CHAPTER 23

221 17 0
                                    

Nagkita at nagka-ayos na muli sina Angge at Sejun pero hindi rin biro ang napagdaanan nila, Madami ang naging hadlang sa pag-iibigan nila pero sa huli ay sila pa rin, napagpasiyahan rin nilang pagkatapos ng kasal nila Ly ay sunod sila at ngayon naman ay in denial ang dalawa si ken at si Gnrous napa-uwi kasi ng pinas si Gnrous for some updates at hindi niya inasahan na makikita niya si ken.

"Kumusta?" tanong sakin ni Gnrous

"I'm Fine siguro" okay nga lang ba talaga ako?

"Okay, you're not okay" sabay buntong hininga nito

"Unting tiis nalang Jah, magkikita na kayo, malapit na" ngiting wika nito

"Sana nga"

"Una na ko" sabay labas nito uuwi na Siguro sa amerika.

Hays, kahit kailan talaga ang tamad niyang kausap,ang weird niya ganiyan siya lagi saakin, lagi niya kong kinakamusta tapos bigla nalang aalis malalaman ko nalang na nasa amerika na siya.

Umakyat ako sa taas at nagsulat muli, ngayon tanggap ko nang babalik na Siya muli..


April 21 20**

Dear Trisha,

Tatlong taon na... Nang iniwan mo ko. Ngayon ay naliliwanagan na ko, akala ko iniwan mo ko dahil ayaw mo na sakin, ayun pala ay nagkakamali lang ako, Babalikan mo ako hindi ba? Yung mga pangako mo gagawin mo pa yun diba? Mahal mo ko diba? Kasi ako sobrang mahal kita, Nga pala naghain ako ng kaso pero binasura lang nila dahil sa pera, sorry kung nabigo ako, hindi kita nabigyan ng hustisya, Wag kang mag-aalala alam kong dadating din ang panahon na babagsak sila.

Baby I miss you... I want to see you, I want to kiss you..

Love,
Justin

•••

Tinatagan ko ang sarili ko para sa kaniya at para na rin aa sarili ko, alam kong pagsubok kang ito, Akala ko nga ay makakasama ko siya sa bawat birthday celebration ko pero hindi... Nagugulat nalang ako na may package na naglalaman ng chocolate, damit at sulat. Nakakatawa lang ang nakalagay roon 'Shanghai' ewan ko ba kung bakit pero alam kong siya iyon, mahilig siya sa shanghai eh haha.

"Jah? Tapos ka na ba?" Sigaw na tawag sakin Nila Josh

"Oo sandali lang! Pababa na ko!"

May event kasi kaming pupuntahan ngayon at press con dahil pag-uusapan na ang kasalang magaganap. Alam kong dito na matatapos ang Journey namin, pagod na rin naman kasi kami, nakakalungkot lang dahil mukhang pagkatapos ng lahat lahat na toh ay hindi na namin makikita ang mga A'tin. Kapag nagkaroon na kami ng sari-sariling pamilya o naikasal na ay madidisband na kami. Dapat noon palang ay disband na kami o apat na lang kami dahil nilabag ni stell ang rules pero ayaw ni tatang na hindi kami kumpleto kaya tinanggal nalang niya ang rules na iyon na kahit ay baka makasira saamin ay hinayaan nalang niya.

Sa totoo lang andaming nangyari sa tatlong taon, masakit, mahirap pero nalagpasan namin lahat iyon. Lahat ng pangarap naming lima ay natupad na. Tatlong taon.. Tatlong taon kaming nagsama sama sa tanghalan. Bale mahigit walong taon na kaming magkakasamang lima. Kung ang dati lang ay sa pilipinas kami nagpeperform ay ngayon ay international na kami. Nakakatanggap ng award galing ibang bansa... Pero isa nalang ang hindi pa namin naaabot...ang magkaroon na ng pamilya lalo na si josh dahil tumatanda na siya hindi lang halata sa mukha haha.

"Dige jah magtagal ka diyan!" sigaw ni josh

"Ay eto na nga eh pababa na!" napahaba pala ang pag-iisip ko hays.

•••

"Hi A'tin!" bati ko

Nagsitilian naman sila na ikinatawa ko at ikinahiya.

"Thank you sa pagpunta a'tin! Alam naming pagod kayo kaya kailangan niyo nang umuwi pagkatapos nito Okay? Wag na kayong gumala" sabi ni sejun

"Kumain na rin kayo okay? Wag kayong papagutom kundi magagalit kami sa inyo" banta ni stell

"Ikakasal na nga pafall pa din!" sigaw ng isang a'tin

"Hahahahha grabe oy!" wika ni ken

Nagtawanan kami dahil roon at napatalikod si stell dahil sa kahihiyan

"Paalam na a'tin this has been SB19!Paalam!" pigil tawa naming sambit at yumuko

Kumaway ako ng kumaway paalis sa stage.

"Mamimiss ko ang kalat nila" wika ni stell

"Sana suportahan parin nila tayo kahit na magbubuo na tayo ng sari-sariling pamilya"

"Wow naman jah is dat you?" asar na wika ni josh

"Bitter kang matanda ka!"

"Pero mukhang 20" wika pa nito

"Pag naka uwi na si Trisha papakasalan ko siya agad"

"Pag naayos na namin ni Gnrous ang samin papakasalan ko din siya pagkatapos ng kasal mo jah" biglang wika ni ken

"Bale pag kinasal na pala ako sunod si sejun tas ikaw sunod jah tas si ken sunod wow! Forever na atang walang jowa si josh" wika ni stell

"Baliw!" wika naman ni josh

"Antagal naman kasi ni Jane eh" bulong ko

Minsan talaga naiinis ako kay Jane antagal niyang umuwi dito sa bansa, oo kilala namin siya pero ako ang pangalawang nakilala ni jane dahil una si stell hehe.

Nakakausap ko rin siya hanggang ngayon lagi niyang sinasabi na 'kaya mo yan!' 'malapit mo na siyang makita' siya ang taga advice ko hehe.


PRESENT


Your votes and comments are highly appreciated ;)




Ps. Jane and jae are the same, nickname sa kaniya ng mga kaibigan ay jae and kay josh naman ay janjan.

Alam kong janelle ang name niya nung una pero i decided na palitan nalang siya :).

MY OWN PHOTOGRAPHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon