SC #15

125 11 0
                                    

Nagger

The game ended smoothly.

Nanalo ang team nina Cai at dalawang puntos lang naman ang lamang nila sa STEM students. Though kahit na dalawang points lang 'yan, labis pa rin ang kasiyahan na naramdaman nila lalo na nang mga Grade 12 na kasama nila. Last game nalang kasi nila ngayon dahil aalis na sila sa susunod na school year.

"Girl dali! Ang bagal-bagal mo!" Nagpaubaya ako sa panghihila ni Rari at Aesha sa akin. Si Liana naman ay bakas ang pang-aasar sa mukha kahit na tahimik lang siya sa gilid ko.

Ang mga mahaharot na 'to!

"Oh! Picture muna kayo ni papi, IG story mo ha?" Rari beamed. Lumapit ako at sinipa ang paa niya. Ngumiwi siya kahit na hindi naman gano'n kalakas ang sipa ko sa kaniyang paa.

"Mamatay yata ako sa lakas nang sipa mo Erudite!" She said with pure sarcasm.

I scoffed and rolled my eyes.

Tumalikod siya at tumakbo papunta sa banda nina Cairon na nagtatawanan kasama ang mga team mates niya. Napabuntong hininga lamang ako sa ingay nang mga estudyante dito sa gymnasium. Kahit tapos na ang laro ay patuloy pa rin sila sa sigawan. Probably because the players are topless right now.

Napanguso ako nang makita si Cai na hindi hinubad ang kaniyang jersey. Good choice babe, sa akin lang dapat 'yan.

"Dali na! Picture na kayo ni Cai, Eru!" Pagpupumilit pa nang pinsan ko. Maging si Liana na tahimik ay dumalo pa sa paghila sa akin ni Aesha.

Namumula akong tumigil sa harapan ni Cairon na mukhang naaaliw sa nakikita, nagulat ako nang bigla akong tumilapon sa harapan niya. Nakakatangina talaga nitong mga kaibigan ko! Ano bang trip nang mga 'to sa buhay!

"Careful." He whispered huskily. Napakurap ako at lumayo sa kaniya nang dahil sa kahihiyan. I jerked my head towards my three slutty friends giggling.

"Sinong tumulak sa akin?" Tumaas ang kilay ko sa iritasyon.

"Ako! pabebe ka kasi eh, aminin mo nang gusto mo naman 'yon. You smelled his scent, plus you felt his veiny arms around you! Ugh." Humagikhik si Rarissime.

"Lakasan mo pa next time." Sabay kindat ko sa kaniya.

"Ay malandi!" Nangigigil kong kinuyom ang mga kamao ko at lalapit na sana para suntukin siya sa braso nang pigilan ako ni Cai.

"You're at it again." He shot his brow up sexily. I licked my lower lip and turned my gaze downwards.

"Naku! Akala niyo lang mahinhin 'yan! In fact mas malakas pa yata kay Manny Pacquiao manuntok 'yan eh." Natatawang saad nang pinsan ko. Palihim akong umirap. Sumbungera talaga.

"And Thaddeus thought you're also mahinhin."

Napatingin ako sa nagsalita. Kumindat ang isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Aesha at nahihiyang umiwas nang tingin.

"Conyo amputa. Pasalamat siya't crush ko siya." Humagikhik ako kay Rari. Gigil na gigil talaga siya sa mga conyo eh, ewan ko nga kung bakit eh ang cute nga nila pakinggan. Well except those trying hard ones, na panay conyo kahit hindi bagay sa kanila.

"We're having a victory party tonight at Alcho, ihahatid kita sa inyo bago dumiretso doon." Sinikop ni Cai ang buhok kong nagugulo nang bahagya at inipit sa gilid nang tenga ko.

Pinilit kong hindi mapatalon at manginig nang dahil sa mga ginagawa niya.

"Why not let them join us Cai? Ang sabi ni coach pwede tayong mag-invite." Ngumisi si Brix.

Shattered Chains (Madrigal Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon