"Trisha are you okay?" tanong na wika ko
Kahapon pa kasi siya tulala, simula ng sabihin ko iyon ay wala na siya sa sarili. Gabi na ng umuwi kami at napagpasiyahan namin ngayon na pumunta sa SkyRanch.
"Of course I'm fine how about you hmm?" ngising tanong nito
Parang kanina lang lutang toh tas ngayon nag iba na? Ayos ah.
"Ang w-weird mo" sabi ko
"Tara subukan na natin ang mga rides dito, last day ko na bukas" ngiting wika nito
Oo nga pala last na bonding na namin ito kasama si Trisha dito sa tagaytay.
"Anong clothing line nga ulit yung ipi-pictorial mo?" tanong ko
"Ah! Yung sikat na clothing line! Yung let me shine! Alam mo nagulat nga kami nang bigla silang sumulpot at inaanyayahan akong mag endorse ng damit nila at agad-agad!" masigla nitong wika
Nagtaka naman ako at nag-alala dahil roon.
"Ha? Hindi niyo ba chineck ang background nila? Ang sabi-sabi ay madami na daw silang nabiktimang mga kababaihan" wika ko
Sabi kasi nila eh kaya walang nagrereklamo dahil tinatapatan ng pera o kaya'y binabantaan nila ito at kasi kahit anong gawin ng biktima ay hindi ito mananalo dahil binibigyan nila ito ng pera para maitalo ang biktima sa kaso at sila ang manalo. Ginagamit nila ang sikat na clothing line para mang biktima at para babuyin nila kung sino man ang nag eendorse nito.
"Ha? Ano ka ba hindi daw iyon totoo! At isang beses lang naman iyon at hindi na ko pumayag na umulit ulit"
"P-pero hindi ka ba nagtataka?" tanong ko
"At saan naman?"
"Pabago bago sila ng endorser, laging umaalis" wika ko
"Hays, hindi naman nila sinabi kung bakit sila umalis, malay mo ayaw na nila o kaya'y panandalian lang tulad sakin"
Panandaliang kasiyahan? Ganun ba?!
"Tsk tara na nga bujing! Tignan mo nauna na sila, magsaya na tayo ayokong mag-away tayo" ngiting wika nito
"Hays sige na nga tara" ngiting wika ko sabay hawak sa kaniyang kamay at hinatak siya papasok sa entrance
Tama dapat ay magsaya kami.
•••
"AHHHHHHHHHHHH!!" sigawan namin ni trisha pero mas malakas sakin
"AYOKOOOO NA DITOOOOO!" huhu
Kasulukuyan kasi kaming naka sakay dito sa 'Super Viking'
"AYAN NAAA TATAAS NANAMAN HUHU" sigaw na wika ko
"HAHAHAHA WHOOO! SI BUJING TAKOT HAHAHAHA!" tawang asar na wika ni Trisha
Tsk. Hindi naman ako takot dito noh mas takot si ken sa ganto hehe. Ayoko lang talaga ng gantong rides para kaming hinahagis eh huhu.
BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fanfiction"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...
