SC #25

151 6 2
                                    

Truth

"Reconsider our offer sweetie, maghihintay kami." Huling sabi ni Mom bago tumalikod kasama si Dad. They're bugging me again, kailan ba sila susuko sa pagpilit sa akin?

I sighed and massaged my forehead, nakaka stress talaga ang mga nangyayari ngayon, lalo na sa pumuputok na issue.

After his father siya na naman? I am really concerned for my cousin's health this days, noong nakaraang araw, binalita na nadisgrasya daw si Thad, sinisi ni Aesha ang sarili niya dahil pinutol niya ang kung anong meron sila ni Thad sa araw na 'yon.

I can't put the blame on her because if I were on her shoe, I'll do thesame. She made the right decision. As for Thad, we can't blame him too, because he really loves my cousin, alam ko iyon simula pa lang.

Iyon lang, pinoproblema sa kompanya ang pag pull out nang mga investors nang kanilang shares dahil sa pumuputok na balita. Iyon ang rason kung bakit kinakailangan nina Mom at Dad nang taong makakasalba sa amin ngayon, at iyon ang pakakasalan ko.

Pag-iisipan ko na muna ang mga ito. Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa talaga 'to.

I sighed and massaged my forehead again.

Saksakin niyo na lang ako.

Lunch time and I went to the Cafe outside to meet the mysterious texter that keeps on bugging me since yesterday. Wala namang mawawala kapag makipagkita ako sa taong 'yon. It seems like he or she know something about everything that happened from the past.

I was welcomed by the warm greetings of the staffs when I arrived inside. Kilala nila ako dahil palagi akong tambay dito, since malapit lamang sa kompanya at masarap din naman ang kanilang coffee at desserts.

I roamed my eyes around and looked for the mysterious texter, she told me that she's wearing a blue dress. I found her at the table near the counter, I didn't see her face because her back is against me.

Lumapit ako doon at agad na mamilog ang mga mata at napaatras nang makita ang itsura nang babae.

"Cassiopeia?!" Gulantang kong sigaw, napatingin pa ang ibang customer sa aming direksyon.

"Uhm, hi? Maupo ka muna Eru, huwag kang mag-alala, hindi ako naghahanap nang away." Kalmado niyang saad. Malayong-malayo sa Cassiopeia na nakilala ko noon.

I rolled my eyes and took a seat in front of her. Her short hair is now longer, hanggang baywang na niya at gumanda siya, inaamin ko. Kaya nga patay na patay si Cai dito dati eh.

Pinigilan kong mapasimangot.

"Now what? Magtititigan na lang tayo dito? Spill the facts already!" Nagtitimpi kong utos sa kaniya.

What shocked me was when she chuckled softly and stood up, may kinausap siya sa counter at namilog ang aking mga mata nang may ibinigay itong batang babae sa kaniya.

The girl is walking with her, halatang magkamukha sila kahit sa malayo. Ito na siguro ang anak nila ni Travis! OMG!

"Greet your Tita Eru, Hope." Utos niya sa anak.

Ngumiti ang bata at lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw nang lumapat ang kaniyang munting kamay sa aking hita habang hinahalikan niya ako sa pisngi.

I bit my lower lip and smiled gently at her. She looks really cute and pretty! Ang mukha ni Hope ay pinaghalong Cass at Travis, she got her Mom's pale skin and her father's features.

She reminds me of my bestfriend's cute baby girl! I missed my inaanak na tuloy!

"Hi Tita, are you my nanay's only friend? Ikaw lang kasi ang pinakilala niyang kaibigan sa akin eh." Kumunot ang noo ko at bumaling kay Cass.

Shattered Chains (Madrigal Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon