabi ko sa kanyang nais komg makita si Victoria ngunit nagulat ako sa kanyang reaksyon. Nabakas sa muka nya ang galit ng kanyang tawagin si Victoria. Ngunit mas nabigla ako ng ako’y masilayan ni Victoria at magtama ang aming paningin, nagwika siya ng mga salitang lubos na dumurog sa aking puso
“hindi ko sya kilala mahal” saad ni Victoria na labis na gumulat sa akin.
"A-ano? Victoria! Ako to si feliciano, hindi ba't kanina lamang ay sinundo mo ako sa daungan?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Mahal hindi ko kilala ang lalaking iyan" dagdag nya pa sa lalaking kasama na na tingin ko'y panibago niyang iniibig.
Agad akong pinaalis at ipinahatak ng lalaking iyon palabas sa mansyon nila at pinagbantaan akong huwag na muli pang magtangka na tumapak sa kanilang mansyon.
Puno ng tanong ang aking isipan noon. Bakit niya sya tinawag na mahal? Hindi ba’t ipinagkasundo na siya sa akin? Hindi ba’t kanina lamang ay niyakap at hinalikan niya ako sa daungan? Balik niya ako itinanggi? Lubos na nababagabag ang aking isipan ngunit napagtanto noong mga oras na iyon ay ang importante muna ay makahanap ako ng matutuluyan.
Pumunta ako sa bahay ng aking kaibigang si Elyas sa katabing bayan ng San Bartolome. Payak at simple lamang ang kanilang pamumuhay, nakilala ko sya ng minsan syang mamalimos sa amin ni ama sa tapat ng simbahan. Ako’y naawa at ipinakiusap ko kay ama na sagutin ang kanyang pag aaral at mag mula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan. Madalas ko syang takbuhan tuwing ako’y may kinakaharap na problema at hindi siya nabugo kainlanman na pagaangin ang aking nararamdaman. Malugod nya akong pinatuloy sa kanyang tahanan at pinakain ng hapunan.
Lubos kong ikinalungkot sa kanyang ibinalita. Makalipas lamang ang isang linggo matapos kong umalis, pumanaw si ama. Natagpuan na lamang ang kanyang walang buhay na katawan sa kanyang kwarto at hinihinalang inatake sa puso. Kinabukasan, agad akong nagpasama kay Elyas sa puntod ng aking ama at doon ay hindi ko na napigilan pa ang aking luha sa pag daloy.
Hindi ko alam na ganito pala ang magiging kapalit ng aking pag nanais na maabot ang aking pangarap. Nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko at ngayon pati ang aking ama na syang nangalaga at nagmahal sakin buhat ng mamatay ang aking ina sanggol pa lamang ako. Ka’y bigat ng mga pangyayaring naganap sa bayan na ito. Matapos ang ginawang pag tatanggi sa akin ni Victoria ay wala na akong nakikitang dahilan upang manatili pa sa bayan ng San Bartolome. Sa aking palagay ay nararapat lamang na akin nang lisanin ang bayan na ito.
Napag desisyunan kong lumisan na at pumunta sa aming bahay sa Cebu. Handa na akong lumisan dahil naka impake na aking mga damit mula sa aking pag eensayo sa Amerika. Nagpaalam na ako sa aking kaibigan at nagpasalamat sa kanya. Ihinihatid nya ako sa tarangkahan ng daungan at saka umalis.
Nakikita ko na ang barkong aking sasakyan papuntang cebu, sa huling pagkakataon ay tumalikod ako at nag paalam sa aking bayang sinilangan, ako rin ay nag paalam sa mga ala-ala, malungkot at masaya, at handa na akong talikuran ang aming pag mamahalan na kaniyang unang kinalimutan. Sadya sigurong may mga bagay na hindi itinakda para sa akin. Tumalikod na ako’t humarap sa barkong magbibigay sa akin ng bagong buhay. Inihakbang ko ang aking mga paa papalapit sa barko at papalayo kay Victoria.
Malapit ko nang marating ang sakayan ng barko ng biglang isang isang tela ang tumakip sa aking bibig dahilan upang hindi ako makasigaw, isang sako ang isinaklob sa aking mukha at tinalian ako ng lubid sa katawan. Napakabilis ng pangyayari at hindi ko nagawa pang manlaban. Isang hampas ng isang matigas na bagay sa aking kalamnan ang nagbigay sa akin ng labis na sakit na aking ininda naramdaman kong may bumuhat sa akin at isinakay ako sa isang karwahe. Sa aking palagay ay nasa apat na tao ang dumukot sa akin. Sa loob ng umaandar na karwahe ay walang tigil nila akong binugbog hanggang sa mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomanceIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..