CHAPTER 3

17 5 0
                                    




Kinaumagahan, pinilit kung bumangon kahit ang bigat bigat ng pakiramdam ko,hindi naman ako nilalagnat sadyang hindi lang talaga ganun kadaling kalimutan lahat ng nangyari.
Ayaw kong madaliin yung sarili ko,mag hihilom din to pag dating ng panahon.

Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang morning ritual ko. Ramdam ko ang hapdi sa mata ko pero hindi na sya gaanong namamaga. Naligo ako at pag katapos bumaba na para mag agahan.

Pumasok ako sa kusina, nandun na si mama nag nag aayos ng pagkain para sa aming umagahan.

"oh anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. Tumango lang ako ayaw kong mag salita wala akong lakas.

"Papasok ka ba ngayon anak?" tanong ulit ni mama, Napatingin ako sa kanya
"yeah, kailangan ma ayokong mag kulong dito kailangan ko din makausap si paul" usal ko tsaka kumuha ng kanin at isang pirasong hotdog,

"ahh ganun ba? ah oh e sige ikaw ang bahala. Pero wag mong pipilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya anak." tumango lang ako kay mama.
" don't worry ma ok lang talaga ako wala naman akong choice kundi ang maging ok dba?"tiningnan nya lang ako at bumuntong hininga.
"basta anak tatandaan mo lahat ng sinabi ko sayo kagabi wag na wag mong kakalimutan yun." Paalala ni mama na sinang ayunan ko naman.

Nandito na ako ngayon sa university na pinapasukan ko.Nag lalakad sa may corridor papunta sa class ko ngayon umaga, it' s already 8:00 am  mamayang 9:00 pa yung pasok ko pero pumunta agad ako dito sa school I need to talk to Paul. Mag kaklasi kami ngayon sa unang subject namin hindi kasi lahat ng subject ay mag kaklase kami, mag kaiba kasi kami ng kinuha. Business administration major in HR ako samantalang sya naman ay Business administration major in marketing.

Malapit na ako sa room at abot abot ang kaba ko, napahawak ako sa dibdib ko kinakabahan ako. Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwag sa kanya ang nangyari.

Paakyat na ako ng hagdan ng makasakubong ko si Paul. Shit lang. Napatingin sya sakin at nanlaki yung mata nya.

" shit akala ko kung ano na nangyari sayo" biglang usal sya sabay hawak sa mag kabilang braso ko.

"h-hah?" shit hindi ko alam anong sasabihin ko. 

"damn you Im so worried last night,bakit hindi ka nag rereply sa mga text ko hah! kung hindi lang malakas ang ulan kagabi sinulong na kita sa bahay nyo!"galit na may bahid ng pag aalalang sabi nya.

Tiningnan ko sya pero agad ding yumoko hindi ko kayang salubungin yung titig nya. Pinag lalaruan ko lang ang mga daliri ko, kinakabahan talaga ako.

"Hey is there something wrong?" tanong nya, kaya naman nag karoon na ako ng lakas ng loob salubungin yung titig nya. Kailangan ko syang maka-usap,kailangan kung sabihin sa kanya lahat.

"a-ano kasi ahhmm may kailangan kang malaman." mahinang sabi ko sapat na para marinig nya.

"what is it?" tanong nya.

"Punta tayo sa tambayan dun nalang tayo mag usap."tinutukoy ko ay sa likod ng building na madalas tinatambayan namin.Masarap kasi ang hangin dun sariwa, relaxing. Madami ding mga bulaklak dun at wala masyadobg pumupunta dun kasi malayo. Bilang lang yata ang naka discover sa lugar nayun dito sa school.

"o-okay" naguguluhan pero sumasang-ayon na sabi nya.

Dumating kami sa tambayan,makulimlim ngayon at mahangin.Itinali ko ang buhok ko dahil hinihipan ito ng hangin.Huminga ako ng malalim at binalingan sya.Nag ka titigan kaming dalawa.

"May nangyari ba?" tanong nya na nakatuon ang buong atensyon sa akin.

Huminga ulit ako ng malalim.
"Wala na kami" pag sisimula ko,batid kung naguguluhan sya pero hindi sya sumabat,bagkos ay tumahimik lang sya upang maka pag patuloy ako.

