F1

372 11 0
                                    

Aiken

It's such a long day. Humiga ako agad sa kama pagkauwi ko kasi ramdam na ramdam ko ang pagod, school stuff.

"Hoy Aiken, hihiga-higa ka nanaman dyan! Bumangon ka na at tumulong ka sa pag-ihaw dito! Piste kang bata ka." Sigaw ng tita ko. Napamulat na lang ako ng mata, eto nanaman. Pagod na nga ako sa kaka-lait sa 'kin ng mga kaklase ko sa school hanggang dito ba naman sa bahay, sermon pa din ang inaabot ko.

Dito na kasi ako nakatira sa tita ko simula ng mamatay sila Mama at Papa. Lagi nilang pinapamukha na kailangan kong bayaran ang pagkupkup nila sa 'kin. Kaya halos lahat ng gawaing-bahay sa 'kin na pinapagawa.

Tumayo na lang ako at pumunta sa banyo para maligo. Antok na antok talaga ako at muntik na nga 'kong makatulog sa banyo.

Lumabas ako at tinignan ko ang kama ko, ang dami kong school works na gagawin pero napa-buntong hininga na lang ako kasi alam kong mamayang madaling araw ko nanaman magagawa yan. Ganon naman palagi, habang ang himbing himbing ng tulog ng mga pinsan ko, ayun ako sa ihawan nagliligpit.

Bumaba na 'ko at bumungad sa 'kin si Yesha. Ang haliparot kong pinsan.

"Hi Aiken." Lumingkis agad ito sa braso ko. Nginitian ko na lang siya ng pilit, pati ako hinaharot e pinsan niya ako for pete's sake. Hindi niya ba alam ang family stroke?

"H-Hi, Yesha. Sorry, kailangan na 'ko ng mama mo sa ihawan, e." Sabi ko sa kanya ng nakangiti at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero mas hinigpitan niya pa ang hawak dito. Damn, mapapagalitan ako ni tita nito, e.

"Ako na bahala kay Mama kung gusto mo, para 'di ka na nahihirapan," Putangina. Lord, help.

Mabuti na lang at pumasok si tita, agad naman na bumitaw sa 'kin si Yesha.

"Ano ka ba namang bata ka, napakatagal mo! Bilisan mo, dumadami ang customer natin." Singhal sa 'kin ni tita. Eto na nga e, anak niyo ho kase, e.

Lumabas na 'ko at nalaglag na lang ang balikat ko sa dami ng nakapila. Mukhang mapapagod nanaman ako at baka 'di ko pa magawa ang school works ko, hays. Bala na si Batman.

Nang nakita ko na nakapila ang mga babae mula sa kabilang baryo, napa-Sign of the Cross na lang ako.

Kilala kasi sila rito bilang malalandi, lahat na lang nilalandi, e. Pati 'yung mga tambay sa kanto 'di pinapalampas.

"Hi bby kwoh!" Malanding sabi ni Tess. Nginitian ko lang siya, fuck. Help me Dear Lord. Nilingkis na niya ang braso niya sa 'kin. Seriously, bro???

"Anong order n'yo?" Tanong ko sa dalawang kasama ni Tess—si Eya at Faye. Lumapit naman si Faye sa kaliwa ko kasi nasa kanan ko na si Tess na nakalingkis sa braso ko, puta. Mukhang lilingkis rin 'yung isa. Si Eya naman nasa harap ko lang at nginingisian ako.

Lumapit si Faye sa 'kin at hinawakan ang abs ko. Oo mga bro, may abs ako.

"Eto sana, e." Bulong niya sa tainga ko. Puta, ang baho.

Nasa harap ko naman si Eya at nilahad niya ang mayayaman niyang dibdib. Putangina. Napatingin na lang ako sa taas kasi wala akong balak tignan 'yon. 'Di ako manyak, oy!

"U..uhm, A..ano bang order n..niyo? Bilisan niyo kasi madami pa nakapila, e." Hirap na hirap kong sabi kasi hanggang ngayon nakatingala pa din ako, fuck shit.

Umalis na sa harap ko si Eya at doon ako nakahinga ng maluwag. Sakit sa leeg, puta.

Pina-alis na din ni Eya 'yung 2 sa gilid ko. Sinabunutan niya ang mga ito, "Hoy mga bruhilda, pagkain ang pinunta natin dito, mamaya na lumandi." Wew.

"Pagkain din naman si Aiken, ah." Pa-cute na sabi ni Tess, ay putangina.

"Gago, 'di ka cute bhie." Pa-irap na sabi ni Eya at hinatak ito. Ayon, nagsabunutan sila. Si Faye naman sumama din at nagsabunutan silang tatlo.

