Lumipas nga ang mga araw at mag-iisang linggo na ding ganun ang routine ko. Hindi ko na masyadong na kakasama sila Paul at Marie dahil pare pareho kaming busy. Ang dami kasi naming mga gawain next week na nga dapat kami mag pe—present pero hindi na tuloy dahil sa one week na leave ni prof namatay daw kasi ang nanay nya. Kaya meron pa kaming one week to prepare.Kakatapos lang nang klase ko ngayong umaga. Kasama ko ngayon si Marie at si Paul pupunta kaming cafeteria para kumain. Wala kaming pasok mamaya dahil wala daw kaming prof pero hindi ako uuwi dahil madami pa akong dapat gawin. Si Paul ay uuwi daw dahil pinapapunta sya sa kumpanya nila. Si Marie naman ay uuwi din dahil aalis daw ang mga magulang nito papuntang ibang bansa may aasikasuhin.
Pagka tapos naming kumain ay agad din silang umalis ako nalang ang naiwan kaya naman nagpasya na din akong umalis na dahil wala naman na akong gagawin duon.
Palabas na ako ng cafeteria nang mamataan ko si Jaiden, tumakbo ako para sumabay sa kanya.
Sa araw-araw na pag sasama naming calawa marami na din akong nalalaman sa kanya. Hindi sya pala kwento pero sinasagot naman nya ako tuwing tinatanong ko siya.
Nalan kong wala pala talaga syang balak umuwi ng pilipinas pero wala syang nagawa nang mag pasya ang mga magulang nitong dito na sa pilipinas manirahan. Napansin ko ding hindi talaga sya friendly na tao pero nagagawa naman nyang pakisamahan ako pikon ngalang sya palagi. Napansin ko ding wala sya masyadong kinakausap dito sa university at wala din halos lumalapit sa kanya. Takot yata sa kanya yunv mga class mates nya pano ba naman kasi tingin palang nya kakabahan ka talaga para kasi syang palaging galit. Ako naman ay nasasanay na din may mga araw din na dumadaldal din sya pero mas madami parin yun araw na tahimik lang sya.
Dire diretso lang sya sa paglalakad at walang pakialam sa mga nakakasalubong nya. Binilisan ko ang pag lalakad ko para maabutan ko sya.. ang bilis naman kasi haba ng binti sana ol.
Nang maabutan ko ito ay agad akong tumabi sa kanya. Bahagya itong napatalon dahil narin sa gulat tinignan nya ako ng masama pero hindi ako nag pa tinag nginitian ko sya ng pagka laki laki.
"Ang bingi no naman.. kanina pa kita tinatawag" sabi ko habang nag lalakad.
"Jaiden ka ng Jaiden, Cj nga kasi" madiing sabi pa nya.
Yan din ang madalas naming pav awayan. Jaiden kasi ang gusto kong itawag sa kanya pero ayaw nya. Bahala sya sa buhay nya ako naman ang tatawag hindi naman sya.
"Pakialam mo ba hindi naman ikaw ang tatawag ako naman ahh"sagot ko sa kanya.
May napansin din akong pagbabago sa sarili ko. Kapag kasi sya yung kausap ko parang nagiging isip bata ako. Hindi ko kasi maiwasang patulan sya lalo na kapag pinapa iral nya yong kasupladuhan nya.
Tahimik lang itong naglalakad habang ako naman ay palinga linga lang sa mga dinadaanan namin. Ngayon ko lang din napag tanto na hindi ito yung daan na madalas kung dinadaanan kapag papunta ako sa library. Ito yung malayong daanan na wala halos na tao.
"teka bat dito tayo dumaan?" naguguluhang tanong ko dahil bakit dito eh meron namang mas malapit na daan. Minsan talaga hindi ko alam kung may isip tong isang to eh.
"malay ko sayo, sinabi ko bang sumunod ka sakin." supladong sagot nito.
Yan!yang ugaling ugaling yan yung madalas kong patulan talaga. Pano ba naman kasi pwede namang sumagot ng maayos eh.
"Bwisit ka!" asik ko dahilan para lingunin nya ako.
"sinisigawan mo ba ako?" gulat na sabi nito.
"oo, bwisit ka!! hindi ka talaga matinong kausap!" sigaw ko sa kanya. Okay lang naman sigurong mag sisisigaw
ako dito wala naman tao eh."sino ba nag sabi sayong matino akong kausap" walang ganang sagot nito dahilan para mas lalo akong mapikon.
YOU ARE READING
Until the End
RomancePaano kung ma in love ka sa taong bigla lang dumating sa buhay? Then that guy confess that he loves you too? Masaya na sana eh pero pano kung bigla ding mag confess ang matalik mong kaibigan na mahal ka din nya? Sinong pipiliin mo, ang lalaking bi...