Trisha PoV
"Mag-iingat ka doon ha? You know wala akong tiwala sa clothing line nila" wika ni Justin
"Opo I will so don't worry about it" wika ko
"Sure ka na bang ngayon ka na aalis?"
"Yes naman noh! Tignan mo oh nandiyan na nga sila eh" ngiting wika ko
Baliw talaga toh.
"Okay, tawagan mo ko ha?"
"Yep, sige na babye na" wika ko at binigyan siya ng halik sa pisngi
"Ackk! Sayang trisha! Mag-iingat ka ha?" sabay na wika nina penny at Ly
Wala rin kasi silang tiwala sa clothing line na iyon.
"I will" ngiting sambit ko at niyakap sila Pareho
"Bye Trisha!" sabay na wika nilang lahat
Ngumiti lang ako at pumasok sa sasakyan, isasara ko na sana ito nang pinigilan ito ni justin na ikinatigil ko.
"Ba-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako
"I love you..." wika nito pagkatapos niya akong halikan
"I love you too" wika ko at hinalikan siyang muli
"I will miss you"
"Oh god! Justin I will miss you too! So hush okay? We will meet again" wika ko
Ngumuso lang ito at isinara na ang pinto, pagkasara nun ay pinagtawanan siya nila Ly dahil sa ginawa niya.
"Ang sweet niyo naman" ngiting wika ni ate A, siya ang magiging assistant ko ngayon
"May I ask if totoo ba ang sabi-sabi?" wika ko habang nasa biyahe kami
"Hindi ko alam eh bago lang din kasi ako" wika nito
"Ahhh okay"
"Alam mo Ms. Trisha kanina pa po ako kinakabahan"
"Bakit?" takang wika ko
"Hindi ko rin po alam eh, feeling ko may masamang mangyayari" wika nito
"Wala yan, wag kang mag-alala okay? Hanggang bukas lang naman tayo eh" ngiting wika ko
Sana nga walang mangyaring masama dahil kahit ako ay kinakabahan rin pero hindi ko alam kung bakit.
••••
"Okay last na lang at matatapos na!" wika ng photographer
Hindi ko alam kung nasaan kami pero part pa rin ito ng tagaytay. Fit saakin ang dress at medyo reveal banda sa dibdib ko, sana pala ay hindi na ko pumayag sa ganto, dahil natatakot at naiilang na ko sa kanila.
Ang mga tinginan nila saakin ay parang hinuhubaran ako, mga tinginan na kay lagkit na ikanadiri ko. Bakit kasi pumayag ang manager ko eh?!
Nagpose ako ng iba ng limang beses at pagkatapos nun ay pinakain muna kami.
"Alam mo ba grabe yung tingin nila sayo" bulong na wika ni ate A
"Ha?" takang bulong ko
"Tignan mo"
Tinignan ko sila at tama si ate A nakatingin sila sa katawan ko, kaya isinuot ko ang jacket na binigay sakin ni ate A.
"Kumain ka lang" wika nito
Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Uhm ask ko lang po if anong oras ang alis bukas?" tanong ko
"Hindi ko alam eh, bakit?" ngiting wika ni Mr. William (ang may-ari ng clothing line)
"Ah wala naman po, may pupuntahan pa po kasi ako" wika ko
"Virgin ka pa ba?" biglang tanong ni Mr. Ryan (ang photographer)
"P-po? P-parang nakakabastos naman po yan" inis na wika ko
"Why? Wala namang masama sa tanong ko or else hindi na" ngising wika nito sabay tawa
"Napakabastos mo! Hindi ako ganong babae na iniisip mo!"
"Okay sabi mo eh Ms. Beautiful Trisha" wika nito na may nakakalokong ngiti
Padabog kong nilapag ang pagkain ko, kahit na sila ang magpapasahod saken wala akong pakielam, nakakabastos sila!
"Aayusin ko na ho yung mga gamit ko, maaga na rin po akong aalis siguro mamaya, ate A sasabay ka ba?" wika ko
"Oo ako din siguro may emergency kasi" wika nito
"Sige ho alis na kami" inis na wika ko
Umalis kami roon at bumalik sa pinag check in kong kwarto.
"Nakakainis sila ate A!" inis na sambit ko na kakapasok lang sa loob
"Hays! Alam mo bang ginaniyan din ako kanina" wika nito
"Tsk! Natatakot na ako ate A" alalang wika ko
"Ako din kaya tara ayusin na natin ang gamit natin para maka-alis tayo mamaya" wika nito
Gaya nga ng sinabi ay inayos na namin ang mga gamit namin, buti nalang at bag lang dala ko kaya hindi ako mahihirapan, pina-uwi ko na kasi kina penny ang iba kong gamit bali cellphone, make-ups isang damit ang laman ng bag na iyun, nagulo lang dahil kanina.
"Aalis na ba tayo agad? Inaantok na kasi ako eh" wika ko
"Sige matulog ka nalang muna saglit gigisingin nalang kita ayoko nang magtagal tayo dito natatakot na ko" wika nito
"Sige" wika ko
Bago matulog ay tinext ko muna si justin at ang iba pa.
'Feeling ko tama kayo, natatakot na ko dito, aalis agad kami ni ate A'
Inilagay ko ang cellphone ko sa bag ko, mahirap na noh baka mamaya hay ewan!
PRESENT.
Your votes and comments are highly appreciated ;)

BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fanfiction"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...