Limang taon...Limang taon na ng ako ay naging ganap na modelo, Limang taon nadin ang nakalipas sa nangyaring pamamaalam namin sa isa't-isa.
Ngayon ay pabalik na ako sa pilipinas. Bibisitahin ko ang dalawa kong kaibigan na nakasama ko rin sa amerika, Nauna lang silang umuwi dahil sa kumpanya, ako naman ay umuwi dahil syempre namiss ko na ang sarili kong bansa at kasulukuyan kasing dito gaganapin ang photoshoot.
"Ma'am Andito na po tayo" wika ni manong driver ko
"Ah okay po, Tatawagan nalang po kita pag magpapasundo na po ako, Salamat po manong ingat po kayo sa biyahe" ngiting wika ko at bumaba
"Velasco Company" basang wika ko sa pa-arko na nakalagay roon
"Corny hahahah" tawang bulong ko
Isinuot ko ang salamin at nagmask ako para hindi ako makilala. Pumasok na ko sa loob at sasakay na sana ng elevator nang nakita kong pasara na ito. Tumakbo ako para makahabol
"S-sandali lang po may m-makikisakay pa p-po" hingal na wika ko at pinigilang masara ng husto ang pinto noon.
Nagulat naman ang apat na taong nasa loob kaya pinindot niya agad ang button para mapigilan ang pagsara at nagtagumpay naman ito.
Pumasok ako sa loob at pumwesto sa pinaka dulo.
"Salamat po" ngiting wika ko
Nagulat ako dahil pagka angat ko ng ulo ko ay nakita ko na muli ang matagal ko nang hindi na nakikita.
'Justin...' sabi ko saaking isipan
'j-josh?!.. Anong gagawin nila dito? Pupunta rin kaya sila kay Ly?' takang wika ko
Naputol ang aking pag-iisip nang may tumunog, pahiwatig na andito na ako sa floor na pupuntahan ko.
Dali dali akong lumabas at humingi ng pasensya. Patakbo ang ginawa ko para makapunta agad sa office ni Ly.
"Uhmm andiyan ba si ly? Pakisabi andito ang kaibigan niya si Trisha Felatriz kamo" tarantang wika ko.
"A-ah sige po w-weyt lang po" utal na wika nito.
"Ma'am? Andito po yung kaibigan niyo po nangangalang Trisha---Ah sige po papasukin ko na po"
"Tara po ma'am"
Ngumiti lang ako at sinundan siya. Nang makapasok ay sumigaw ako ng malakas.
"Ahhhhhhhhhhhh!" sigaw na wika ko.
"Aray! Hinaan mo nga yang boses mo!" inis na wika ni Ly
"Bat ka ba diyan sumisigaw? Ouch bingi na ata ako" wika ni penny
Hindi ako mapakali at lakad ng lakad ang ginawa ko, hindi pa din ako makapaniwala ano ang ginagawa nila dito? Bakit apat lang sila? Asan si stell?
"Calm down Shang, sit and calm down bij" inis na wika ni Penny
Umupo ako at kiniwento ang lahat ng gumugulo sa isipan ko.
"Na-nakita ko na ulit siya! Si justin! b-buti nalang hindi niya ko nakilala dahil nakasalamin at nakamask ako" utal na wika ko
"Teka nga, Tanggalin mo muna ang salamin at mask mo baka mamatay ka diyan eh" wika ni Ly
Natauhan ako bigla dahil nakalimutan kong tanggalin iyon, Tinggal ko agad iyon at kumalma.
"Nagtataka ako kasi apat lang sila asan si stell? Nga pala nag-ayos na ba kayo nun?" pagtutuloy na wika ko
"Tsk, calm down honey! Una! congrats dahil nakita mo ulit siya. second! Apat lang sila dahil ewan ko ba! At third! Nagka-ayos na kami! At ngayon si penny naman ang magtatanong depungal ka!" inis na wika ni Ly
Ngumuso ako at tumango-tango.
"Okay! I want your explanation why you didn't go to my wedding! Why?! Huhu nakakatampo ka you know that?" pagtataray na wika nito
"Sorry na! Busy lang at tsaka kakauwi ko lang eh" nakanguso kong wika
"Okay! Okay! Where's my gift?sabi mo meron?"
Shit! Oo nga pala!
"Oh my! Naiwan ko sa kotse! Pupunta nalang ako sa inyo para ibigay yon!"
Napeace sign ako at nagkunwaring umiyak natawa naman sila dahil roon.
"Yung tatlo asan? Buti sila nakapunta"
"Nasa korea sila ngayon"
"Ah okay"
"Nga pala! Kamusta na kayo? Namiss ko kayo!" ngiting wika ko
"Bukod sa kasal na ko eh. Mukhang may susunod na ikakasal na ngayon!" masiglang wika ni penny
Tumaas ang isa kong kilay at nilingon si Ly na ngayon ay nakanguso at namumula, Kinuha ang kamay niya at nakita ko roon ang simpleng singsing.
"Andaya hindi mo man lang nakwento sakin toh" tampong wika ko.
Binawi niya ang kamay niya at nilingon ako.
"Matagal pa naman yun! At tsaka excuse me? Wala kang Ig, Twitter! Tapos hindi ka pa macontact aber!" taas kilay nitong sambit
"Abat! Pinagtataasan mo na ko ng kilay ha?! At tsaka for you fucking information meron na kong IG! at TWITTER! At medyo hindi na ko busy ngayon!"
"Hehe kanina ko lang nalaman eh aber!"
Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong tawanan sa labas, Kilala ko ang tawanan nayon! Kay Jah at kay Josh yun! Napabalikwas ako at dali daling isinuot ang salamin at mask at nagpaalam.
"Hoy sandali lang shang!" sigaw na wika nila Ly
Hindi ko ito pinansin at tuluyang lumabas, Takbo lakad ang ginawa ko at hindi sinasadyang may nakabanggaan ako dahilan para mapa-upo ako.
"Aray... Ang pang upo ko shit" daing na wikang bulong ko
"S-sorry miss okay ka lang ba?" sigaw ng lalaking nakabangga ko
Sisigawan ko sana ito ng namalayan kong si Bujing pala ito, Tumayo ako at yumuko saka naglakad ng mabilis.
"Ma'am Felatriz!/Shangggg!" sabay na tawag ng secretary at nila Ly
Napapikit ako dahil doon at nainis.
Inalis ko ang salamin at mask ko at hinarap sila.
"Anoooo?!" sigaw na inis ko sa kanila
Nagulat sila roon at napalunok, Nakita kong biglang nagdilim ang mukha ni jah, hindi ko nalang ito pinansin at itinuon nalang kay Ly.
"W-wala hehe sorry naman! Sige babye!" ngiwing wika nito sabay kamot sa ulo
"Tsk" inis na wika ko sabay alis
Habang naglalakad ay may tumawag nanaman sa pangalan ko.
"Ano?!" inis na wika ko at nilingon ang lalaking tumawag sakin
"Oh easy lang, tara mag-usap tayo" sabay hatak nito sakin
"Aba't josh! Bitiwan mo ko ha!"
"Tsk ayan upo!" inis na wika nito sabay upo
Inis akong umupo at tinignan siya ng masama.
"Ano kailangan mo?!" wika ko
"Tsk"
To be continued....
PRESENT.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/227846475-288-k446808.jpg)
BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fanfiction"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...