Chapter 2

28.9K 831 255
                                    

Umangat baba ang aking dibdib habang tinitingnan ang profile niya sa cellphone ko pagkatapos kong pindutin ang "follow".

Buong oras na kasama ko ang mga kaibigan kahapon ay wala ako sa sarili. Okupado ako sa nagawang pagkakamali.

What happened yesterday was a disaster. I realized that I shouldn't have gotten into someone social media account.

Ano na lang ang iisipin niya ngayon? Na ang landi-landi ko sa kanya tapos makikita niya sa isang story ng lalaki ang maganda at medyo may kakapalan kong pagmumukha?

He must have misinterpreted it for sure!

Siyempre, sino ba naman ang hindi?

At sa dami ng salita sa diksyunaryo, "girlfriend" pa talaga ang napili kong i-caption.

Itinapon ko ang cellphone sa kama at inihilamos ang dalawang kamay sa mukha. Kahit masakit ang ulo dahil sa hangover ay pinilit ko ang sariling bumangon sa kama para maligo.

A white rib-knit crop top, jeans and white sneakers made my look today. I only blow-dried my straight hair and let it down reaching my waist.

Katulad kahapon ay mag-isa kong nilakad ang mga papeles ko para sa enrollment. By midday I'm officially enrolled. I'm a college student now. Tipid akong napangiti habang hawak-hawak ang papel na may tatak "enrolled".

Iniisip ko pa lang ang mangyayari sa pasukan ay kinakabahan na ako ng lubos. What makes me nervous is the fear of being alone. Ayokong mag-isa pero ayoko ring makipagkaibigan. O baka ayoko lang mapunta sa sitwasyon  kung saan napapaligiran ako ng iba't ibang grupo ng magkakaibigan habang mag-isa ako. That feeling sucks.

And I'd got to experience that feeling when I decided to take my lunch at the cafeteria alone. Kaagad akong napalibutan ng iba't ibang grupo ng magkakaibigan na masaya at maingay na nagkukuwentuhan. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit hindi ko inaya si Step, France at Harvey na rito kumain.

Humugot ako nang malalim na hininga at nag-desisyong puntahan na lang ang tatlo kahit nasa kabilang ibayo pa ng unibersidad ang College of Engineering. Tumalikod ako at handa na sa pag-alis nang isang grupo ng mga kalalakihan ang bumulabog sa buong kapiterya nang pumasok sila.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ace sa grupo. In his black tank top, faded jeans and converse shoes, he dominated the cafeteria as he sauntered into the lunch counter.

May kung anong tumulak sa'kin para lumapit din sa lunch counter. May iilang babae rin ang tumayo at katulad ko ay kumuha rin ng tray.

Umangat ang kilay ko nang may mapagtanto. Dahil sa naisip ay bumilis ang lakad ko dahilan ng pagkakabunggo ko kay Ace. Siya ang huli sa pila.

"Hi!" I beamed.

He only gave me a quick side-eye at kaagad ding ibinalik ang tingin sa harap.

"Grabe. Ang sungit talaga." biro ko na hindi niya pinansin. Hindi ko makausap kaya tinitigan ko na lang.

"Quit staring." masungit niyang saad matapos ang tatlumpong segundo kong paninitig sa kanya.

"Ayaw mo 'kong kausapin kaya hayaan mo na akong titigan ka."

Hindi ko napansin na napalakas pala ang pagkakasabi ko no'n kung kaya narinig iyon ng mga kasama niya na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

"So straightforward. I like you. Kai." pakilala ng lalaki na pinakamatangkad sa kanila. Mabilis kong tinanggap ang kamay niya sa harap ni Ace.

I smiled at Kai. "Rain."

"Nice name."

"I'm nice too." hirit ko na ikinatawa nila. Maliban kay Ace siyempre.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon