CHAPTER 22

212 14 0
                                    

Justin PoV

Magdadalawang taon na ang nakalipas simula ng basahin ko ang huling sulat ni Trisha. Pagka-uwi kasi namin ay pumasok ako sa condo niya para ilagay ang gamit niya nang nakita ko ang sulat.

Hanggang ngayon ay hindi pa ako okay at napagpasiyahan na maghain ako ng kaso ngunit natalo iyon dahil sa kakulangan na ebidensiya at dahil na rin sa pera na ibinigay nila.

Bawat malls shows, events at concert na pinupuntahan namin ay ipinapakita kong masaya ako at okay ako pero minsan ay hindi ko ito kinaya, one time sa concert namin habang kinakanta ang hanggang sa huli ay napaluha ako pinigilan ko ito ngunit hindi ko ito kinaya, napahagulgol ako ng iyak at buti nalang ay sinave ako ng mga kasama ko. Nag-alala ang mga a'tin kaya't nagtrend sa twitter ang 'GetwellSoonJah' nakatulong iyon sa akin na hanggang ngayon ay ginagamit ko para makabangon ako.

Every 2 Months ay nagsusulat ako sa Diary sounds corny pero ginagawa ko iyon para pag bumalik na siya ay ipapabasa ko iyon, nilalaman nun ay mga sulat na ilalahad ang mga ginagawa ko buwan buwan minsan pa nga ay napapaluha ako habang nagsusulat, minsan ay dindrawing ko siya sa tuwing namimiss ko siya.

"Jah? Magsusulat ka ba uli? Kaka 2 months mo na ngayon" wika ni Josh

Andito kami ngayon sa condo na kakauwi lang dahil sa isang event kanina.

"Oo nga pala, salamat josh punta na ko sa taas" wika ko

Pagpasok ko sa loob ay nilock ko iyon, pag nagsusulat ako ay bababa sila para hindi ako maistorbo, hindi rin sila nagtatanong about doon.

December 25, 20**

Dear Trisha,

Magdadalawang taon na pero hindi ka pa rin bumabalik, sana ay okay ka diyan sa amerika, gusto kitang puntahan ngunit hindi puwede kaya heto ako hinihintay kang bumalik, nga pala Merry Christmas baby! Gusto na kitang makita, miss na miss na kita, Bumalik ka na please...

Hindi ko na sasabihin sa iyo ang nangyari sa dalawang buwan dahil ganoon pa rin ang sitwasyon ko, malungkot pa rin dahil....dahil hindi ka pa rin nagpapakita...

Love,
Justin


Pagkatapos kong sulatin iyon ay umiyak ako ng umiyak.

I really really miss you Trisha...

Simula ng umalis siya ay wala akong balita, tinatawagan ko siya pero laging naka off ang cellphone niya, tinadtad ko siya ng messages sa lahat ng socmed. Nagbaba-sakali na siya ay magreply pero wala.

Gusto kong magalit pero mas pinili ko nalang na intindihin siya, alam kong gusto niya ng hustisya pero pwede naman akong kasama roon pero hindi. Ang bilis ng nangyari.

Lahat ng saya ay napalitan ng sakit, ng lungkot.

Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkita na kami basta ang gusto ko lang ay mapakasalan siya agad. Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa.


PRESENT

Your votes and comments are highly appreciated ;)


MY OWN PHOTOGRAPHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon