A/N: Walang edit ulit so sorry sa typo and wrong spelling hehe.
Btw I just want to say thank you to my friend Lj Perez for doing my book cover thank you so much I love it Thank you mwaahhh😘😘*Enjoy reading guys:)
MAAGA akong nagising ngayong araw kahit hindi ko nga alam kung naka tulog ba ako. Araw ngayon ng linggo at mag sisimba kami ni mama.
Hindi ako naka tulog kagabi kaka isip sa nangyari kahapon. Hindi mawala wala sa isip ko yung ngiti nyang yun sheett first time ko nakita ang ganung ngiti nya, yung ngiti talaga hindi ngisi na palagi nyang ipinapakita.
FLASHBACK.....
Itinigil ko muna ang ginagawa ko at kinain muna ang pagkaing binigay nya.Nilingon ko sya para sana alokin sya pero masama parin ang titig nito sakin. Ano na naman ba ang ginawa ko?
Tinaasan ko sya ng kilay pero umiwas lang ito ng tingin sa akin.
"kumain ka na?" tanong ko
"yah" tipid ma sagit nito at idinokduk ang ulo sa mesa.
"o-okay" Tanging nasabi ko dahil batid kung ayaw nitong makipag usap sakin.
Nang matapos akong kunain ay niligpit ko agad ang pinag kainan ko para matapos ko na an ginagawa ko meron pa naman akong isang oras.
Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang biglang tumayo si Jaiden kaya napa tingala ako sa kanya.
"I need to go" aniya at agad akong tinalikura. Hindi ko talaga maintindihan ikot ng utak ng isang to.
Huli ko na na realize na nasa akin pa pala ang librong gagamitin din nya kaya hinabol ko sya.
Nang maka labas ako ng library ay hindi ko na sya makita. Hindi ko na sya naabutan ang bilis naman ng isang yun.
Napa tingin ako sa librong hawak ko. Baka may klase pa sya kaya nag mamadali, hahanapin ko nalang sya mamaya.
Binalikan ko nalang ang gamit ko at agad itong niligpit.
Pumunta ako sa klase ko at buong oras ay walang ibang laman ang isip ko kundi ay kung paano ko ibabalik ang librong to.
Kaya naman ng matapos ang klase ay sinimulan ko nang hanapin sya nalibot ko na yata ang buong campus pero hindi ko parin aya makita.Damn pagod na ako baka umuwi na ang isang yun.
Napag disisyunan ko nalang na pumunta sa bahay nila Marie dahil sa pag kaka alala ko ay dun pa sila ngayon nakatira. May silbi din pala ang pagiging madaldal nya.
Malapit na ako sa gate ng school ng mamataan ko ang lalaking palabas ng university.
Tinakbo ko ang distansya namin at nang malapit na ako sa kanya ay sinigaw ko na ang pangalan nya dahil pumara na sya ng taxi.
"Jaiden!!"sigaw ko pero hindi ako nito nilingon hindi yata ako narinig.
"Jaiden!!"mas nilakasan ko pa ang sigaw ko sa kanya at sa pag kakataong ito ay nilingon na nya ako.
Kumunot ang noo nito at nang ma mukhaan nya ako ay umaliwalas ang mukha nito at umayos ng tayo.
"hmmm?" hindi ako agad naka sagot dahil nag hahabol pa ako ng hangin napagud ako dun ahh.
Nang kumalma na ang pag hinga ko ay tumayo ako ng maayos at ngumiti sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap" sabi ko sabay abot sa librong pinahiram nya.
"salamat." sinserong sabi ko at ngumiti.
Tinanggap nya ito at tinalikuran na ako. Hindi na ako aasang mag sasalita pa sya kaya tumalikod na rin ako at umambang aalis.
YOU ARE READING
Until the End
RomancePaano kung ma in love ka sa taong bigla lang dumating sa buhay? Then that guy confess that he loves you too? Masaya na sana eh pero pano kung bigla ding mag confess ang matalik mong kaibigan na mahal ka din nya? Sinong pipiliin mo, ang lalaking bi...