Tuwing linggo ay patago kaming nagkikita ni Victoria sa simbahan ng San Bartolome. Ang alam ng kaniyang ama ay nag sisimba siya ngunit patago kaming nagkikita at pumupunta sa gilid ng lawa. Ilang buwan na rin ang nakalipas at hindi nag bago ang lahat. Hindi parin bumubuti ang lagay ng kaniyang ina bagkus ay lumalala pa ito dahilan upang mas mahirapan akong kumbinsihin si Victoria na magpaka layo-layo. Naging mabuting magkaibigan kami ni Zhyrus, magkasama kami sa kaniyang bahay at tila naliwanagan na rin siyang nais nya mag patuloy sa pagsusulat ng mga nobela.
Ngayon ay araw ng linggo at ito ang araw na magkikita kami ni Victoria. Ilang sandali pa matapos ang ilang minutong paghihintay ay nakita ko na siyang naglalakad papalapit sa simbahan at agad ko siyang sinenyasan. Kaniyang itinakip ang kaniyang belo at agad na umiba ng direksyon papunta sa aking kinaroroonan.
"Halina sa lawa mahal marami akong nais ikuwento sa iyo" pag aya ni Victoria ngunit tumanggi ako sa kaniyang nais.
"Nais ko sanang dalhin ka sa tahanan ni Zhyrus, ang aking tapat na kaibigan. Siya rin ang nagligtas sa aking buhay noong mahuli ako ng pulis sa palawan. Matapos non ay maari na tayong pumunta sa lawa upang mag kuwentuhan" nasabik naman si Victoria sa aking tinuran at agad ko siyang napa-payag na ipakilala kay Zhyrus.
Sa tarangkahan pa lamang ng mansyon ay may napansin na akong kakaiba. Bukas ang tarangkahan at alam kong hindi iyon pangkaraniwan dahil hindi iyon kailanman iniiwang bukas ni Zhyrus. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at natanaw ko sa bitana ang mga pulis. Agad kong hinawakan ang kamay ni Victoria at tumakbo kami papalayo. Sa aming pagtakbo ay may isang mahinang bulong ang aking narinig mula sa likod ng isang puno.
"Feliciano"
Agad namin itong nilapitan at bumungad sa amin si Zhyrus na hinahapo ng hingal at halatang tumakbo.
"May nag sabi sa mga awtoridad na ikay naka tira sa aking bahay kaya't hinahalughog nila ang buong bahay ko, huwag kang mag alala dahil ipinatago ko na ang iyong mga kagamitan sa sikretong silid at ibinilin ko sa mga tagapagsilbinh sabihin na ako'y nasa Britanya" paliwanag niya at nagkatinginan kami ni Victoria at batid ko sa kaniyang tingin ang pangambang baka kami'y mahuli.
"Ang dapat mong gawin Feliciano ay magtago at ikaw Victoria, bumalik sa simabahan at mag panggap na walang alam sa nangyayari siguradong pinag hihinalaan ka na rin ng iyong ama" dagdag pa ni Zhyrus
Yumakap sa akin ng mahigpit si Victoria at tumangis.
"natatakot ako Feliciano" patuloy ang pagbagsak ng luha niya sa aking balikat.
Hinawakan ko ang kaniyang mukha't pinunasan ang kaniyang luha. "Wala nang oras mahal, magiging ayos din ang lahat. Kailangan mo ng bumalik sa simbahan upang hindi ka mapahamak" binigyan ko siya isang halik sa noo at bibig. Niyakap niya akong muli ng mahigpit.
"Magkikita tayong muli mahal kong Victoria, pangako. Ibabalik mo sa akin ang halik na ito" saad ko at binigyan siya ng matamis na halik. Tumakbo na palayo si Victoria at pabalik sa simbahan upang isipin ng kaniyang ama na hindi niya alam na nandito ako sa bayan ng San Bartolome.
Agad kaming sumakay sa sasakyan ni Zhyrus ngunit bago pa man ito namin mapa andar ay may mga pulis na ang nakapansin sa amin. Ilang minuto bago makarating sa aming kinaroroonan ang mga pulis ay napatakbo na ang makina ng kaniyang sasakyan at umalis na kami. Ang akala namin ay hindi nila kami nasundan ngunit ilang saglit pa ay napansin namin sinusundan kami tatlong pulis na nakasakay sa kabayo at pinapa putukan kami ng baril. Dumaan kami sa makikipot at pasikot-sikot na kalsada ngunit nasusundan parin nila kami. Napagkasunduan namin ni Zhyrus na bumaba at tumakbo na lamang upang mas madali kaming makapag tago ngunit sa aming pagtakbo ay bumaba rin ang mga pulis at hinabol kami.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomantizmIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..