Chapter 3

26.3K 763 28
                                    

Sumapit ang araw ng linggo at bukas na ang simula ng pasukan. Miko and I decided to go to church today to attend the Sunday mass. We prayed for good grades this school year, and of course, to thank Him for His countless blessings and guidance.

Pagkatapos ng komunyon ay lumabas na ako ng simbahan. Hindi ko kaya ang init sa loob at ang kulit pa ng katabi kong bata. And to add that I really hate kids kaya mas lalo lang iyong dumagdag sa iritasyon na nararamdaman dahil sa mainit na panahon.

Nang makalabas sa loob ng simbahan ay pinaypayan ko ang sarili gamit ang puting panyo na dala. Habang abala sa pagpapaypay ay nakuha ng isang batang babae ang atensyon ko. Pero hindi iyon ang lubos na kumuha sa atensyon ko kundi sa kung sino ang kasama niya.

I narrowed my eyes to check if I'm seeing it right. Baka hallucination ko lang dahil sa sobrang pag-iisip ko sa kanya nitong mga nakaraang araw.

But no. It's really him. And damn. I miss him already.

Walang pag-aalangan akong lumapit sa kanila sa tapat ng ice cream stall.

"Hi." bati ko sa kanya nang makalapit sa kanila. I waved at the little girl when our eyes met.

"Kapatid mo?" tanong ko kahit halata naman. May kaunting resemblance sa kanya e.

"Anak ko."

I dropped my handkerchief to the ground as my bright smile is slowly fading.

"Seryoso?" Nakaawang ang labing tiningnan ko siya ng direkta sa mata. Pilit na hinahanap sa kanyang mga mata kung nagsisinungaling ba siya. Naputol lang ang aming titigan nang magsalita ang batang kasama niya.

"Kuya." Hinihila-hila nito ang laylayan ng kanyang damit habang itinuturo ang ice cream vendor sa harap.

Tiningnan ko nang masama si Ace pero ang huli ay ngumisi lang.

"That was not a good joke, Ace. Kinabahan ako roon ha." ani ko, ang kamay ay nasa dibdib.

"Now you know how does it feel to be fed with lies."

Mabilis naman akong na-guilty nang pinaalala niya ang kasinungalingang ginawa ko.

"Sorry. Harmless joke lang naman 'yong message ko."

"Matanda ka na. You should learn how to differentiate jokes from lies."

"Edi harmless lie." I rephrased my sentence.

"Harmless lie my ass. Every lie is meant to harm people." sermon niya na mas ikinabusangot ng mukha ko.

"Oo na, panalo ka na." tanging nasabi ko na lamang. "Ano ba 'yan. Hindi pa nga tayo, inaaway mo na ako." bulong ko sa sarili saka itinuon ang tingin sa kanyang kapatid.

"What's your name, baby?" I asked as I knelt down to the ground.

Ace called my name and I battled with myself not to look at him. Mabuti sana kung kakausapin na niya ako nang maayos. Alam ko naman na 'di pa siya tapos pangaralan ako kaya itinuon ko na lang ang buong atensyon sa kanyang kapatid.

"Zoe." the little girl answered. "Yours?"

"I'm Rain." I said and we did a handshake.

"Rain?" She asked, puzzled.

"Rain like the nursery rhyme we usually sing at school when there's a rain?"

"What nursery rhyme?" I curiously asked.

"The rain, rain go away. Come again another day. Little children want to play. Rain, rain go away." Zoe sang.

I heard a chuckle from Ace but I didn't bother to look at him.

"Raniyah will do. Just call me Ate Raniyah." sabi ko at tumayo na. Pinagpagan ko ang tuhod ko at nahuli kong nakatingin doon si Ace, kunot ang noo.

"Bud!"

I turned to see Miko coming out from the cathedral. Umangat ang kilay ko habang tinitingnan ang papalapit niyang pigura. He rarely calls me bud dahil corny raw. Kaya nakakapagtaka kung bakit niya ako tinatawag na bud ngayon.

Ibinalik ko ang tingin sa magkapatid na parehong nakatingin sa akin.

"Baby, Ate Raniyah will go na. Stop your Kuya from nagging me and tell him to like me back instead. Okay?" bulong ko kay Zoe na mukhang narinig din ni Ace.

"But Kuya already heard it." ani ni Zoe kaya lumingon ako kay Ace. I caught him pursing his lips. Katulad ng isang nakakahawang sakit, nahawaan agad ako nang pagpipigil niya ng ngiti.

Bumagsak ang tingin ko kay Zoe.

"Your kuya easily forgets things. Can you be his living reminder?" tanong ko kay Zoe at sinulyapan si Ace na ngayon ay nakaangat na ang isang kilay sa'kin.

"What will I remind him, then?"

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon