F12

28 1 0
                                    

Aiken

"Alam mo, Clara's really weird today. Dati, lilimang salita lang ang nasasabi niya sa akin tapos hindi na siya utal utal makipag-usap sa akin ngayon, ang weird lang. Ikaw ba? Ano masasabi mo kay Clara?" Tanong ko kay Aurora, ang weird lang talaga kasi, "Pero 'di ko alam kung may naiintindihan ka ba sa sinasabi ko pero alam mo na 'yun. So, ano nga?" Tumingin ako sa balikat ko, inaasahan kong nakatingin sa akin si Aurora ng nagtataka, pero...wala siya. Wala! Wala siya sa balikat ko.

Nandito na ako ngayon sa kanto namin pero nasan si Aurora!? Kasama ko naman siya kanina simula nang lumabas kami ng Mcdo. Nasa balikat ko pa siya non, e!

Putangina Aurora nasan kaaa?!

Hindi na ako umuwi at dumiretso sa Mcdo, nagaakalang baka nandoon siya. Kahit imposible, takbo lang ako ng takbo papuntang Mcdo.

Tangina Aurora, nasan ka? Pwede ka naman magsabi sa 'kin, e. 'Wag naman ganto.

Nakarating na ako sa Mcdo, nagtingin tingin ako sa unang palapag pero wala ito rito. Tumingin ako sa counter, sa mga upuan, pero wala.

Pinapakalma ko ang sarili ko at umakyat sa pangalawang palapag. Inaasahang may sasalubong sa akin na mataray na Aurora, pero wala! Pumunta ako sa may palaruan, tinignan ko ulit ang bawat upuan ngunit walang akong nakitang Aurora.

Nagtatakbo akong lumalabas ng Mcdo, putangina. Nasabunutan ko na ang sarili ko sa inis, bakit ba kasi napaka-kampante ko, "Putangina Aurora, nasan ka ba?" I'm losing my mind.

Tumakbo nanaman ako ng tumakbo papuntang school. Lahat pupuntahan ko tangina Aurora, mahanap lang kita.

"Tabi!" Hinahawi ko na lahat ng nasa harap ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Aurora, please, wherever you are, please be safe. I can't lose you.

Nang makarating ako sa school, linga dito linga doon. Wala siya sa quad, kaya napagdesisyunan kong pumunta sa room namin.

Nang pagkarating ko dito, nadatnan ko lang si Clara nakaupo at bumubulong sa sarili. Napansin niya ata agad ako at biglang lumingon sa direksyon ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin, "A-Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Hindi ko muna iyon pinansin at tinignan ang kabuuan ng room. Pumasok ako at tinignan ang bawat sulok...wala. Walang Aurora.

"Anong hinahanap mo? May nakalimutan ka ba? Pawis na pawis ka na, oh," Sabi nito sa akin at hinawakan ang balikat ko. Nang dahil sa frustration ko na hindi ko mahanap si Aurora, natulak ko siya, "Tabi,"

Wala muna akong pake sa inyo, tangina, nasan 'yung Aurora ko? Nasan ka na ba, Aurora? Bakit ka umalis?

Nanlumo ako at sinisisi ang sarili. Kung 'di ko lang sana inalis ang paningin ko sa kanya, kung 'di lang natuon ang atensyon ko kay Clara, hindi mangyayari 'to.

Napatingala ako sa langit, nagkukulay gray na ang mga ito, "Aurora, be safe," At pagkapikit ko, naramdaman ko na lang na may tumulong luha mula sa mata ko.

Grabe na epekto mo sa akin Aurora, hindi ko na kaya ng wala ka.

"It's too early to give up, may isa pa akong lugar na hindi napupuntahan," Pagkasabi ko non ay tumayo na ako at sakto namang bumuhos ang ulan.

Wala akong dalang payong pero 'di pa ako makakauwi hangga't 'di ko pa nahahanap si Aurora. Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama.

Tumakbo ako papunta sa Seafront, sana nandon ka na, Aurora. Kundi 'di ko na alam ang gagawin ko at saang lupalop kita ng mundo hahanapin.

Patuloy lang ang pagbuhos ng ulan kasabay nito ang pagbuhos ng luha ko. Kahit anong pigil ko, tuloy tuloy pa rin. Ang hirap tuloy makita ang dinadaanan ko pero pinapatay ako ng lungkot at pagka-ulila kay Aurora.

I've never longed to see her this much. Gustong-gusto na kita makita. Please, Aurora, magpakita ka na. 

Nakarating ako sa Seafront, walang ni isang tao man lang ang nandito. Fuck.

Nagtatakbo ako sa may Seafront, "Auroraaaa!! Where the hell are you? Auroraaaaaa," Calling her out, hoping she'll answer in a lousy tone and hit my head again for being noisy...

But no. No Aurora showed up.

Fuck, where are you? I can't stop my tears anymore. Tuloy tuloy nanaman silang dumadaloy sa pisngi ko.

Nakaupo na lang ako dito habang ang ulo ay nakasiksik sa tuhod ko. Ayoko na Aurora, please. Magpakita ka na, please.

'Di ko kayang umuwi ng bahay na walang nadadatnan na Aurora sa kwarto ko. Masakit, mahirap. Tangina, ayoko ng ganto.

Bakit niya ako iniwan bigla? Tangina, nababaliw naman ako Aurora, e. Bakit mo ba ginagawa 'to?

Isang oras ata akong nakaupo lang doon at hinihintay na maubos ang luha ko..hinihintay rin na sana dumating si Aurora.

Pero wala, hanggang tumila ang ulan ay walang Aurora na dumating.

Tumayo ako at nagpagpag. Gustuhin ko mang umuwi ng kasama ka pero 'di ko na alam san kita mahahanap.

Nanlulumo akong naglalakad pauwi sa amin. Nagtataka bakit bigla na lang akong iniwan ni Aurora. May pinuntahan ba? Kung gayon, sa'n naman? 'Di naman kami lagi lumalabas kaya nakakapagtaka naman.

Nang makarating ako sa kanto namin, napansin kong wala na naman ulit ang kotseng sumusunod sa 'kin dati. Nagtataka man pero pinagkibit balikat ko na lang ito dahil si Aurora pa din ang nasa isip ko.

Naramdaman ko nanamang basa ang pisngi ko, tangina, kailan ka ba mauubos?

Lumuluha akong umuwi at laking pasasalamat ko nang wala sila Yesha. Paniguradong uusisain lang ako ng mga 'yon kung bakit ganto ang itsura ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko at hinagis ang sarili sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to, sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi tangina bakit ko pinabayaan ng ganon si Aurora. Putangina ko talaga, sabi ko sa kanya iingatan ko siya palagi, e.

Please Aurora, please be safe. 'Di ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa 'yo.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now