Kabanata 9: "Ang pag-asa ng bayan"

13 1 0
                                    

(Ibang Punto de Vista)

"Ihain mo sa akin ang pinakamahal na alak na mayroon kayo" utos ko sa isang tagapagsilbi ss aking nirentahang mamahaling yate. Matapos ang ilang buwan na tila walang katapusang pagod ay nagkaroon din ako sa wakas ng pagkakataon na makapagpahinga't makapag muni-muni. Ako'y rumenta ng isang yate upang ilibot ako ng ilang araw sa karagatan ng puerto prinsesa na kilala sa buong mundo sa taglay nitong pambihirang kagandahan. Isang primera klaseng yate ang aking kasalukuyang sinasakyan at pawang mayayaman lamang ang nakaka okupa nito. Mula sa mudernong istilo ng buong yate, mga nagkakagadang obra maestra ng mga nag gagalingang pintor sa mga dingding, mamahaling mga kubyertos at kagamitan, at higit sa lahat, masasarap at mamahaling alak. Masasabi kong ito ang pinaka magandang bakasyon na aking naranasan sa aking buong buhay.

"Mr.Zhyrus" tawag sa akin ng tagapagsilbi kasabay ng pag abot nito sa akin ng isang bote ng mamahaling alak na mula espanya. Kinuha ko iyon at ipinatong sa isang maliit na lamesa sa dulo ng yate at umupo sa silyang katabi nito. Napakagandang pagmasdan ng bilog na buwan mula sa napakalawak na karagatan ng puerto prinsesa.

Isa akong manunulat, isang tanyag na manunulat. Ako'y mula sa Britanya ngunit lumaki sa pilipinas dahil sa ang aking ama ay isang pilipino. Mahigit tatlumpung nobela na ang aking naisulat at lahat ng iyon ay humakot ng napakatinding suporta at mga parangal. Ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay tila ako'y nawawalan ng gana sa aking pagsulat. Sumasagi sa aking isipan kung ako pa ba ay masaya sa aking ginagawa o ginagawa ko na lamang ito dahil kailangan. Sinusubukan kong maghanap ng sagot sa pamaagitan ng pagmumuni-muni at pagbabakasyon ngayon. Sa yateng ito ay napaka tahimik at napaka kalmado ng karagatan. Tamang oras upang pag isipan ang mga desisyong aking gagawin sa hinaharap.

Lubhang maliwanag ang buwan at ang dagat at nagni-ningning. Napakaraming bituwin ang kumikislap sa kalangitan. Kasalukuyan kong iniinom ang alak na inihain sa akin habang pinagmamasdan ang bilog na buwan. Napatingin ako sa karagatan at ako'y namangha sa ipinapakita nitong repleksyon. Napakalinaw ng tubig na tila ba'y gawa sa salamin at malinaw na ipinapakita ang imahe ng kalangitan. Idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin at maliliit na alon sa karagatan. Tila isang perkpektong imahe ang kasalukuyang nasisilayan ng aking mga pinagpalang mata.

Sa aking pagtitig sa repleksyon ng bilog na buwan, ako'y may napuna na tila kakaiba. Sa gitna ng repleksyon ng napakaliwanag at puting buwan, may isang bagay na lumulutang na labis na pumukaw sa aking atensyon. Habang ang aking sinasakyang yate ay lumalapit ay unti-unting nabibigyang linaw nito ang nasisilayan ng aking mga mata.

"isang tao!" Sigaw ko sa kapitan at agad nitong inihinto ang yate sa pag andar. Hindi ako nag atubiling tumalon at sagipin ang taong aking nakitang lumulutang sa malawak at payapang karagaran. Wala itong malay at tila binawian na ng buhay. Agad ko siyang hinawakan sa braso at saka lumangoy pabalik sa yate at sya'y aking isinakay. Ang puso nya ay tunitibok ngunit sya'y hindi na humihinga. Ang katawan nya ay puno ng sugat na nagmula sa tama ng baril kung kaya't ako'y nangambang madawit sa kung ano mang problema ang kinakaharap ng taong ito. Ngunit hindi ko na iyon inalintana at binigyan siya ng paunang lunas base sa aking natutunan sa britanya, hinipan ko ang kaniyang bibig upang magka hangin ang kaniyang katawan at aking nilagyan ng puwersa ang kaniyang dibdib ng paulit-ulit.

Habang akin iyong ginagawa ay may napansin akong kakaiba. Tila may bumabagabag sa aking isipan tungkol sa lalaking ito. May kakaiba sa kaniyang mukha at may nararamdaman akong kakaiba sa aking kaloohan. Hindi siya pangkaraniwan. Ilang saglit pa ay nagkamalay na ito at napatingin sa akin, at nang ang paningin namin ay nagtama, napagtanto ko kung ano ang bagay na bumabagabag sa akin.

