Chapter 32

26K 583 39
                                    

"Fiona." Tawag ko sa sekretarya habang abala ako sa pagpirma ng mga papeles sa mesa ko.

Mabilis itong tumayo sa kanyang desk at lumapit sa mesa ko. "Yes, Miss?"

"Si..." Huminto ako sa pagpipirma at inisip nang mabuti ang mga sunod na sasabihin.

"Did you check the site?" I changed my question instead.

"Yes Ma'am. Engineer Claverio is supervising the whole operation well."

I nodded my head.

"The..." I paused from talking and looked at my secretary. Her expression was neutral. I guess she wouldn't notice if I ask.

"How about the Architect Team?" I tried to sound normal hiding what I truly felt.

"Nandoon po si Achitect Almendarez."

I arched my brow. "Siya lang?"

"And others."

"Kindly enumerate."

Nang matapos bigkasin ni Fiona ang mga pangalan ng arkitekto maliban sa kanya ay kumunot ang noo ko.

"Si Architect Alvarez?" Hindi ko na mapigilang maitanong.

"Wala po, Miss. He hasn't reported yet the past three days."

Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang sinabi ni Fiona.

Calm down, Rain. He's probably busy with other projects. Hindi ba't ikaw na rin ang bumawi sa sinabi mo? Na puwede na siyang humawak ng ibang proyekto kaya malamang ay iyon ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Sumandal ako sa aking swivel chair nang makaalis si Fiona.

My phone buzzed. Kinuha ko ito at dito napunta ang aking atensyon.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Alric. Mukhang pinagtitripan na naman ako ng isang ito. I quickly replied to his texts na mabilis ko ring pinagsisihan. Ang iritasyon na nararamdaman ko kanina ay naging triple pa habang katext ko siya.

Alric: Tol, deliver ko na ha.

Rain: Sinadyang wrong sent ka.

Alric: Hindi, limang cake nakaready na. Deliver ko na ha.

Rain: Hindi ako um-order.

Alric: Alam ko. Sapilitan na 'to hahaha.

Alric: Paano? Hatid ko na riyan ha.

Rain: Modus!

Rain: Budol!

Alric: Papunta na. Cash kailangan ko ha. 2,500 per box.

Alric: 12,500 total. Kinalkyulit ko na. Bobo ka pa naman sa Math.

Alric: Ps, 12 blue bills, 1 gold bill. Ayoko ng barya. Reason: magagastos ko.

Alric: Pps, Pare bayaran mo na rin 'yong pang-gas ko. Bale 500 na lang so I expect 13 blue bills ha?

Alric: I love you.

I dropped my phone on my table and massaged my temple. Huminga ako ng malalim saka kumuha sa wallet ng 13,000 at bumaba na ng gusali.

Ayon sa huling text niya ay nasa parking area na siya kaya doon ako dumiretso. Kumunot ang noo ko nang si Raven ang maabutan ko. Kakababa niya lang ng sasakyan at naka-uniporme pa siya.

"Ry?" I asked.

He looked at me before getting five boxes of cake inside his car?

"Ikaw inutusan ni Alric?" tanong ko sa kanya at kukunin na sana ang boxes sa kanya nang ilayo niya ang mga 'yon sa'kin.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon