CHAPTER 6

7 3 0
                                    





Pumasok ako sa bahay at hindi nga ako nag ka mali, nandoon na si mama sa kusina nag luluto ng hapunan namin.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"oh anak kamusta?"

"ayos lang ma bihis lang muna ako."sabi ko at tinalikuran nya sya.Umakyat ako sa kwarto ko upang mag bihis, mamaya nalang ako gagawa ng assignment ko madali lang naman yun minor subject lang.

Tapos na akong mag bihis ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bag at tinignan kung cnu ang tumatawag.

"hello paul, napatawag ka."sabi ko

"a yah ahhmm naiwan ko yung book mo sa kotse." sabi nya kaya napatingin ako sa bag ko kung saan nakalagay yung isang librong hiniram ko kanina sa library.Hinalog hog ko ito pero wala dun yung libro.

"oh shit paul I need that book. Hiniram ko yan kanina sa library para sa assignment ko." sabi ko na bahagyang nag pa panic kasi yung assignment nayun ay first subject  ko bukas at terror pa yung prof ko dun.

"oh okay fine idadaan ko dyan mamaya pag ka tapos ng dinner namin. ok ba
yun?" sabi nya kaya kumalma na ako.

"okay thank you kailangan ko kasi talaga yan.Hihintayin ko Paul thank you talaga."

"okay no prob. bye." sabi nya at binaba agad ang tawag nag mamadali siguro.

Bumaba ako at pumonta sa kusina para tumulong kay mama.

"oh anak gutom ka na ba?" tanong ni mama habang nag hihiwa ng sibuyas.

"di ma okay lang busog pa naman ako." sabi ko tsaka tinulongan sya sa ginagawa nya. Marunong naman akong mag luto pero hindi ngalang magaling. Si mama ang palaging nag luluto kasi minsan wala din syang tiwala sa abilidad ko.

"ako na dyan anak kaya ko naman. gawin mo na assignment mo para di kana mag pupuyat."

"okay lang ma.mamaya na ako gagawa nakalimutan ko yung libro ko sa kotse ni Paul idadaana nya nalang daw mamaya."tumango lang si mama kaya di na ako nag salita.

Hindi na nag tanong si mama about sa nangyari kahapon batid kung alam nyang ayaw kung pag usapan kaya di nalang sya umimik.

Natapos kaming mag luto ni mama. Adobong manok at pritong isda ang ulam
namin.Nilagay ko na ang pinggan at kotsara sa lamesa.

Tahimik lang kaming kumakain wala din ako sa mood makipag kwentuhan kay mama at alam kung naiintindihan nya naman ako.

Natapos kaming kumain walang nag sasalita. Ako na ang nag hugas ng pinggan dahil alam kung marami pang gagawin si mama.

Lumabas ako ng kusina at naabutan ko si mama sa sala gumagawa ng kanyang lesson plan.

Umupo ako sa sofa at na nuod muna ng tv habang hinihintay si Paul.

Its already 9:00 pm pero wala pa din si Paul.Kinabahan na ako kaya kinuha ko ang phone ko sa sa lamesa i te text to sana sya nang may biglang tumawag. Muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko sa gulat. Simula nung nangyari yung kagabi di na sya ulit nag paramdam ngayon labg ulit.

Cris calling......

Deym kinabahan ako bumalik lahat nang alaala ng nangyari ka gabi nag babadya na naman ang mga luha ko pero pinigilan ko ito. No hindi na ako iiyak kakalimutan ko na sya.

Pinatay ko ang tawag. Wala akong balak kausapin sya.

Tumunog ulit yung phone ko at alam kung sya lang yun kaya hindi ko pinansin hinayaan ko lang bahala sya sa buhay nya.

Napatingin ako kay mama na naka tingin na pala sakin.

"si Cris ba?" tanong na tumago lang ako.

"Wag mo na kakausapin yun layuan mo na yun. Kalimutan mo na madaming pang lalaki dyan." Matigas na sabi ni mama di ako kumibo kahit hindi naman nya sabihin gagawin ko parin. Tama na yung isang beses na nag pa loko ako sa kanya.

Until the EndWhere stories live. Discover now