"Okay good! Isa pa trisha fierce!"
"Ayan! so now smile!"
"Okay! Done!"
ngumiti ako at pumunta sa dressing room.
"Ay nak ateshh! Kay galing mo talaga!" wika ni ate J, p.a ko
"Salamat"
"Galingan mo lalo sa tagaytay ha? Malamig masyado dun, sayang nga eh hindi ako pwedeng sumama"
Nalungkot ako roon dahil sabi ng bagong ineendorse ko ngayon ay may sarili silang magiging p.a ko.
"Hays kailan nga ulit yun?"
"Sa makalawa na"
"Hmmm sa tagaytay diba? "
"Oo, ay walang gana ateng?"
"Pagod lang ako" pagod na ngiti ko
"Ay sige basta be ready tomorrow ha? Magiging host ka ng award show tomorrow" ngiting sambit nito
"Hmm.. Saan yun?" Need ko na pala magready kung ganon
"Sa araneta gaganapin" napatango nalang ako at napahikab
"Sige alis na ko gusto ko na talaga matulog huhu"
"Ma'am gising na po andito na po tayo"
Nagising ako ng may tumapik sa akin. Nakatuloy pala ako sa biyahe.
"Ah sorry, bukas po manong ha pakisundo nalang po ako salamat"
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa condo ko.. Boring nanaman hays buti nalang at hindi ako nahirapan sa paghanap ng condo salamat kila mama.
"Ang ingay mo stell! Akin na yang cellphone ko!"
"Ayaw ko! Babawi lang ako!"
Nagbuntong hinga ako at nagpatuloy sa paglalakad, Hindi man lang sinabi ni mama na may maingay pala akong magiging kapitbahay achuchu.
Pagkapasok ko ay napahiga agad ako sa sofa at nakatulog.
Nagising ako nang may kumatok sa pinto, Tumingin ako sa oras at nagpag-alaman kong alas nuwebe na pala ng gabi ay hindi pa ko kumakain.
Pagod akong tumayo at inaayos ang sarili.
"Sandali lang po!" wika ko dahil narinig kong kumatok muli toh
Binuksan ko ang pinto."Ano pong kailangan nila?" Inaantok ko pang wika
"Hmm pagod? Galing shoot?"
Kilala ko ang boses na toh ah? Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang nalaman kung sino ang nasa harapan ko.
"Josh.."
Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang tiyan ko, Nahiya agad ako at yumuko.
"Eto oh food! Sabi ko na nga ba hindi ka pa kumakain" wika nito at sabay abot sakin ng baunan na laman ay adobong manok
"Thank you, Dito rin pala kayo?" wika ko at kinuha ang baunan, Amoy palang ay alam kong masarap ito
"Oo sa kabila lang! Tinawag pa nga kita kanina pero hindi mo ata ako narinig dahil, parang inaantok ka na"
"Ah! Sorry wala pa kasi akong tulog eh tapos bukas may pupuntahan pa ko"
"Ah sige kainin mo yan ha? Kahit wag mo nang ibalik ang baunan basta ubusin mo yan"
Ngumiti ako at tumango, Pumasok ako sa loob at dali-daling pumunta sa kusina.
"Hmmm! Ansarap!"
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa naubos ko ito, Nakakahinayang dahil nakakahiya kung walang laman pabalik kaya bukas ay magluluto ako!
Nanood muna ako at ng dinalaw ng antok ay umakyat na ako sa itaas at bago matulog ay nagtext muna ako kay josh.
Pero nakuha ang atensyon ko sa twitter at Instagram, Dumog na dumog dahil panay notif nito at andami Gosh! Hinayaan ko nang ito at pinagpatuloy ang balak na gagawin.
"Joshieeeetot! Salamat sa food masarap!" text ko
Hindi ko na hinintay ang text niyang iyon at natulog na...
PRESENT.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/227846475-288-k446808.jpg)
BINABASA MO ANG
MY OWN PHOTOGRAPHER
Fanfiction"Paano ba ako makaka-amin? Kailan ko kaya maitatapat ang pag-ibig ko sayo? Kung nasa malayo ka na?" "Mahal mo rin kaya ako? Tulad ng pag-ibig ko sayo? Pag-ibig na hindi ko man lang naipagtapat sa iyo..." - - - - - "Paano k...