Kabanata 4: Pag-Uwi

13 1 0
                                    


Magbuhat ng araw na iyon, ay walang araw na hindi sumagi sa aking isipan si Victoria. Sa bawat oras na lumilipas na siya'y aking hindi nakakasama, puso ko’y labis na nangungulila sa kaniya. Aking ikinabigla nang aking mabalitaan na ipinagbabawal pala ang magpadala at tumanggap ng kahit anong liham habang kami'y nasa amerika.

Agad ko siyang inisip noon, siguradong siya'y malulungkot kapag kaniyang nabatid na sa loob ng tatlong buwan ay hindi kami maaring mag usap. Pinaka mahirap ay ang unang linggo ng aking ensayo, lubos akong nangungulila sa kaniya at wala akong ibang magawa kundi ang pagmasdan ang kaniyang litrato at ipagdasal na sana’y sa loob ng tatlong buwan ay hindi mawala ang kaniyang pag mamahal para sa akin.

Unti-unti akong nasanay sa pang araw-araw naming buhay. Sa umaga ay sinisimulan namin sa pagtakbo paikot sa lugar,matapos iyon ay mag eehersisyo naman pampatibay ng katawan. Sa tanghali matapos kumain ay tinuturuan kaming gumamit at humawak ng mga baril, minsan ay nag eensayong kaming parang may tunay na giyera. Sa hapon ay may pagkakataon kaming mag siyesta at sa gabi'y naglilinis ng mga kagamutan at sabay sabay kaming naliligo ng aking mga kasamahan.

Makalipas ang unang buwan ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan. Araw araw akong nag susulat ng aking tala arawan upang sa aking pag uwi ay maipabasa ko iyon kay Victoria at malaman niya ang aking mga karanasan at kung gaano ako nangungulila sa yakap at halik niya. Mahirap at puspusan ang a aming ensayo tinuturan kami kung paano humawak ng mga mabibigat na armas at paano gumamit ng mga naglalakihang tangkeng pang digmaan. Lumipas pa ang ilang buwan at sa wakas ay huling linggo na ng aming ensayo. Ako’y lubusang nananabik na makauwi. Ipinagbigay alam sa aming mga pamilya sa pilipinas na sa loob ng isang linggo, ang aming barko ay dadaong na sa dalampasigan ng maynila kung kaya’t alam kong alam  din ni Victorua na ako’y makakauwi na.

Hanggang sa dumating na ang pinakaiintay kong araw. Bitbit ang aking tala-arawan, naglakad na ako pababa ng barko matapos nitong dumaong sa maynila. Habang ako’y naglalakad ay inililibot ko ang aking paningin, hinahanap ko siya o ang aking ama ngunit hindi ko sila masilayan. Hanggang sa tuluyan na akong nakababa ng barko, tumayo ako sa gitna ng mga nagkakagulong tao at inikot ang aking paningin. Bawat isa ay masayang nagyayakapan matapos nilang magtagpo ng kanilang mahal sa buhay. Ngunit sa gitna nila ay nakatayo lamang ako, nag iinatay ng tao na sasalubong at hahagkan sa akin ngunit wala. Nakaramdam ako ng labis na lungkot at pag aalala.

Lumakad na ako palabas ng pyer, siguro ay hindi nila nabalitaan na ngayon na ang aking uwi. Narating ko na ang tarangkahan at handa na akong lumabas ngunit biglang may humatak sa aking braso at tinakpan ang aking mata. Dinala nya ako sa isang sulok kung saan ay walang ibang tao. Nabalot ako ng takot ngunit agad itong napawi ng masilayan ko ang mukha ni Victoria.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit at tumatangis siya sa aking balikat. “Lubos akong nangulila sa iyong pagmamahal” malinaw pa sa aking ala-ala ang oras na sinambit niya ang mga katagang iyan habang nakayakap sa akin. Iniharap ko ang kaniyang mukha at tinitigan ang kaniyang mata “akala ko ay nakalimutan mo na ako” hinawakan ko ang kaniyang pisngi at hinalikan ang kaniyanh mga labi. Ramdam ko din sa kaniya ang labis na pagkasabik sa akin, sa loob ng ilang segundong halik ibinuhos ko ang tatlong buwan kong pangungulila sa kaniya. “Mahal na mahal kita Feliciano patawad at kailangan ko nang umalis” kaniyang winika at siya'y sumakay sa kanilang karwahe at iniwan akong puno ng pagtataka.

Dahil hindi ako sinundo ni ama, ako’y napilitang sumakay sa isang kalesa kapalit ng salapi. Nagpahatid ako sa aming mansyon. Napakaraming nag bago sa bayan ng San Bartolome, tila sa loob lamang ng tatlong buwan ay nagbago ang pamumuhay sa aming bayan. Narating na namin ang aming mansion ngunit nagulat ako sa aking nasilayan, mababakas mo sa tarangkahan pa lamang na tila ba ito’y napabayaan at napag lipasan ng panahon. Agad akong bumaba sa aking sinasakyan dahil sa labis na pagkabigla. Pumasok ako ngunit ang tumambad lamang sa akin ay isang mansyon na puno ng mga kagamitang nababalot ng alikabok. Walang katao-tao, wala si ama miski ang aming mga tagapag silbi. Mahahaba ang damo at patay na ang pananim sa hardin. Ang sala na dati ay punong-puno ng sigla ay nababalot na ngayon sa dumi at makapal na alikabok. Sinubukan kong sindihan ang ilaw ngunit hindi ito sumindi senyales na walang dumadaloy na kuryente sa buong mansyon. Lumibot pa ako at sinubukang intindihin kung ano ang nangyari. Hindi ko inasahang ganito ang tahanang aking dadatnan sa aking pag uwi. Ang ipinag tataka ko pa ay kung nasaan si ama.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon