Binaril ako ni Don Ramon sa hita dahilan upang akoy mapaluhod sa sahig at hindi makatayo dahil sa labis na sakit na dulot nito. Nanginginig at nanlalambot ang aking duguang tuhod at wala akong magawa kundi ang damhin ang hapdi. Mula sa malayo ay nakatitig ka lamang sa akin si Victoria habang lumuluha dahil hindi maka agpas sa pagkakahawak ng dalawang kalalakihang may hawak sa kaniyang braso. Habang naka bagsak at duguan, pinaulanan pa ako ni Don Ramon ng bala ngunit sadyang pina dadaplisan lamang niya ako. Sa pag iwas ko sa kaniyang pamamaril ay nagkaroon ako ng pag kakataon upang makalapit sa kaniya.
"Tatlong buwan Don Ramon!" Agad akong tumayo at sinangga ang kaniyang kamay dahilan upang mabitawan niya ang kanyang dala-dalang rebolber. "Tatlong buwan akong nag ensayo sa amerika" isang suntok sa panga at sya'y nakaramdam ng panandaliang hilo "mula sa angkan ng tanyag na sundalo" ibinuhos ko ang aking lakas sa pag suntok sa kanilang kalamnan pataas sa kaniyang tadyang na nagbigay sa kaniya ng labis ma sakit at siguradong sya'y nahihirapang huminga dahil sa kanyang nabaling tadyang "hindi mo maaring basta basta nalang dungisan ang ngalan ng aming angkan, matitikman mo ang aking ganti sa iyong pagpatay sa aking ama" nakatitig lamang siya sa akin na takot na takot. "kung noong una ay nanalo ka dahil ako'y ipinagapos mo, ngayon ay hindi na" sunod sunod ko syang pinag susuntok sa mukha dahilan upang mapaaatras ito at hindi na magkaroon pa ng tyansang lumaban dahil sa aking bilis. Isang pang suntok na ibinuhos ko ang aking buong lakas ay napatalsik sya sa di kalayuan. Agad ko siyang hinabol at iniangat siya hawak sa kaniyang kuwelyo, tumitig siya sa akin na tila ba nag mamakaawa ngunit wala nang puwang ang awa sa aking puso dahil sa kaniyang pag patay sa aking ama. Sinakal ko sila ng mahigpit at unit-unti syang inangat "m-maawa k-ka f-feliciano" pag mamaaawa nya ngunit hindi ko ito pinansin, sya ba'y naawa sa aking ama? Wala nang pagkakataon para paslangin siya kayat hindi ko na ito palalampasin.
"HUWAG FELICIANO!!" Sa pagbaling ko sa aking paningin ay naalala ko si Victoria, sya'y nakatali sa isang puno at nag pupumiglas habang humihikbi ng iyak. Labis ang kaniyang pag mamakaawa sa akin ngunit ibinaling kong muli ang aking paningin kay Don Ramon, nagulat ako ng sa aking pagtingin sya'y naka ngiti sa akin na tila ba may gusto siyang iparating. Tinignan kong muli si Victoria at aking napagtanto. "Talo ka feliciano!" Pang aaasar ni Don Ramon at lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kaniya. "NASAAN ANG MGA TAUHAN MO !?" ngumisi lang siya sa harapan ko. Masama ang kutob ko sa pagkawala ng kanyang mga tauhan. Tumawa pa ito ng malakas at dali-dali ko siyang isinandal sa isang puno at sinakal ng mahigpit. Di alinta ng aking pandinig ang pag susumamo ni Victoria, ang nais ko lamang ay maipag higanti ang pagkamatay ng aking ama.
Nanlilisik ang aking mga mata sa gigil at wala akong balak na tumigil sa aking ginagawa. Ano mang sandali ay malapit nang malagutan ng hininga si Don Ramon at makakamit ko na ang hustisya. Hanggang sa huling sandali ay naka ngisi parin ito.
"ITAAS MO ANG IYONG KAMAY AT HUWAG KANG GAGALAW!" pagbaling ko ng aking paningin ay napapalibutan ako ng mga pulis at lahat ay pawang armado ng mga baril. Wala akong nagawa kundi ang bitawan si Don Ramon at itaas ang aking kamay. Agad naman siyang bumagsak sa sahig at nag habol nh hininga.
"FELICIANO!" sigaw ni Victoria habang unti-unti akong nilalapitang ng mga nakapalibot sa aking armadong pulis.
"N-nagkakamali kayo" saad ko ngunit diretso lang silang lumapit at ipinosas ang aking kamay "inaaresto ka namin sa salang tangkang pagpatay kay Don Ramon Felicidad at pagdukot sa kaniyang anak na si Maria Victoria Felicidad" nagpumiglas ako ngunit wala akong laban sa dami nila'y bugbog at hampas lamang ng baril ang aking tinamo. Sinubukan akong ipagtanggol ni Victoria ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito. Si Ramon naman ay nananatiling bagsak sa sahig at nagpapanggap na hirap paring huminga. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makausap o kahit masulyapan si Victoria dahil agad na siyang inilayo sa akin at isinakay sa bangka kasama ng kaniyang ama.
Isinakay naman ako ng mga pulis sa isang bangka at pumalaot pabalik sa kabilang isla kung saan kami nag mula, ibabalik raw ako sa San Bartolome at doon lilitisin ang aking kaso. Habang kasalukuyang umaandar ang aming bangka ay nagkaroon ako nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas. Nagpalihulog ako sa ilog, sa tatlong buwan naming papamalagi dito at pangingisda ko'y naging bihasa na rin ako sa paglangoy at kaya kong lumagoy kahit ako'y naka posas. Sa aking pagbagsak sa tubig ay napukaw nito ang atensyon nila at agad akong pinaulanan ng bala. Bawat bala ay ramdam kong pumapasok sa aking katawan at nagbibigay ng labis na hapdi ngunit di ko ito alintana at patuloy lamang ako sa pag langoy. Ang karagatan ay naging pula sa aking dugo. Sa ilalim ng puting bilog na buwan ay ang dagat na pula dahil sa aking dugo gawa ng mga balang pumapasok sa aking katawan.Makakalayo na ako ng maramdaman kong isang bala ang tumama sa aking dibdib. Dahan dahan akong lumulubog sa gitna ng madilim na karagatan. Ako'y nag iisa, unti-unting pumipikit ang aking mga mata. Hanggang sa magdilim na ang lahat.
BINABASA MO ANG
A Letter for Victoria (completed)
RomanceIsang istorya ng pagmamahalang nananatili na lamang sa aming isipan, at sa nakaraan..