CHAPTER 7
Hindi iyon ang huling beses na sinubukang makipag ayos sakin si ni
Cris.Araw-araw syang nag tsatsagang nag hihintay sa labas ng school namin pero wala syang napapala. Palagi kung kasama so Paul kaya hindi sya maka kuha ng tyempong lumapit.Nandito ako ngayon sa library ng school namin kasama ko ang mga ka group mates ko gumagawa kami ng report sa isang major subject namin. Hindi ko kaklase si Paul o maging si Marie sa subject nato kaya ako nalang ang mag isa ang natira.
Kanina pa umuwi si Paul dahil may kailangan syang asikasuhin sa kompanya nila.
"Ok guys okay na to." sabi ng leader namin.
Ang sakit na ng ulo ko dahil na siguro sa pagud.Inayos ko na ang gamit ko at ganun din ang ginawa ng mga ka grupo ko.
"tara na guys madilim na oh" sabi ng isang ka grupo ko.
Napalingon din ako sa labas at tama nga sya madilim na. Kanina ko pa tinext si mama na gaabihin ako kaya okay lang hindi na sya mag aalala.
"Reign tara na" sabi ni Mia tumango lang ako.
"una na kayo ibabalik ko lang tong libro susunod ako."
"sure ka?" tanong ng leader naming si Ava.kaya tumango lang din ako.
"okay ikaw bahala sumunod ka hah." sabi nya at tinalikuran na ako at sabay silang tatlong nag lakad palayo.
Ibinalik ko agad ang libro sa lalagyan nito at lumabas sa library. Hindi ko na sila naabutan ang bilis nilang mag lakad.
Palabas na ako ng university namin ng may biglang humablot ng kamay ko. Napa sigaw ako sa gulat pero nang ma aninag ko kung sino ang humablot sakin ay ang takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng pag ka irita ag galit.
"Tangina bat ka nang hahablot bigla?" tanong ko sa kanya hindi ko mapigilang mag mura kung sya yung kaharap ko.Ang kaharap ko lang naman ngayon ay walang iba kung di ang manloloko kong ex.
"I want to talk to you" malambing na sabi nya pero inirapan ko lang sya.
"pwede ba na uumay na ko sa pag mumukha mo tantanan mo na ako pwede ba di mo ba maintindihan hah? ayaw ko nang maka usap ka. Ang makita ka nga ay naiirita na ako abg maka-usap ka pa kaya. Kaya pwede ba please lang tantanan mo na ako." sabi ko pero di parin syana tinag.
"kahit sandali lang" paki-usap pa nya na inirapan ko lang.
"Hindi pwede masyadong mahal ang oras ko at wala akong balak sayangin yun sa walang kwentang katulad mo. Kaya tantanan mo na ako!ibaling mo nalang yang oras mo sa mga taong wala ding kwenta katulad mo. Si Claries nalang ang atupagin mo dun mo malalasap ang tunay na sarap. heaven." sabi ko at akmang tatalikoran na sya pero pinigilang nya ako.
"ikaw yung mahal ko." malambing na sabi nya.
Huminga ako ng malalim dahil kinakapos ako ng hangin sa sinabi nya.
"ahhmm ok fine." paunang sabi ko at umaliwalas namang ang mukha nya.
"punta ka sa dun"sabi ko sabay turo sa isang tindahan na malapit lang sa kinatatayuan namin.
"a-anong gagawin ko dun?nagugutom ka?tanong nya pero umiling lang ako.
"punta ko dun paki tingnan kung nandun yung paki ko sa sinasabi mo di ko kasi mahanap dito baka nandun."sabi ko at tinalikuran na sya. Agad akong pumara ng jeep para hindi na nya ako masundan. tss hindi nya ako madadaanan sa paawa nya.
Simula nga nung araw na iyon hindi na sya ulit nag pakita sa akin.Dapat lang dahil wala na syang maasahan sa akin. I cant say that I totally move on. It still hurt sometimes. Kapag naalala ko yung masasayang alaala namin dalawa. Pero kapag naiisip ko ang mga yan kusang dumadaan sa isipan ko kung pano nya ako niloko kaya bumabalik din sakin yung galit ko sa kanya.
YOU ARE READING
Until the End
RomancePaano kung ma in love ka sa taong bigla lang dumating sa buhay? Then that guy confess that he loves you too? Masaya na sana eh pero pano kung bigla ding mag confess ang matalik mong kaibigan na mahal ka din nya? Sinong pipiliin mo, ang lalaking bi...