Ikinwento ko sakanya ang buong anagyari simula ng dumating ako sa condo ni Cris hanggan sa part na naabutan ko syang may gina gawalang milagro sa condo nya. Tumakas ang iilang butil ng luha ko batid kung pagud na din sila. Hindi ko pa sinasabi sa kanya kung sino yung babaeng kasama ni Cris Pinapangunahan ako ng kaba ko.

"Tangina!" malutong na mura ang narinig ko galing sa kanya.

" Anong karapatan nyang saktan ka Reign?" matigas sa usal nya, kaya napalingon ako sa kanya,kinabahan ako nang makitang nag pupuyos sya sa galit.

"At sino ang babae nya hah! kilala mo ba?" damn hindi ko alam paano ko sasagutin ang tanong nya gayong nakikita kung galit na galit sya.

Tumango ako habang pinipigilan ang mga luha ko ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako alam kung mas lalo lang syang magagalit.

"what? who? dito din ba nag aaral sa university? kilala ko ba?" sunod sunod na tanong nya kaya naman mas lalo akong kinabahan.

"yeah" pambibitin ko " kilalang kilala mo" nabigla sya sa sinabi ko batid kung naguguluhan sya.

" who the hell is that bitch" tanong nya, gusto kung matawa sa salitang ginamit nya pero batid kung seryoso sya.

"Si Claries paul" mahinang sabi ko pero alam ko na narinig nya.

"What? who?"tanong nya.

"It was Claries paul, ang babaeng dahilan ng pag ka sira namin ni Cris ay ang babaeng mahal mo" umiiyak na sabi ko,hindi ko na kayang pigilan.Bumalik ulit lahat ng sakit na naramdaman ko ka gabi. Bumalik yung alaalang naka patong si Cris kay Claries habang inuungol nito ang pangalan ni Cris.

Nalaglag ang panga nya sa sinabi ko. Makikita sa mukha nya na hindi sya maka paniwala sa sinabi ko. Im sorry but I don't have a choice I need to tell you truth.

"H-how?" tanong nya na alam kung hanggang ngayon ay hindi parin maka paniwala.

"I dunno, yun yung nakita ko silang dalawa.Wala na akong lakas ng loob tanungin kung pano yun nang yari,kung pano sila nag ka kilala basta ang alam ko lang niloko nila ako, niloko nila tayo." Umiiyak parin na sabi ko sa kanya.

Niyakap nya ako ng mahigpit ramdam ko parin ang galit nya pero alam kung pilit nyang pinapakalma ang sarili nya.

"Hindi sya deserving para sayo, You deserve someone better"mahina pero madiing bulong nya.

Kumawala ako sa yakap nya at tinignan sya.
" Paano ka? pano kayung dalawa ni Claries?" tanong ko sa kanya, pero iniwas nya lang ang tingin nya sa akin.

" Hayaan mo na,hindi ko kailangan ng isang manloloko sa buhay ko" sabi nya.

"eh diba mahal mo yun?" tanong ko,kasi alam kung nasasaktan din sya.

"Hindi ko sinabing mahal ko sya. Yes I like her but I don't love her, hindi ko alam kung nasasaktan ba ako ngayon  basta ang alam ko lang Im disappointed. Akala ko iba sya. Tss." bigong sabi nya.

Kinalma ko na ang sarili ko, sana ganun ako ka tapang katulad nya. Sana ganun nalang din kadali yung nararamdaman ko. Inakbayan nya ako ag ginulo ang buhok ko.

" Always remember na nandito lang ako. Hindi kita pababayaan,I will protect you no matter what happen." madiing sabi nya
"hinding hindi na ako makakapayag na makalapit sya ulit sayo. Iniingatan kita tapos sasaktan ka lang nya. Nag kamali ako nang nag tiwala ako sa kanya." Sabi nya na nag pa gaan ng loob ko.

Im so lucky that I have a bestfriend na handa akong protektahan. Im so happy to have him. Pano nalang kaya ako kapag wala sya?

Until the EndWhere stories live. Discover now