CHAPTER 14

1 1 0
                                    


A/N: Hello guys walang edit to so sorry for the typo. Thank you enjoy reading😘😘

Dumaan ang araw at wala namang especial na nangyari sa buhay namin.Pupunta ng university , minsan kapag walang prof tatambay sa cafe sa labas o kaya sa tambayan namin sa garden or pwede ding sa library kapag balak naming matulog.

Sabado ngayon pero may klase padin ako. Dalawang oras ang klase ko ngayong umaga ako lang mag-isa dahil sa sem na to ako lang ang may klase ng sabado sa aming tatlo.Dalawang oras sa umaga at isang oras naman sa hapon.Unang sabado ko ito kaya wala akong ediya kung sino-sino ang mga kaklase ko.

Papunta ako ngayon sa klase ko at umagang umaga palang ay pawis na pawis na ako.Damn late na ako sa klase ko dahil akala ko ay 9:00 yung simula ng klase ko ngayon pero nung i check ko kanina ay 8:30 pala sheemss ayaw kong ma sermonan ng professor.

Nang malapit na ako sa room ay nakita kung parating na ang istriktang professor ko kaya hindi na ako nag dalawang isip tinakbo ko na agad ang distansya ko sa pintuan para maunahan sya.

Agad akong umupo sa bakanteng upuang nakita ko hindi ko na tinignan kung sino ang katabi ko basta ang importante ay maka upo ako bago pumason ang professor ko.

Hinihingal ako habang pinapaypayan ang sarili ko goosshhh muntik na yun ahhh...
Napansin kog mariin ang titig ng katabi ko kaya nilingon ko ito.

Ay futah nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan anv taong makikita ko ngayon sa tabi ko. Shit hanggang sabado ba naman makikita ko ang pag mumukha nitong lintek na to.

Mula lunes hanggang byerbes tinitiis kung makita yang pag munukha nayan pero hanggang sabado ba naman. Wtf.

"Quit staring miss" aniya at tinaasan ako ng kilay.

Deym. Napa kurap kurap ako at dali daling iniwas ang paningin ko.

Quit staring quit staring taena sino kaya samin ang kanina pa titig ng titig bwisit. Gusto ko syang singhalan dahil saming dalawa sya ang naninitig ngunit ayaw kung mapagalitan ulit dahil paniguradong mag babangayan talaga kami.

Nag daan pa ang ilang minuto at hindi ko na talaga kinaya nilingon ko sya at hindi nga ako nag kamali mariin ako nitong tinititigan, bwisit. Nag tama ang paningin namin at ako din ang unang umiwas tangina hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla nalang bumilis ang tibog ng puso ko, dahil parin ba to sa pagod sa pag takbo ko kanina? tama pagod lang to.

Hindi ko nalang sya pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa gurong nag sasalita sa harap.

Sa kalagitnaan ng discussion ay may biglang kumatok kaya natigil si prof sa pag di discuss.

Dito na ako nag karoon ng tyempo g lingunin ulit anv katabi kong walang ibang ginawa kundi ang titigan ako. Ano bang problema nya!

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.

"problema mo?"mataray na sabi ko

"what!" supladong tugon nito

Tinitigan ko sya ng masama " kanina ka pa naka titig anon problema mo ahh!"singhal ko

"excuse me miss, hindi ikaw ang tinititigan ko." sabi nito sabay irap sakin.

"excuse me din mister pero wag ka nang mag kaila halata naman"naka taas ang kilay na sabi ko sa kanya.

"hindi ikaw ang tinititigan ko. That girl sya ang tinititigan ko." sabay turo sa babaeng kaklase na naka upo sa tabi ko

"so don't assume" pahabol nya dahilan para mapahiya ako.

Bwisit taena nakakahiya hindi pala ako! sheettt napaka assuming ko naman.

Hindi ko man nakikita ang mukha ngunit batid kung pulang pula na ito dahil sa kahihiyan.

Until the EndWhere stories live. Discover now