CHAPTER 11

297 21 1
                                    

Trisha PoV

"Ano trisha bukas ha pupuntahan ka namin ni penny" wika ni Ly

"Dito nalang kasi kayo matulog" angal ko

"Tsk, Sige na nga! Bili muna tayo ng food para bukas sakto! At may chef tayo ikaw at si stell!" masiglang wika ni penny

Kasulukuyan kasi naming pinag-uusapan ang pagpunta namin sa tagaytay bukas, Nakaka excite na nakaka-kaba hindi ko alam kung bakit.

"Balita ko lagi mo daw sila dinadalhan ng pagkain?" ngising wika ni Ly

"Oo, Madami kasi ang naluluto ko eh" ngusong wika ko

"At!! unti-unti ng nagkaka-ayos kayo ni jah"

"Hindi naman slight lang"

"Nyenye ambot sa imo!" wika ni Penny

"Change topic!" inis na wika ko

"Yung tatlo mukhang walang balak umuwi dito, Sa susunod na uuwi ako doon iuuwi ko na yung tatlo na yun dito" inis na wika ko

"Wala, sa kasal ko pa sila uuwi eh huhu eh 3 yrs pa!" ngusong wika ni Ly

"Hayaan mo na! Si ange busy sa pag entertain ng manliligaw eh hindi naman niya sinasagot lahat! Tas si jane wala! as usual, hinahanap niya pa din stepdad niya, Si gnrous naman libro pa rin ang hawak" iling na wika ni penny

"Busy ba yon?!!!" sigaw ko

"ARAY! bunganga mo ha!" sabay na sigaw nila

Nagpeace sign ako sa kanila at ngumiti.

"Tsk! Si angeline kasi gusto niya wala na siyang manliligaw pagbalik dito sa pinas kasi!, Nakita niyo ba sa magazine ha?, Hinabol siya hanggang sa ibang bansa!, Alam kong ganun din ang dalawa pero kasi yung dalawa eh hinahayaan lang eh siya hindi!" pagtutuloy ni penny

"Knowing about ange! ayaw niya ng may humahabol sa Kaniya stick to one siya!, Akala niya naman babalikan siya ni sejun, eh ang malala, inaatupag niya ay puro music! modeling, At kung ano-ano pa!" wika ko

"Wow ah? Bat ikaw? Hindi ka nga gusto ni justin eh" wika ni Ly

"Abat? Porke ikakasal ka na, ganiyan ka na, Friendship over na dis! ang sama mo saming mga single!" kainis

"Teka!, hindi pa ko tapos sa sasabihin ko!" inis na wika ni penny

Ngumuso ako at pinag-ekis ang dalawang braso ko at iniligay ito sa ilalim ng aking dibdib, Si Ly naman ay bineletan lang ako na kina-inis ko.

"oh eto next! Si jane! andaming manliligaw aber! Araw-araw na sa magazine eh! Tas party goer pa, at lagi lang nirereport na andami niyang nakaka-away sa bar dahil sa mga bastos na lalaki na ang ginawa niya lang naman ay muntikan na patayin, sinakal lang naman sa leeg dahil hinawakan ang dibdib niya!, Tapos akalain mong may dala palang baril at kutsilyo?!, Muntik na niyang barilin ang ari ng lalaking naka-away niya! My Gosh! Para siyang tomboy na conyo!"

"Hindi ka pa sanay? Naalala mo nung pumunta tayo sa bar?" wika ni Ly

Naalala ko nanaman ang katarantaduhang ginawa niya! Inihagis niya lang naman ang kutsilyo niya sa may bandang ari ng lalaki, buti nalang at hindi nasapul! Kundi wala nang paliligayahin ang lalaki at ang malala pa eh manliligaw niya pa! Artista mga teh! Modelo den! Kaso manyak! Ew!

"Hays! Eto naman kay gnrous!, Goodnews naman kasi ang lagi niyang inaatupag ay libro alam niyo bang sabi niya? 'If you don't have a book for me don't ever court me or else? jane will kill you' Grabe ateng! Kaya araw-araw binibigyan siya pero basted pa din!, hahahahahah" tawang wika nito

"Loyal siya kay Ken!" wika ko

"At loyal si jane kay josh! Ahhahah alam niyo nakakatawa lang! Knowing about her hindi siya papayag na mamamatay siyang dalaga" tawang wika naman ni Ly

"Edi wow! Lahat naman tayo eh, Ayaw eh, may nauna lang diyan! Kase kating kati na makipag ano!" wika ko

Sabay kaming nagtawanan ni Ly at si Penny naman ay sinamaan lang kami ng tingin.

Nang napagod sa kwentuhan ay napag pasiyahan naming mag grocery at kunin na ang gamit nila dahil balak nga nilang matulog sa condo ko.

"Ahay! antok na ko guys! tulog na tayo!" wika ni Ly

"Maayos na ba lahat?" tanong ko

"Oo, tara na" wika ni penny

Sabay kaming tatlo na humikab kaya napatawa kami. Dahil sa ginawa namin kanina ay napagod kami at nakalimutan ng kumain.



PRESENT.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MY OWN PHOTOGRAPHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon