CHAPTER 8

341 20 3
                                    

"Sino yun aber?" bungad na wika ni trisha

Nakita niya kasi akong may kausap na babae, hindi kami nagkasabay ngayon papunta dito sa school dahil nung pinuntuhan ko siya sa kanila eh kagigising lang nito.

"Ah siya yung magiging partner ko sa gagawing film namin" wika ko

"Ahh, Grabe makatingin sayo parang... may gusto sayo" wika nito at ibinulong ang huling sinabi

Tumaas ang isang kilay ko ay tinignan siya "Selos ka?"

"Huh? h-hindi ah, Hindi ako magseselos dun mas angat ako dun noh" ngusong wika nito

"Sus..." ngising wika ko

"Aba? Hindi ka naniniwala? Mas maganda ako dun bujing!" pikon na wika nito

"Hahahahah! Oo na! Pikon agad? Tsk. Tsk" iling na wika ko

"Tara na nga, baka malate pa ko sa klase ko hmp" ngusong wika nito

Tumawa ako ng tumawa at sa inis niya ay nagmadali siyang maglakad ay mali takbo lakad ang ginawa niya.

"Hoy!sandali lang!" habol na wika ko

"Hmp! Bala ka diyan? Malelate na ko"

"Sandali langggg!"


------------•••-------------

"Uhmm justin?" wika ni shane yung kausap ko kanina.

Kasulukuyan kaming nandito ni shang sa cafeteria dahil syempre break time hays.

"Baket?" sasagot na sana ako nang naunahan ako ni trisha

Tinarayan lang siya nito na pigil tawa ko baka kase bugbugin ako ni trisha eh haha.

"Si justin ka ba?" taray na wika nito

"Hindi pero kaibigan ko siya eh ikaw? Classmate ka lang naman walang ambag" sungit na wika ni trisha

"Oops! Itigil niyo na yan, Bakit shane?" pigil ko sa dalawa baka kasi magsubunutan toh eh si trisha pa naman yung tipong hindi sabunot ang gagawin kundi suntok

"Pwede bang yung tayong dalawa lang? Yung PRIVACY" ngiting wika ni shane

"Tsk. Diretsuhin mo ng bruha ka!" inis na wika ni trisha

"Trish pwede ba?" pilit na ngiting tanong ko

Padabog siyang tumayo at kinuha ang libro at pabagsak na nilagay sa table.

"Oh! ayoko kang kasabay na kareview geh punta na ko sa next sub ko" ngiting wika nito sabay alis

Balak kasi naming magreview pero nainis siya at nagalit kaya nawalan na siya ng gana. Hays pahirapan nanaman ako neto.

"Sorry dun ha?"

"Okay lang, ah kasi justin.."

"Hmm?"

"Uhm mamaya kasi gagawin yung film so pagkatapos ng uwian gagawin yung ending part"

"Ahh"

"At tsaka... Ehem... May gusto ako sayo" hiyang wika nito

"Pero..."

"Alam ko justin na hindi mo ko gusto pero pwede bang hayaan mo lang ako?"

Nagbuntong ng hininga ako dahil wala naman akong choice "Sige" pagpayag ko

"Salamat! Uhm mamaya? Ha? Ay tara sabay na tayo sa room" wika nito

"Sige tara" ngiti ko

Pagkadating namin sa room ay nadaanan ko ang room ni trisha, Nakita niya kami kaya tinarayan niya ako at itinuon nalang ang pansin sa binabasa. Ang weird talaga niya.

"Uhm tara na? Saan ba ishoshoot?" tanong na wika ko

Hindi alam ni Trisha na hindi agad ako uuwi, Alam ko namang hindi niya ako hihintayin dahil galit siya sakin, Kaya dumaan ako sa ibang daanan, I mean hindi ako dumaan sa hintayan namin.

Nang natapos ay napagpasiyahan naming kumain ng kwekwek. Nagkwentuhan kami at naging masaya iyon, nagsaya ako, Nang matapos ay napagpasiyahan naming umuwi na. Papunta na ko sa train station at sakto naman dahil dito banda yung hintayan namin ni Trisha, Malas nga lang dahil umulan ng malakas buti nalang at may dala akong payong kaso nakisilong si shane kaha ayun share kami.

Habang naglalakad ay nagtatawanan kami ng may umagaw sa atensyon ko, mau nakita akong babae na basang basa mukhang may hinihintay at laking gulat ko kung sino ito.... Si Trisha... Hinintay niya pala ako shit!

Nakita niya ako at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at dismaya lalo na ng nabaling ang atensyon niya may shane na todo ang kapit sakin, Ngumiti siya at dali daling umakyat pataas sa may sakayan ng tren hahabulin ko sana siya pero hindi ko magawa dahil sa kasama ko.

Nang makapunta na ako roon ay kakasakay lang niya at nagkatitigan kami, kita ko na sa kaniya na umiiyak siya at namumula ang ilong niya.

Sorry... Sorry Trisha...

Sasakay na sana ako nang biglang nagsara ang pintuan.

Napayuko ako dahil naalala kong sakitin siya kaya kahit simpleng mabasa sa ulan ay lalagnatin siya, Halata ding bumalik siya para sakin dahil wala na siyang dalang gamit.

Nang nakapasok na sa loob ng tren ay hindi ko na naalala ang mga kasama ko, Ang naalala ko nalang habang nasa biyahe ay ang mukha ni trisha na malungkot at nadismaya sa nakita habang naghihintay sakin, Senaryo kung saan umiiyak siya sa loob ng tren na ikinagalit ko sa sarili ko, Buti nalang at walang pasok bukas kaya matitingnan ko siya.

Hays ang tanga tanga mo Justin!

Bakit kasi niya ako hinintay? Akala ko ba galit siya sakin? Shit mali ang akala ko.

To be continued....




PAST.


Your votes and comments are highly appreciated ;)

MY OWN PHOTOGRAPHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon