Linggo ngayon at balak ko sanang pumunta kanila trisha, ngunit hindi iyon matutuloy dahil ishoshoot ulit yung shinoot namin kahapon na nadelete.
Sa totoo lang tinadtad ko ng text at chat si Trisha pero lahat nun ay hindi niya nireplyan, tinawagan ko rin siya ngunit nakapatay ang phone niya kaya hinayaan ko nalang ito, Magkikita naman kami bukas eh.
"Ayan! Tapos na, justin pwede bang iedit natin toh sa inyo?" tanong na wika ni Larry kagroup ko
"Ah sige tara" wika ko
Nang nakarating kami sa bahay ay pinakain ko muna sila.
"Ayan sige kain lang kayo" ngiting wika ni mama
"Oh bujing saan dito yung girlfriend mo? Siya ba? Ano pangalan mo iha?"
"Ma!/ Ah! Ako po si shane" sabay na wika namin
"Ma hindi siya, classmate ko lang siya" wika ko
Ano ba yan ipapahamak pa ko ni mama eh.
"Oo na! Puro ka kasi sharlene o kaya naman trisha" wika nito
"Nga pala asan si trisha? Bat hindi mo siya kasama" dagdag na wika nito
"Hindi ko po siya classmate ma remember?"
"Alam ko pero diba mag-aaral kayo ngayon tas magsisimba?"
"Ah tita! Magsisimba po kami" sabat na wika ni shane
"Ikaw ba ang anak ko hija?"
Natahimik si shane dahil sa sinabi ni mama. Kasi naman eh...
"Ma, hindi po tuloy kasi mag eedit pa po kami tapos po pagkatapos nun baka hindi na ko makasimba"
"Ah ganun ba okay" wika ni mama sabay umalis
Pagkatapos nilang kumain ay inedit namin ang video, Natagalan kami roon at alas-otso na ng gabi ng matapos iyon, madami kasi kaming cinut, Nang matapos ay hinatid ko sila sa sakayan. Sakto dahil madadaanan ko ang simbahan.
Habang naglalakad ay napadaan kami sa simbahan, mukhang kakatapos lang, Pag nagsisimba kasi kami ni trisha ay ala-singko minsan ala-syete.
"Tara kahit magdasal lang tayo" wika ni larry
"Sige" ngiting wika ko
Pagpasok namin ay biglang nawala ang aking ngiti dahil nakita ko roon si Trisha banda sa lagi naming pwesto na tila may hinihintay siya...
"Uy si trisha ba yun?, Sungit girl!" sigaw na wika ni shane
Napatingin naman samin si trisha pero sakin napukaw ang atensyon niya, Umiling siya ng umiling at nakita ko nalang na umiiyak siya, Kita ko sa kaniya na dismaya ulit nakita ko kahapon, Pupuntahan ko na siya nang hinatak ako bigla ni shane na kina-inis ko.
"Tara na bujing! Tapos na magdasal ni larry!" siglang wika nito
"Pwede ba? wag mo kong tawaging bujing! Hindi tayo close! Classmate lang kita" inis na wika ko na kinagulat niya
"Sorry pero mukhang hindi ko na kayo mahahatid"
"Okay lang justin, sorry sa abala salamat pala ha!" wika ni Larry
"Justin" awang wika ni shane
"Shane layuan mo na ko" wika ko at dali daling umalis para habulin sana si trisha ngunit. Hindi ko na siya nakita pang muli.
Sa pangalawang pagkakataon ay hinintay niya ulit ako pero hindi ako sumipot...
To be continued....
PAST.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/227846475-288-k446808.jpg)
BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fiksi Penggemar"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...