Kabanata 3: Pabaon

10 1 0
                                    

BLOODY HELL!!” Narinig kong sigaw ng kaniyang ina na naaktuhan kami. Sa madalas kong pagdalaw ay ngayon ko lamang siya nasilayan dahil ngayon lamang siya umuwi mula sa ibang bansa. Sya’y taga brintanya kung kaya’t hindi sya dalubhasa sa pagsasalita ng tagalog. Agad kaming naglayo ni Victoria at lumapit ako sa kaniyang ina upang halikan ang kanyang kamay. “Paumanhin po, I’m sorry” paghingi ko ng tawad sa kanya.

Mukhang sa kanya niya namana ang kaputian ng balat at ang tangos ng ilong. Ang mga mata ng kaniyang ina ay kulay asul at ang labi nya ay napaka pula. Matangkad sya at kung hindi ko batid na sya’y kaniyang ina, masasabi kong tila sya isang dalaga sa alindog nyang taglay.

You are Mr. Feliciano San Jose, aren’t you?” Tanong sa akin ng kaniyang ina. Hindi ako bihasa sa pag iingles kung kaya’t hindi ko sya gaanong maintindihan. Agad akong sumagot “yes” mga pangunahing salita lamang sa ingles ang aking alam isagot kung kaya’t noong una ay nahihiya ako sa kaniyang ina. “Okay, I’ll leave then. Take care of my daughter” saad nya at muli, sumagot na lamang muli ako ng salitang “yes” nagkamali yata ako ng tugon dahil may idinagdag pa sya “I’m very flattered that you’re the one my daughter will marry” wala na akong naintindihan ni-isa sa tinuran ng kaniyang ina kung kaya’t sumagot na lamang muli ako “yes” saad ko. hindi pa nakuntento ang iyong ina at nagdagdag pa sya “bye” saad nya. Maiksi lamang ang salitang iyon ngunit hindi ko alam ang ibig nitong iparating kaya’t sumagot nalang muli ako “yes”. Tinignan nya naman ako ng isang wirdong sulyap bago sya tuluyang umalis.

Sa alis ng kaniyang ina ay nagkatinginan kami ni Victoria. Ngumiti siya at hindi nagtagal ay humalakhak na tila ba hindi siya isang babae. hindi ko maintindihan kung bakit siya tumatawa ngunit dahil sa kaniyang tawa ay napatawa na rin ako at sabay kaming nagtawanan na tila ba walang kinabukasan. “Mukhang kailangan kitang turuan ng ingles” pabiro mong niyanh sa akin habang patuloy siya sa kaniyang pag halakhak. Tinitigan ko siya ng seryoso sa kaniyang mata at sumagot, “yes” at sabay kaming muling nagtawanan at nilasap ang ating mga masasayang sandali.

Matapos noon, napadalas ang amijg pagkikita sa kanilang  mansyon at tinuruan niya rin akong mag ingles. Kahit pawang mga pilipino ang makakasama ko sa aking pag eensayo sa amerika ay panoguradong may mga amerikano rin akong makakasalamuha.

Bawat sandaling kasama ko siya ay hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Tunay ngang ako’y kaniyang napaibig. Lagi akong napapatitig sa kaniyang mukha at labis na naaakit. Sadyang ako'y napaibig ng babaeng ito. Isang araw bago ang aking nakatakdang pag-alis papuntang Amerika, ako’y  inaya ni Victoria na tunghayan ang paglubog ng araw gilid ng lawa. Sinabi niyang may ibibigay siya sa aking pabaon upang hindi ko siya makalimutan sa loob ng tatlong buwan kong ensayo sa pagsusundalo sa Amerika. Hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kaniya at magkahawak kamay kaming nagtungo sa gilid ng lawa.

Ang suot niya'y isang puting saya kung kaya naman siya'y mistulang diwata sa lawa. Umupo kami sa tabi ng lawa at sabay naming pinanood ang araw na unti-unting lumulubog. “Bukas na ang iyong alis” malungkot niyang saad habang ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Napatango na lamang ako at tinignan ang araw na unti-unting lumulubog sa lawa. Malinaw ang tubig at malinaw na makikita ang repleksyon ng araw sa lawa. Ang mga ibon ay malayang tumilipad sa maulap na kahel na kalangitan. Ilang minutong walang may gustong magsalita sa pagitan namin. Siguradong sa loob ng tatlong buwan na pamamalagi ko sa amerika’y mangungulila ako sa kaniya.

Nabasag ang katahimikan ng siya'y mag salita “May gusto akong ipabaon sa’yo sa iyong pag alis”. Agad naman akong napatingin sa kaniya kasabay ng pag angat niya sa kaniyang ulo mula sa aking balikat. Nabigla ako sa kaniyang ginawa. Hinalikan niya ang aking labi at ngumiti “nais kong baunin mo ang ating unang halik sa iyong pagpunta sa Amerika” saad niya. Tila nanigas naman ang aking katawan. Ang labi niya, na kay tagal ko nang inaasam, ay nakuha ko na ngayon. Napakalambot at matamis ang lasa. Walang mapagsidlan ang labis na kaligayahan sa aking puso noong mga panahong iyon. Natulala ako sa labis na pagkagulat. “Nais kong ibalik mo sa akin ang halik na iyan sa iyong pagbalik matapos ang tatlong buwan” dinampi niya ang kaniyang kamay sa aking pisngi at hinawakan ko iyon. Umalis siya at iniwan akong tulala sa gilid ng lawa.

Kinabukasan, inihatid ako ni ama sa daungan ng barko sa maynila. Tatagal ng mahigit dalawang araw ang biyahe  at pawang mga kapwa sundalo at aking kamag aral ang lulan ng barkong aking sinasakyan. Nagpaalam na ako kay ama at sumakay na sa dala ang aking mga kagamitan. Sa loob ng aking bagahe ay baon ko ang isang bibliya at inipit ko doon ang nag iisang larawan ni Victoria sa akin. Kumaway ako kay ama, habang unti-unti nang umaandar ang barko nang mapansin ko si Victoria na tumatakbo. “Mag iingat ka mahal ko!” Sigaw niya habang kumakaway sa unti-unting umaandar na barko.

Magbabalik ako” sigaw ko at kinawayan din siya. Hanggang sa unti-unti nang nakalayo ang barko sa daungan.

A Letter for Victoria (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon