F3

104 1 0
                                    

Aiken

"Tangina, nababaliw na ako. Pati lamok naririnig ko na magsalita, umiilaw ka pa nga. Ano ba 'yan, LED lights?" Iiling-iling kong kinuha ang pamalo at pumunta sa study table ko.

"Hey, ano ba! Stop, I'm not a lamok, goodness me." Ang arte pa nito magsalita. Anak ng puta, imagine-in mo 'yun pati lamok nagsasalita na, maarte pa nga.

"Haha! Baliw na ako, ohyes." Sabi ko sa sarili ko habang pinipilit patayin ang lamok na nandito sa study table ko.

"Ano ba! I'm not a lamok nga sabi!" Pagkasabi niya non ay may mga dust na gold na nakapalibot sa kanya. Amputangina, pati 'yung alikabok, gold?

Pinikit ko ang mata ko at pinipilit na panaginip lang ito lahat, "Whoo punyemas, Aiken, gising!" Hinampas-hampas ko pa ang pisngi ko para talagang magising ako.

Pagmulat ko ng aking mata, may isang magandang dilag na nasa harapan ko. Nakasuot siya ng kulay lila na dress na abot hanggang paa niya. Ang buhok niyang mahaba na medyo kulot na kulay dilaw, mukhang mais pero,

Ang ganda niya, sobra.

"What are you looking at?" Mataray nitong tanong sa akin habang nakapamewang.

"E-EEHHH? Y-Yung lamok nag-transfoorrmmm?" Muntik ko na ihampas ang ulo ko sa pinto para lang magising ako sa kahibangan na ito.
"P-pa'no? Ha? Sino ka ba? Bakit ka nandito? A-ano—," Hindi ko na natapos ang aking tinatanong dahil dumiretso na siya sa kama ko at naupo.

"You're so nakakairita, you know?" Mataray nitong sabi sa 'kin habang inaayos ang sarili. "Ang daming tanong, pwede isa isa lang? Isa lang mouth ko, oh. Gosh."

Ang arte naman nito. Sino ba kasi 'to?

"E sino ka ba kasi?" May halong irita sa boses ko.

Tumayo siya sa kama ko at sinusuri suri ang kwarto ko.

"Infairness, ang linis ng kwarto mo. Most boys doesn't know hygiene." Sabi niya sa 'kin at biglang napako ang tingin niya sa istatwang fairy. "Ooohh, so you believe in us din pala?" Sabi nito sa 'kin habang hawak hawak na niya ang istatwa.

"H-huh? Pinagsasabi mo dyan? Fairy fairy, walang fairy dito. Lamok lang."

Inirapan nanaman niya ako. Tusukin ko mata nito e, joke.

"Tss. Pakain ko kaya sa 'yo 'yung lamok, puro ka lamok e hindi nga ako lamok! I'm a fairy nga, fairyyyy!" Sabi nito sa 'kin na animo'y nagdadabog at nagpapadyak pa ng paa.

"Ano ba 'yan, Aiken! Anong oras na ng gabi depungal ka, gising ka pa din! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka! Punyemas na bata 'to, oh." Tuloy tuloy na sigaw ni Tita Marites. Napakamot na lang ako ng ulo sa biglaan niyang pagsigaw.

Punyemas naman kasi 'tong lamok na 'to, ang ingay ingay.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ito, "Sshh! Ang ingay mo naman. Tsaka what do you mean na fairy ka? They're just a legend, anyway." Pabulong kong sabi dito habang kinukuha ang istatwang fairy, "Yes, I believed in them, when I was a kid, I will wish everyday just to see a fairy. But they're just a legend." Bumuntong hininga ako at nilapag ang istatwang fairy sa cabinet at tumingin sa kanya.

Nakatingin na ito ngayon sa akin na parang hindi pinapaniwalaan ang sinabi ko.

"What? Totoo naman ah." Kibit balikat kong sagot sa kanya at humiga sa kama. "E sino ka ba nga kasi?" Kulit kong tanong sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago ako sagutin, "Well, believe it or not, I'm a fairy. And I'm here to take care of you." She said to me, not leaving my eyes.

"Why?" I asked. Why me? Why on my 20th birthday? Why?

"Punishment." She said and stood up.

"Punishment? What do you mean by that?"

"Nothing! No more questions. Nakakairita ka kamo."

"Is your vocabulary limited to 'nakakairita'?" Nakita kong nag-usok ang ilong niya dahil sa sinabi ko, pft.

"What did you say?" Nakatingin na ito ng masama sa akin. I don't care.

"Hay, it's such a long day. Matutulog na ako, and if you're really a fairy at totoo ito," Tumingin ako sa kanya, "I'll expect you there in my study table tomorrow, just sitting." I said to her.

I probably won't see her tomorrow. This is all just a realistic dream.

"Pft, okay." Isang irap nanaman ang natanggap ko sa kanya.

Um-iling iling na lang ako at nag-buntong hininga.

Tinignan ko ulit siya, nakatitig lang siya sa bintana. She's..pretty. Very much. Sana ganon din ugali.

"Hey," I called her. Tumingin ito sa akin and giving me a what-do-you-want look. "I haven't asked for your name yet." I said while looking at her blue-purple eyes. Even if this is just a dream, I really like to know her name.

Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko, "Aurora. My name's Aurora." She said while fixing my blanket, "Now sleep. It's gonna be a good day tomorrow." She said then flicked her hand, I'm feeling a little sleepy now.

"Aurora," Sabi ko sa kanya at bago ako nakatulog ay nakita ko siyang ngumiti sa akin at sinabing,

"I'm back."

—————

:p

Broken PromisesWhere stories live. Discover now