Kinuha ko na ang order ng iba at ihaw doon, ihaw dito. Nagsi-uwi na 'yung 3, sumbong mama.

10 pm na 'ko natapos at nagliligpit na ako dito. Iniisip ko pa ang mga gagawin ko kasi ang dami non at ang hirap pa. Di bale, isang year na lang naman at graduate na 'ko ng college. Makaka-alis na 'ko dito at mababayaran ko na sila tita. STEM ang kinuha kong strand dahil gusto ko mag-Engineer katulad ni Papa. Industrial Engineer to be specific.

Pagkatapos kong mag-ligpit, pumasok na 'ko sa bahay at do'n ko naabutan sila tita, Yesha at Mateo na nanonood ng TV. Naalala ko 'di pa pala ako naghahapunan. Dumiretso na ako ng kusina at syempre, 'di nila ako tiniran ng ulam.

"Ay, sorry bro. Naubos ko 'yung ulam, hahaha." Sabi niya pa habang tinatapik ang balikat ko. Gusto ko mainis pero kapit mama 'to e, kaya nginitian ko na lang siya.

"Okay lang, magbubukas na lang ako ng de lata," Tinignan ko ang drawer at corned beef lang ang nandun. Inismiran naman ako ni Mateo, kung wala lang ako utang na loob sa kanila matagal ko ng sinapak 'to.

Okay na para sa 'kin ang corned beef, tinuruan naman ako nila Mama na makuntento. 'Di kagaya nila Yesha at Mateo na spoiled. Ngumangawa na parang bata kapag 'di nakuha ang gusto. Actually, graduate na nga si Mateo ng college pero umaasa pa din siya sa mama niya. Dito pa din nakatira at imbis na maghanap ng trabaho, naka-hilata lang buong araw.

Umiiling-iling na lang ako at laking pasalamat ko kila Papa na 'di ako ganyan pinalaki. Bata pa lang kasi tinuruan na nila ako maging responsable at wag dumepende sa iba, dapat marunong akong tumayo gamit ang sarili kong paa. Wag n'yong liliteralin, na kanino bang paa yan?

Pagkatapos kong i-prepare ang hapunan ko, umakyat na ako sa kwarto para habang kumakain ako ay ginagawa ko na ang school works.

Ginagawa ko ang school works ko ng biglang may pumasok. Damn, nakalimutan ko pa talaga i-lock ang pinto. Ng pagtingin ko kung sino ito, si Yesha. 'Di ko siya pinansin dahil ganyan naman siya lagi, pag wala ng magawa sa 'kin na pupunta.

Umupo lang siya sa kama, 'di niya ako iniistorbo dahil alam niyang ang dami kong gagawin. Pero bigla siyang nagtanong, tinignan ko siya at hawak na niya ang statwang fairy. I used to believe in fairies but as I grow older, I realized that it was all just a legend.

"'Di mo pa din tinatapon 'to? Guess you're really into fairies." Sabi niya sa 'kin habang sinusuri ang hawak niya.

"Why would I let that go into trash? Masyadong maganda ang statwa na 'yan para itapon. I used to believe in fairies, past tense Yesha." Sabi ko sa kanya habang nakatuon pa din sa ginagawa ko.

"Well, maybe you should start believing in them again." Sabi niya sa 'kin kaya nilingon ko siya ng may pagtataka sa 'king mukha.

"Bakit naman?" Well, maybe, kasi madalas na 'ko nananaginip ng about sa fairies but they're all myths.

She shrugged her shoulder, "Ewan, just give it a shot, I guess." Sabi niya sa 'kin habang binabalik ang statwa sa lugar nito. Pinihit niya ang pinto para lumabas na, "Or not. After all, it's just a legend, right? Don't think about it, I'm just talking nonsense." At tuluyan na siyang lumabas. Actually, mas responsable pa nga si Yesha kaysa sa kuya niyang si Mateo. Kasalukuyan itong pinakamataas sa klase nila, she's in Second Year, College. ABM ang strand.

Tinignan ko ang statwang fairy, maybe I should start believing? 'Di ko na lang ito binigyang-pansin at tinapos ang ginagawa ko.

1 AM na ng natapos ako, humiga na 'ko sa kama dahil 9 AM pa ang pasok ko mamaya.

Birthday ko na pala bukas, my 20th birthday. Ako nanaman mag-isa ang magcecelebrate, as usual.

Bumigat na ang mata ko at mahimbing na akong natutulog. Sana lang, maging maayos ang 20th birthday

—————

Hi guys! I'm still learning how to write and am improving so please bear with me! Thank you for reading ;)).

Broken PromisesWhere stories live. Discover now