Kabanata 2: Victoria

18 1 0
                                    

"The Brightest Star” nagulat ako nang kanyang banggitin ang mga katagang iyon. “Iyon ang piyesang iyong tinugtog hindi ba?” Tanong nya sa akin na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahang may alam pala siya sa musika at pagtugtog ng piano. Kung sabagay, una pa lamang ay batid ko nang sya’y galing sa mayamang angkan. Tila mabait siya ngayon kumpara sa kaniyang inasal noong una ko siyang makita sa bayan kaya’t hindi ako nag atubiling sumagot “Ang Pinaka Makinang na Bituwin, sa wikang tagalog” saad ko at tumingin din ako sa kalangitan.

Patawad sa aking inasal noong ating unang pag kikita masama lamang ang aking loob noon dahil natalo kami sa patimpalak” saad niya sa akin at tila naman ako’y nakahinga ng maluwag dahil sa ang akala ko ay nabastusan siya sa akin noong oras na iyon.

Ang piyesang iyong tinugtog ay paborito ng aking ina” tumingin sya sa kalangitan at itinuro ang pinaka makinang na bituwin sa kalangitan.

Victoria, Ipinangalan nya ako sa bituwing iyon. Taga kanluran ang aking ina at sa kanilang bansa ay pinapangalanan nila ang mga bituwin base sa posisyon nito sa kalangitan, at isinunod ang pangalan ko sa pinakamakinang na bituwin sa kalangitan. Ang bituwing Victoria” kaniyang paliwanag sa akin. Habang sinasambit niya ang mga katagang kaniyang tinuran ay nakatingin lamang ako kaniya at pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Tunay ngang siya’y napaka ganda kahit saang anggulo tignan.

A-ako si Feliciano, nag aaral ako bilang isang sundalo” utal kong pagpapakilala sa kaniya. Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti at kaniyang iniabot ang kaniyang mga kamay upang ito’y aking mahalikan. Sa aking pag halik ay hindi ko na muli pang binitawan ang kaniyang kamay at sinulyapan ko ang kaniyang mga mata. Nginitian niya ako senyales na siya’y sang ayon sa pag hindi ko pagbitaw sa kaniyang kamay. Noong mga oras na yon ay napakabilis ng tibok ng aking puso at hindi ko maipaliwanag ang sayang dumadaloy sa aking buong pagkatao.

Halika’t ipapakilala kita sa aking ama” pag aya ko sa kaniya at bumaba na kami upang maipakilala siya sa aking ama’t mga malalapit kong kaibigan. Nakakapit ang kaniyang kamay sa aking braso. Pagbaba namin sa hagdanan ay napunta sa aming dalawa ang atensyon ng lahat ng bisita. “Mag kakilala na pala kayo” nagulat kong bati ni ama, nagtaka naman ako sa kanyang sinambit “siya ang babaeng ipapakilala ko sa iyo, ang panganay na anak ng pamilya Felicidad na namumuno dito sa bayan ng San Bartolome” tinignan ko ang kaniyang mga mata at bakas din sa kaniya ang pagkabigla sa mga pangyayari.

Umupo na akong muli sa hapag-kainan sa tabi ng aking ama, sa aming harapan ay nakaupo si Victoria at ang kaniyang ama. “Malugod akong makilala ka ginoong feliciano. Lubos kong ikagagalak kung ika’y papayag na ipag kasundo  ang aking anak na si Maria Victoria sa iyo upang mas palakasin pa ang impluwesya ng ating angkan dito sa bayan ng San Bartolome” saad ng kaniyang ama na si Don Ramon Feliciano, ang alkalde ng bayan ng San Bartolome. tumingin naman sa aking mata si Victoria ng may ngiti sa mga labi. Naramdaman kong ang sinisigaw ng puso namin ay iisa kung kaya’t winika ko sa kaniyang ama “Don Felicidad, sa tingin ko’y kahit hindi ninyo kami ipagkasundo, kami’y nakatadhanang mag ibigan” inabot ko ang kaniyang kamay at kami’y sumayaw sa saliw ng mabagal na musika sa gitna ng mansyon kasabay ng ibang mga bisita sa piging. Iyon ang pinaka hindi ko malilimutang araw ng aking buhay. Sa gitna ng nagsasayawang tao, isinasayaw ko ang babaeng hindi ko inasahang darating sa aking buhay ngunit ngayon ay ayaw ko nang mawala pa.

Maganda ang pamamalakad ng pamilya Felicidad sa bayan ng San Bartolome bilang alkade at malapit silang kaibigan ng aming angkan na kilala rin dahil ang aking ama ay pinuno ng hukbong sandatahang lakas ng pilipinas at sya ring bise alkalde ng bayan na ka partido ng kaniyang ama na si Don Ramon Feliciano.

Mula noon ay napadalas ang aming pagkikita at pamamasyal, napadalas rin ang aking pagdalaw sa kanilang bahay. Lagi kaming nanonood ng tyatro at mga pagtatanghal. Nagkalapit ang aming loob at sinusulit namin ang bawat minutong kami’y magkasama na tila ba iyon na ang huli. Buong araw niyang binubuhos ang kaniyang pagmamahal sa akin at ganon din ako.

Naalala ko pa noong isang beses na dumalaw ako sa kanilang mansyon at tinugtog ko ang kaniyang paboritong piyesa sa kanilang piano. Tumabi siya sa akin at sinabayan niya akong tumugtog gamit ang iisang piano. Lalo kang nakabibighani habang siya'y tumutugtog ng musikang sabay naming nililikha. Hindi ko maiwasang mapa titig sa kaniyag mata habang kami’y patuloy sa pag tugtog ng piano.

Pinaka hindi ko malilimutang parte ay nang kami’y matapos ng tumugtog. Humarap ako kaniya upang batiin siya na napahusay niya ngunit napansin kong iba ang kaniyang titig sa’kin. Tinitigan ko din ang kaniyang mga mata na tila ba nangungusap at may hinihiling. Hinawi ko ang kaniyang buhok at isinampay ito sa kaniyang tainga upang mas masilayan ko ang kaniyang kabigha-bighaning mukha. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at hinawakan niya naman ang kamay kong iyon. Unti-unting naglapit ang aming mga mukha at nakaramdam ako ng matinding sensasyon sa katawan. Nang malapit ng magdikit ang aming mga labi ay sabay naming ipinikit ang aming mga mata. Ilang sadali pa ay—

“BLOODY HELL!!” Sigaw ng isang babaeng pababa sa hagdan.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon