"Aba't! Hindi ko alam kung bakit ko toh ginagawa eh!" inis na wika nito
"H-ha?" takang wika ko
"Una si Ly! Ngayon ikaw naman, kaya manahimik ka diyan at pakinggan ako!"
Tumahimik ako at tumango tango.
"Hays, kamusta?"
"Okay lang ako, siguro" wika ko sabay yuko
"Hindi ka okay, Hays, taga ayos ata ako ng relasyon eh" ngiwing wika nito
"A-anong r-relasyon?!" taas kilay kong sambit
Baliw ba siya? Wala naman akong naging nobyo. Kahit nga manliligaw wala! Dahil sa kanilang dalawa!
"Wala nga kong naging jowa eh kahit manliligaw wala dahil inuunahan niyo lagi!" inis na wika ko
"Hahahahhaha! Kasi nga pag mamay-ari ka na ni justin" wika nito at pabulong na wika ang huling sinabi
"Nino?! Aber! Walang nagma may-ari sakin noh hmp" ngusong wika ko at pinagkrus ang dalawang braso
"Huh? Sabi mo eh" ngising wika nito
"Ano ba ang sasabihin mo may---"
"Alam kong may gusto ka kay jah" ngising wika nito
"Ano naman? At tsaka matag---"
"Matagal na? Kaya pwedeng mawala ang nararamdaman? Sinungaling. Gusto mo siya at mahal mo siya wow" manghang wika nito
"A-ano? H-hindi ah fake news" wika ko at pinag ekis ko ang dalawa kong kamay (🙅)
"Wag ka ng magsinungaling sakin parang hindi mo ko kaibigan ah?" tampong wika nito
"Hays, oo na. Aamin na sana ako nung paalis na ko kaso. Bigla siyang umalis" wika ko sabay ngiti
"Alam mo yun? Ang sakit kasi kating kati na kong umamin pero bigla nalang niya kong tinalikuran at umalis" yumuko ako at nagsimulang magsipatakan ang mga luha ko
"Kaya nga ko nandito at kinausap ka" ngiting wika nito na ipinagtaka ko
Tumingin naman ako sa kaniya at kinindatan ako.
"Ano ang ibig mong sabihin?" iyak kong sambit
"Alam mo kasi---"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng may tumawag sa kaniya
"Josh!" tawag na wika ni stell
Mukhang kakadating lang nito.
"Oh? Bad timing ka naman!" inis na wika nito
"Sorry hehe, kasi kanina ka pa daw nila tinatawagan at tinetext eh" wika nito
"Ay hi! Trisha! Makiki-upo lang hehe"
Tumango lang ako at umupo siya. Nagulat ako dahil pano niya nalaman ang name ko? Alam kong famous model ako pero pano?
"Nalaman ko name mo kay--aray! Kay josh hehe" wika nito.
Natawa ako dahil binatukan siya ni josh. Hays gawain na niya talaga! Kahit ngayon hindi pa din nagbabago.
"Nga pala! may rest day kasi kami! Tapos balak naming pumunta sa tagaytay baka gusto mong sumama?" wika ni josh
"Aw may photoshoot kasi ako eh hehe sa susunod nalang, ah sige alis na ko" ngiting wika ko at tumayo
"Sayang, sige nasakin naman na number mo tawagan nalang kita"
"Sige bye! Ay nga pala stell! Pag sinaktan mo ang kaibigan ko papatayin kita ng dahan dahan" ngiti kong wika sabay kindat at dali daling umalis.
Pagkalabas ko ay nagpasiya akong pumunta sa mall sakto naman dahil kakadating lang ni manong.
Naglibot libot ako roon at dinala ako sa labas na may sytle na parang garden, Pumunta ako roon at humiga sa damuhan, Tinanaw ko ang araw na ngayon ay palubog na. Pinagmasdan ko ito hanggang sa dumilim na.
Kitang-kita ko naman ngayon ang mga kumikinang na mga bituin, kay ganda talaga nila, Itinaas ko ang isa kong kamay at nagkukunwaring inaabot ito.
"Tama nga sila kay hirap mong abutin! Parang si bujing na kahit dati pa man ay mahirap ng abutin lumala lang ngayon"
Natawa ako roon.
"Kung dati ay hanggang hawak at saya lang, ngayon naman ay hanggang tingin na lamang ako naiinggit sa mga nakakasalamuha mo"
"Bata pa lamang tayo ay alam kong gusto na kita, hindi naglaon ay nag-aral tayong pareho at tumibay ang ating pagka-kaibigan, dun ko na lamang naramdaman na lalo kitang ginusto at mahal na kita hindi bilang kaibigan" ang hirap mo namang mahalin.
"Aamin na ko nang tinalikuran mo ako, tinawag kita pero animo'y wala kang narinig at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makalayo ka sakin ng tuluyan" naiintindihan ko naman, nabigla ka kang siguro? Ewan..
"Okay lang sana kung narinig mo iyon Pero Hindi mo ko mahal kaysa sa tinalikuran mo ko na parang ipinapahiwatig mo na...." Pero mas magandang hindi mo narinig dahil baka hindi mo din ako gusto.
"Na wala lang ako sayo, na pinuputol mo na ang lahat, lahat ng pinagsamahan natin. Sana pala.."
"Sana pala ay umamin na ko sayo"
"Mahal pa din kita hanggang ngayon Bujing....."
PRESENT.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fanfiction"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...