(Punto de Vista ni Feliciano)
Ako'y nagising sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Aking inilibot ang aking mga mata sa loob ng silid at aking napagtanto na ako'y nasa isang ospital. Kung sino man ang nagdala at nag ligtas sa akin ay hindi na mahalaga pa. Ang importante ay mailigtas ko si Victoria at ang aming magiging anak. Kasabay ng aking pagbangon sa aking kinahihigaan ay nakaramdam ako ng labis na sakit. Napahawak ako sa aking dibdib at aking naalala na may bala na tumama rito. Ngunit ng aking tignan akin lamang nakita ang butas sa kwintas na aking suot at walang bahid ng bala na pumasok sa aking dibdib.
Hirap mang gumalaw ay pinilit kong tumayo at dahan dahang naglakad paalis ng silid. Sa maliliit na hakbang ay malapit ko nang marating ang labasan ng ospital at maari ko ng puntahan si Victoria. Walang ibang tao sa pasilyo kung kaya't dahan-dahan akong sumilip sa magkabilang direksyon upang siguraduhing walang ibang nakakakita sa akin. Paniguradong ako'y pinapahanap pa rin ng mga pulis sa paniniwalang dinuktot ko si Victoria at nais kong patayin si Don Ramon.
Sa aking paghawak ng hawakan ng pintuan ay isang kamay ang tumakip sa aking bibig dahilan upang hindi ako makapag salita o makahingi ng tulong. Dinala nya ako sa isang kwarto at doon ay nasilayan ko ang kaniyang pamilyar na mukha.
"S-sino ka?" Utal kong tanong sa isang pamilyar na lalaki sa aking harapan.
"Ako si Zhyrus, tayo'y nag ka kilala sa iyong piging pamamaaalam noon bago ka umalis papuntang Amerika" paliwanag nito sa akin at tila unti-unti ko siyang naaalala.
"Natagpuan ko ang iyong katawan na lumulutang sa gitna ng ilog habang ako'y nag babakasyon sa aking yate" dagdag nya pa.
Ipinaliwanag niya sa akin ang mga naganap at aking napag alaman na ilang araw na pala akong walang malay matapos ang operasyon. Kanya ring ibinalita ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ni Victoria at pagpapaka tiwakal ni Perino na labis kong ikinalungkot. Hindi ko naisip na sa ganito hahantong ang lahat ng pangyayari.
Hindi na ako iniwan pa ni Zhyrus at itinuring niya akong kaibigan. Magkasalo kaming kumain at pansamantala akong nakikitira sa kaniyang tahanan dito sa Palawan. Akin ring napag-alaman na siya'y naguguluhan kung masaya pa ba siya sa kaniyang pagiging isang manunulat. Nais kong makatulong sa kaniya upang maibsan ang bigat niyang nararamdaman at bulang pag tanaw ng utang na loob sa pag ligtas niya sa aking buhay. Sa loob ng isang linggo ay nakatakda kaming bumalik sa bayan ng San Bartolome dahil doon ang kaniyang tahanan at nais ko ring makita si Victoria.
Kung kakailanganin ko muling itakas si Victoria ay aking gagawin makapamuhay lamang kami ng mapayapa at ipagpatuloy ang aming oag iibigan. Sa bayang ito sa Palawan ay napakaraming pangyayari ang naganap. Puno ng saya't tawanan, puno ng aral at mga bagong karanasan para sa amin ni Victoria. Puno rin ng sakit at hapdi. Katulad ng iabng bayan, kailangan ko na rin lisanin ito upang hanapin si Victoria taglay ang mga aral na natutunan namin sa bayang ito. Ang masasayang ala ala namin na patunay na kahit minsan ay nagsama kami sa iisang bubong at naging isang pamilya. Na ngayon, ay alaala na lamang.
Sa aming pagbabalik sa San Bartolome ay akin agad napuna ang napakaraming pagbabago. Kasabay si Zhyrus sa kaniyang sasakyan ay pawang mga modernong sasakyan na ang makikita sa bayan ng San Bartolome. Matapos marating ang tahan ni Zhyrus ay kumain kami ng tanghalian. Siya'y nagpaalam sa akin na siya ay panandaliang lilisan at may aasikasuhin kung kaya't ako'y naiwan sa kaniyang tahanan kasama ng mga tagapag silbi.