"Feliciano?" Nakilala ko siya ng magtama ang aming paningin kasabay ng kaniyang pagdilat. Siya ang panganay na anak ng namayapang si Don Mateo San Jose. Isang beses kaming nagkita sa kaniyang piging bago siya umalis papuntang amerika para sa isang ensayo sa pag susundalo. Naalala kong ako'y nakipag kamay sa kaniya at binigyan siya ng kopya ng isa sa aking nobela noon. Lubha nga'ng napakaliit ng mundo.

Bagamat nagkamalay na siya, hindi siya nagsasalita at nakatingin lamang sa aking mata. Hindi rin siya gumagalaw at nagpapakita ng kahit anong senyales na sya'y nasa maayos na kundisyon. Sya'y humihinga at ang puso nya ay tumitibok ngunit paralisado ang kanyang katawan. Pumukaw ng aking pansin ang butas sa kanyang damit sa bahagi mg kaniyang dibdib na tila ba tinamaan ng bala. Agad ko itong pinunit upang tignan at ikinabigla ko ng makita kong isang bala ang nakabaon sa kaniyang kuwintas na kalahating puso. Kung ang balang iyon ay tumagos ay paniguradong tatamaan ang kaniyang puso at kaniyang ikamamatay. Tila ba pinigilan ng kwintas ang bala mula da pagtagos upang mailigtas ang kaniyang buhay. Ako rin ay nagtaka kung nakanino ang kalahati ng kwintas na kaniyang suot. Malamang ito'y nasa kaniyang kasintahan. Kung sino man siya, inalay niya ang kalahati ng kaniyang puso masagip lamang si Feliciano.

Aking inutusan ang kapitan ng yate na ibaba kame sa pinakapamalapit na dalampasigan upang madala si feliciano sa pagamutan. Matapos ang ilang sandali ay dumaong ang aking yate at agad kong dinala si Feliciano sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan na aming napuntahan. Sa ospital ay sumailalim siya sa operasyon upang matanggal ang mga bala sa kaniyang katawan. Bago siya kunin ng mga doktor ay binigyan nya akong ng isang sulyap at ipinikit ang kanyang mata na tila nagpapasalamat sa akin. Naging matagumpay ang operasyon ngunit matapos iyon, hindi na niya idinilat pa ang kaniyang mga mata.

Ilang araw na din ang lumipas ngunit hindi parin siya nagkakaroon ng malay.  Tila isa ko na rin siyang kaibigan kaya't hindi ko siya iiwanan hanggang sa dumating ang oras na siya ay magising. Sa loob ng ilang linggo, mag isa ko siyang binabantayan sa ospital at matiyagang nag aantay ng kaniyang pag gising. Nagsagawa ako ng pananaliksik tungkol sa kaniya at kung paano siya napadpad dito.

Aking napagalaman na siya ay inaakusahan sa tangkang pagpatay kay Don Ramon na alkalde ng bayan ng San Bartolome at pagdukot sa anak nitong si Maria Victoria. Ngunit base sa mga aking nakalap na kuwento sa lugar na ito ay masiya silang nagmamahalan at payak na namumuhay dito sa palawan. Akin ding napag alamang ang kaibigan ni feliciano na si Perino ay nagpakamatay matapos nitong mabalitaang patay na raw si feliciano. Inusig raw ito ng kaniyang konsensya sa pagkalulo sa kaniyang matalik na kaibigan. Noong gabing natagpuan ko si feliciano, si Victoria naman na anak ni Don Ramon ay sumubok na manlaban sa mga pulis sa sinasakyan nitong bangka at nang agaw ng baril. Sa kaniyang pag agaw ng baril sa mga pulis ay aksidente itong pumutok at tumama sa kaniyang sinapupunan. Dahil doon napag alaman sa ospital na siya pala ay nagdadalang tao ngunit sa kasamaang palad, ang batang kaniyang dinadala ay namatay.

Pabalik na ako sa ospital matapos ang aking pakikibalita sa mga taong kanilang nakasalamuha sa bayang ito. Hindi ko ipinagbigay alam na buhay si feliciano upang hindi na siya matunton pa ng mga pulis. Umaasa akong sa aking pagpasok muli sa ospital na sya'y nagising at may malay na upang masabi ko sa kaniya ang aking mga nalaman. Ngunit pagpasok ko sa kwarto ay tumambad sa akin ang isang bakanteng higaan.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon