Booth
"Bilisan mo na Lau! Male-late na tayo!" Iritang sigaw ko kay Laurean bago pumasok sa sasakyan.
Kanina pa kasi kaming apat na naghihintay sa kaniya dito. Ang bagal bagal talagang kumilos ng babaeng 'yon.
"Ano pa ba ang ginagawa niya sa loob Eru?" Medyo naiirita ding tanong ni Aesha.
"She's doing her make-up. May date daw siya ngayon eh." Natatawa kong sagot. Ilang beses ko nga siyang inasar kagabi tungkol sa ka date niya ngayon. She had the nerve to deny that it's not him kahit na bisto na siya.
Aesha scoffed and fixed her maroon tank top.
"Edi sana all may ka date! Malandi talaga ang Lau na iyon ang bata-bata pa nga eh!" Giit pa ni Rari.
Wow ha? Nahiya naman si Lau sa kaniya eh pareho lang naman silang dalawa kung tutuosin. Mas bulgar lamang ang paglalandi ni Lau kaysa sa kaniya. Because of Rari's angelic face, you can't say that she's a flirty type on first impression.
"Just let her be, that's her happiness and she's aware of her limitations. Suportahan na lang natin." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon kay Liana.
"Yeah right, but I hope she'll nevet get hurt though.." Ibinaling ko ang tingin kay Aesha. She sighed and rested her head on the window.
She's been crying for days because of Thad's cold treatment for her. Ang sarap suntukin nang lalaking 'yon! Ang hirap niyang intindihin.
"That guy isn't like Thad din naman, plus Rari is strong. Kaya mo namang tanggapin ang pagkatalo diba sis?" Rari rolled her eyes at me.
"Ofcourse, hindi lang naman si Gab ang lalaki sa mundo 'no. But syempre, love hurts. Masasaktan ako. Hindi iyon maiiwasan. If ever I'll loose, I'll gladly accept my defeat." Natahimik kaming lahat sa loob.
Napasulyap ako sa aking repleksiyon mula sa salamin nang sasakyan at halos mapairap ako nang makitang ang putla-putla na nang bibig ko dahil sa kakakain ko nang strawberry flavored na lip tint na inilagay ko dito kanina. Ang tamis kasi at lasang kendi!
"May lip tint kayo diyan? The darker shade sana para match sa damit ko." Tanong ko sa kanila.
Nakasuot ako nang maroon oversized shirt na ininsert ko sa highwaisted black shorts ko. May color coding kasi ang school namin para sa Valentines. Our adviser sent a list on our group chat last night. And maroon is for "Single and happy."
Lahat kaming magkakaibigan naka maroon except for Laurean na kakababa lang. She's wearing a yellow off-shoulder dress that fits perfectly on her body. Her mouth watering curves went on the view. Hindi ko maiwasang asarin siya dahil doon.
Aesha handed me a crimson tint. Tinanggap ko iyon at nang matapos ay agad ko itong ibinalik sa kaniya.
"Ano yung sa yellow Lians?" Tanong ni Rari, na ang tingin ay na kay Laurean. Liana took her phone out and answered her.
"MU." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Liana.
What the fudge? So it means may ka MU si Laurean? Bakit hindi ko alam 'to? Masama ang tingin ko sa kaniya nang pumasok siya sa sasakyan. Napakurap siya habang nililibot ang tingin sa aming lahat.
Tumikhim siya at umupo sa tabi ni Aesha sa unahan.
"Ba't ka naka yellow? MU huh? Who's the boy?" Nakataas kilay na tanong ni Liana. Woah there, she looks like a bitch when getting serious huh?
Humalakhak si Lau. "Seriously? Wala akong ka MU. Napilitan lang akong suotin 'to dahil sa bwesit na 'yon." She gritted her teeth and clenched her fists in anger. Galit na galit eh gusto naman?
BINABASA MO ANG
Shattered Chains (Madrigal Series #2)
RandomShe believes in a saying that "True love comes at the right time," kaya hindi siya nag-aaksaya nang panahon para sa paglalandi at pag-ibig. But that belief of her vanished when she met a guy radiating a personality that she really hates the most. T...