Marangya ang kaniyang pamumuhay bilang isang sikat na manunulat, aking napag alaman na siya'y dalubhasa rin sa pagtugtog ng iba't ibang instrumento at ang labis niyang pagmamahal sa musika. May isang silid sa kaniyang tahanan na punong puno ng mga libro. Matataas ang pader ng silid at bawat sulok ay may makikita kang libro. May mga naglalakihang araniya na nakasabit sa kisame at pawang mga nobela ng sikat na si Arthur Conan Doyle ang kaniyang nasa koleksyon.
Matapos maglibot sa kaniyang bahay. Agad kong pinuntahan ang bahay ni Victoria. Hindi ki maipaliwanag ang labis na pagkasabik na muli siyang masilayan at mahagkan. Ang kaniyang mga labi ay nais ko nang mahalikan at mahawakan ang kaniyang mga kamay. Bawat gabi ay aking inaaalala mula sa umpisa ang aming istorya mula sa kung paano ko siya unang nakita sa pista, kung paanong siya pala ang babaeng ipinagkasundo sa akin. Ang unang halik namin sa lawa. Ang aking pag uwi mula sa Amerika, ang pag punta naming palawan. Ang mga gabing malamig na pinainit namin dalawa. Ang ilalim ng bilog na buwan kung saan huli ko siyang nasilayan sa dalampasigan.
Sa aking marahang paglalakad ay aking napansing bukas ang bintana ng kaniyang silid at maaari akong dumaan doon upang siya'y aking makita. Kung kaya naman ako'y kumuha ng matutungtungan upang makapanik sa silid ni Victoria. Bagamat ako'y nahirapan dahil sa taas nito ay unti unti ko rin itong naabot hanggang sa makapasok na ako sa kaniyang silid. Walang tao at sarado ang pintuan. Lumibot ako at aking nakita ang aking litrato sa isang maliit na lamesa senyales na kay Victoria nga ang silid na ito. Kinuha ko ang litratong iyon at umupo sa tabi ng kama. Maya maya pa ay bumukas ang pinto na aking ikinagulat ngunit napawi lahat ng takot sa aking dibdib ng masilayan ko si Victoria. Agad niyang ikinandado ang pinto at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. Hinawakan ko naman ang kaniyang mukha at hinalikan ang kanyang labi.
"Buhay ka mahal ko" saad ni Victoria at hinalikan nya rin ako na tila ba uhaw na uhaw sa aking mga labi.
"Umalis tayong muli Victoria at ngayon ay sisiguraduhin kong hindi na tayo matatagpuan pa ng ityong ama" yumuko lamang ito at hindi umimik.
"P-patawad Feliciano" umagos ang luha niya at yumakap sa akin.
Napuno ng pagtataka ang aking isipan.
"Bakit? Sumama ka sa akin at mamumuhay tayong muli ng matiwasay. Mag sisimula tayo ng panibago mahal ko""Hindi ako maaaring umalis, ipinanganak ng aking ina ang aking kapatid na si Gregoria, malubha at napakadelikado ng kalagayan ni ina dahil montik na niyang hindi kayanin ang panganganak. Hindi ko maaatim na iwanan siya. Mahal ko si ina at si ama ay tumatanda na rin, hindi ko kayang ipagkatiwala lamang sa tagapag silbi ang buhay ng aking ina" paliwanag ni Victoria.
Naiintindihan ko siya at alam kong wala akong magagawa sa kaniyang desisyon. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng isang ina at ayokong maranasan niya ang sakit at lungkot na aking pinagdaanan nang mamatay ang aking ina ng ako'y bata pa.
Pareho naming ikinagulat ng kami'y makarinig ng katok mula sa pinto. Narinig ko ang boses ng kaniyang ama na hinahanap siya at nagpupumilit pumasok sa kaniyang silid. Agad naman akong tumakbo papuntang bintana at handa nang umalis. Hinawakan ni Victoria ang aking mukha at pinabaunan ako ng napakatamis na halik.
"Tuwing linggo ay nagsisimba ako sa parokya ng San Bartolome, iyon lamang ang pagkakaton upang magkita tayong muli" binitawan niya ang aking mukha at ako'y tumalon pababa at tumakbo papalayo bago pa may maka kita sa akin.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomanceIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..