CHAPTER 18

253 22 2
                                        

"Wow! Ang Ganda rin ng view dito" manghang wika ko

Kadarating lang kasi namin roon. May mga nagtitinda rin roon syempre, may kabayo na hindi namin natry dahil sa kakulangan ng oras.

"Oo nga hihi tara dun na muna tayo sa may pwesto natin!" wika ni trisha

"Buti nakahanap sila? Ang daming tao oh!" wika ko

"Kaya nga eh! Pa unti na rin naman kasi pahamog na" wika nito

Tumango nalang ako at inakbayan siya, natawa naman siya roon at inilagay niya ang kanan niyang kamay sa aking beywang. Naglakad kami nang ganoon.

Nang nakarating ay lalo aking namangha dahil pwede pala maglatag sa lapag, syempre kaya nga people's park eh hays.

"Gusto kong humiga" ngusong wika ko

"Hmm? Higa ka nalang sa lap ko" sabi ni trisha

Umupo siya at pinagpagan ang lap niya at isenenyas na ihiga ko ang ulo ko roon.

"Naks naman! Nakaka inggit ken ganiyanan mo nga din ako" arteng wika ni josh

Natawa naman ako dahil roon kasi pagsulyap ko sa iba naming kasamahan ay ganoon rin ang ginawa at ultimong may sari-sariling mundo except lang kina kuya yani dahil pinipicturan nila kami at nagvlog.

"Tsk manahimik ka nga diyan josh" ngiwing wika ni ken

"Shang subuan mo naman ako ng kutsinta" pa-cute na wika ko

"Hay nako bujing,ang cute mo!" gigil na wika nito sabay kurot sa pisngi ko

"Aray" daing na wika ko

Tumawa lang ito at umiling, kumuha siya ng kutsinta at isinubo iyon saakin.

•••

"Ang ganda ng mga bituin noh?" manghang wika ko

Ganoon pa din ang pwesto namin pero nandito na kami sa hotel, lumabas lang kami para magpicnic ulit. Napaaga ang alis namin roon dahil sa hamog kaya hindi naman gaanong nasulit iyon.

"Oo...ang ganda" manghang wika rin nito habang nakatingin sa mga bituin

"Oo ang ganda nga" wika ko habang nakatingin sa kaniya

"Paulit-ulit.... Ka? A-ano?" wika ni trisha pero bigla niya akong tinignan

"Hahaha! Ang cute mo talaga pag kinikilig!" ngiting wika ko

"Baliw!" ngiwing wika nito

"Baliw sayo" wika ko sabay kindat

"Nasaniban ka ba ni stell? at naging pafall ka?"

"Hindi naman hehe, naturuan lang" wika ko

"Sus, kayong mga lalake talaga mga pafall, tas pag nafall kame hindi niyo naman kami sasaluhin!" wika nito

"Iba ako noh! Once na nafall ka sasaluhin kita, ikaw lang wala ng iba"

"Pano si sharlene?" ngising wika nito

"Sus, crush ko lang naman iyon ikaw mahal ko" wika ko

Umalis ako sa pagkakahiga sa kandungan niya at hinawakan ang pisngi niya..

"Trisha, kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko except kay mom, ikaw lang ang magiging nanay ng mga anak ko, natin" ngiting wika ko

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya...

Nagtagal iyon ng ilang segundo at ipinagdikit ang noo ko sa kaniya

"Promise me trisha"

"Hmm?"

"Promise me that ako lang, promise me that you will be mother to my future child and be my lovely wife, promise me that ako lang hanggang sa huli"

"I Promise"

"I love tou trisha...."

at siya'y aking hinalikan muli...




PRESENT.

Your votes and comments are highly appreciated ;)


MY OWN PHOTOGRAPHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon