Kabanata 1: Si Feliciano

23 1 0
                                    

“Ang pangalan ko ay Feliciano San Jose” ganyang-ganyan ako nagpakilala sa isang napakagandang dalagang aking nasilayan sa pista ng baryo noong taong 1918. Ako’y nabighani sa inihandog niyang sayaw noon sa para sa kapistahan ng patrong San Bartolome sa aming bayan. Sa unang pagkakataon na nagtama ang aming paningin ay nabatid ko na agad na siya ang babaeng nakalaan para sa akin. Naka suot siya ng isang puting saya na syang nakapag palutang lalo sa taglay nyang kagandahan. Kasabay ng pagsambit ko ng aking pangalan ay lumuhod ako sa kaniyang harapan at hinalikan ang kaniyang napakalambot na kamay. Ang kaniyang kuko ay kulay pula at puno ang kaniyang kamay ng mamahaling pulseras tanda na siya’y galing sa mayaman at kilalang pamilya. Nakabibighani ang kaniyang halimuyak na batid kong mula sa isang mamahalin pabangong mula sa pransya.

Ngunit ako’y nabigla ng ako’y kanyang sinungitan at mabilis niyang hinila ang kaniyang kamay mula sa aking pagkakahawak. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin at saka umalis. Mabuhat noong araw na iyon ay hindi na siya nawala sa aking isipan. Hindi ko man lamang nabatid ang ngalan niya ngunit ang kaniyang mukha ay laging nasa aking mga panaginip.

Araw-araw akong pumapasyal sa bayan umaasa na muli kong masisilayan ang kaniyang balingkinitang katawan, natural na mapupulang labi, ang mga mata niya na tila may tinatagong dyamante sa loob at nag-niningning, ilong na tila ba walang kasing tangos, ang kutis niya’ng ‘sing puti’t kinis ng labanos, at umaasa akong muling mahawakan ang kaniyang kamay, na tila ba gawa sa sedang mula sa tsina sa labis lambot at kinis.

Noong mga panahong iyon ay ang huling taon ko sa kursong pag susundalo. Sa katapusan ng buwan ay nakatakda akong umalis papunta sa bansang amerika upang mag ensayo bilang sundalo sa loob ng tatlong buwan. Kung kaya naman masugid ko siyang hinahanap upang makilala kita at malaman ko man lamang ang kaniyang ‘ngalan.

Makalipas ang isang linggo buhat ng kami ay magkita sa pista ng baryo. Napagdesisyunan ng aking ama na si Don Mateo na magdaos ng isang piging-pamamaalam para sa nalalapit kong pag alis papuntang Amerika. Inimbitahan ni ama ang malalapit na kaibigan ng pamilya San Jose, sinabi nya rin sa akin na mayroon siyang babae na ipapakilala sa akin upang mawala na sa aking ala-ala ang babaeng aking nakita sa pista. Noong una ay hindi ko nais na ako’y ipagkasundo sa iba ngunit dahil sa labis na pagpupumilit ni ama, ako’y napilitang sumang ayon. Sinabi nyang dadalo ang pamilya ng nasabing babae sa piging na gaganapin sa susunod na araw at iyon ang pagkakataon upang kami’y magkita’t magkakilala.

Noong gabing iyon ay hindi parin mawala sa isipan ko ang mukha ng babaeng aking nasilayan sa pista, nanghihinayang ako na may ibang babae ang ipagkakasundo sa akin. Kung alam ko lamang sana ang kaniyang pangalan ay madali ko siyang maipapahanap ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong ang kaniyang pangalan dahil sa kaniyang inasal noong una kaming nagkakilala.

Patuloy ko parin siyang inabangan sa bayan ngunit bigo akong masilayan siyang muli hanggang sa dumating ang araw ng piging. Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay bumaba na ako sa salas ng mansyon de San Jose upang magpakita sa mga bisita. Napakaganda ng gayak ng mansyon, sinindihan lahat ng ilaw at nag imbita ng mga musiko’t mananayaw. Masayang kumakain ang lahat ng tao, samut-saring ingay ng kwentuhan at mga kubyertos ang aking naririnig. Sa gitna ng salas ay ang mahaba naming hapag-kainan kung saan kumakain ang bawat ama at unang anak ng bawat pamilyang inimbitahan sa piging. Agad akong umupo sa tabi ng aking ama sa gitnang bahagi ng lamesa. Aking napuna na may dalawang upuan sa aming tapat ang bakante senyales na may isang pamilya ang hindi pa nakakadalo.

Ipinakilala muna ako ni ama sa bawat tao sa hapag-kainan at nagsimula ng kumain ang lahat. Sinabi rin sa akin ni ama na ang pamilyang hindi nakadalo ay ang pamilya ng babaeng ipagkakasundo sana sa akin. Nakalipas ang ilang minutong kainan at kwentuhan, mga tanong tungkol sa aking pagaaral at sa plano ko para sa aking kinabukasan. May nakilala rin ako doong lalaki na nag ngangalang Zhyrus, isang makisig na manunulat mula sa bansang britanya sa kanluran. Napakaganda ng kanyang pananamit na galing pa sa silangan ang istilo.Binigyan nya ako ng kopya ng kanyang nobela bilang regalo sa aking piging at nakipag kamay.

"Ikinalulugod kong makilala ka ginoong Feliciano" bati niya.

"Sa wakas ay nakilala ko rin ang taong tinatawag nilang pag-asa ng bayan" sagot ko naman sa kaniya.

Anak, maari mo ba kaming handugan ng isang presentasyon bilang pamamaalam?” wika sa akin ni ama na siyang ikinabigla ko. Nagtinginan naman ang mga bisita sa akin kaya’t tumayo na lamang ako sa aking kinauupuan at tumingin kay ama ng may pag aalinlangan.

balita namin, ikay bihasa sa pag tugtog ng piano” sabi sa akin ng isang babaeng panauhin mula sa angkan ng ng mga Borja. Hindi ko naman nagawa nang tumanggi dahil sa mga kantyawan at palakpakan.

Nagtungo na ako sa kinaroroonan ng piano at umupo ngunit hindi ko pa din alam kung anong pyesa ang aking nais tutugtugin. Ako’y nagulat ng aking maaninag ang babaeng nasilayan ko sa bayan na malapit sa pintuan ng mansyon at nasulyapan kong siya’y nanonood sa akin. Ibinaling kong muli ang aking paningin sa piano at nagsimula nang tumugtog ng isang piyesang paborito kong tugtugin. Bawat pag pindot ng aking kamay sa piano ay inaalay ko sa kaniya. Habang ako'y patuloy sa pag tugtog ay iniisip ko lamang na siya’y nanonood sa akin at para sa kaniya ang pagtatanghal kong ito.

Pagkatapos ng aking pagtatanghal ay nagpalakpakan ang mga bisita senyales na nagustuhan nila ang aking pag tugtog. Siya agad ang hinanap ng aking paningin at aking napansin na umalis siya sa kaniyang kinatatayuan at pumunta sa balkonahe. Agad ko siyang pinuntahan at tinabihan habang nakatitig lamang siya sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin, kalahati lamang ang buwan at napaka nining ng mga bituwin sa kalangitan. Nagulat ako sa mga katagang kaniyang sinambit kasabay ng aking pag tabi sa kaniya.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon