CHAPTER 9

9 2 0
                                    






Nag daan ang mga araw na palagi na naming kasama ni Paul si Marie. Sa lunch, sa pag tambay sa library kapag wala kaming pasok, at kahit sa tambayan namin ni Paul kasama namin sya.

Pinutol na nya lahat ng koneksyon nya sa dating kaibigan.Hindi nya ito pinapansin pero hindi maiiwasan na mag kasalubong sila sa school kaya hindi mapigilan ni Marie ang mag parinig sa mga ito.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. kasama ko silang dalawa dahil pare pareho kaming walang klase. Dito kami pumunta dahil gusto ni Paul ng tahik na lugar mag rereview da kasi kami para sa nalalapit na finals.

Binuklat ko ang libro na babasahin ko pero hindi pa man ako nakakapag umpisa ay tumalak na agad si Marie sa tabi ko.

"alam mo nakita ko kanina yung crush ko kyaaahhhh naka salubong ko sya sa hall way." kinikilig na sabi nya.Crush nya kasi yung varsity student na engineering ang course.

"kasama nya yung mga barkada nya , nag tatawanan sila tas ang gwapo gwapo nya kapag naka ngiti." naka pikit na sabi ni na iniimagine ang crush nya.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala naman akong masabi.

Napatingin ako sa kaibigan kung si Paul na busangot ang mukha, anong problema ng isang to?

"tapos -" hindi natuloy ang sasabihin ni Marie dahil sumabat si Paul sa kanya.

"pwede ba manahimik ka! dito nga tayo pomunta dahil tahimik dito tapos mag iingay ka naman." sabi nito at ngumuso lang si Marie.

"to naman ang sungit tsk" sabi nito at binuklat na din ang libro.

Napa ngiti lang ako dahil ang cute nilang tignan.

Tahimik lang kaming nagbabasa ng biglang mag ring ang phone ni marie.

"hello" sinagot nya ito at lumayo nang bahagya sa amin.

Ibinaling ko ulit ang tingin sa librong binabasa nang biglang mag salita si Paul.

"ang ingay ingay ng babaeng yan hindi nauubusan ng kwento." sabi nito habang naka tingin kay Marie na may kausap patin sa phone.

Natawa lang ako sa kanya, halata kasing iritang irita sya sa ugali ni Marie pero wala naman syang magawa.

"hayaan mo nalang ganyan na yan eh" sabi ko at umiling iling lang.

Nilingon nya ako. "kaya nga eh" sabi nito at ibinaling ang tingin sa libro.

Napa tingin ako kay Marie na ngayon ay parang naiirita sa kausap nito. Ibinalik ko ang tingin ko kay Paul na may napag tanto ako.

"alam mo Paul bagay kayo." sabi ko habang naka tingin sa kaibigan.Masungit ako nitong tinignan.

"tss ano gusto mong iparating" tinaasan ako nito ng kilay. Humagikhik naman ako dahilan para mas lalo syang mairita.

"wala kang girlfriend wala din syang boyfriend kay-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol
ako nito.

"wala akong balak" asik nya kaya mas lalo akong natawa.

"wala naman akong sinabi ahh sabi ko lang naman pardho kayong single." naka ngiting sabi ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot kaya natahimik nalang ako. Napa tingin ako sa direksyo ni Marie na ngayon ay pabalik na sa amin.

"ok ka lang? sino yung tumawag?" tanong ko sa kanya.

"Si kuya lang sabi nya uuwi na daw sa summer yung isang pinsan ko galing states." tumango lang ako sa kanya.

"oh e bakit parang ayaw mo?" tanong ko kasi parang labag sa loob nya yung nangyayari.

Until the EndWhere stories live. Discover now