"Where do you want to go?" Ace asked as he swiftly rotated the steering wheel. We're inside his pickup. Ito ang dala niya ngayon at hindi ang magara niyang kotse.
After he saw me crying, hinayaan niya lang ako hanggang sa matapos akong umiyak. He didn't ask what or why. Mabuti nga iyon para hindi ko masabi sa kanya kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Dahil kapag tinanong niya, paniguradong masasabi ko. And I feel glad that he didn't. He only asked me what I want instead.
We're still in our uniform. Ang akin ay gusot-gusot na dahil sa ginawa ko ngayong araw. Ang puting long sleeves naman niya ay naka-rolyo na hanggang siko kaya kitang-kita ko ang iilang ugat sa braso niya habang nagmamaneho siya.
I sniffed and rumpled my nose before I answered what came first in mind.
"El Estancia." I almost whispered. "Gusto kong pumunta ro'n."
Nilingon ko siya. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa harap. Mukhang hindi pamilyar o ngayon pa lang narinig ang lugar na sinabi ko. Bumaling ako sa labas at kinagat ang pang-ibabang labi. Akala ko ay magtatanong siya kung saan ang lugar na iyon pero hindi.
"Let's go there, then." tanging sabi niya na lamang at mabilis na kinuha ang cellphone. He used it for a while before he placed it back to the holder.
Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ang sinabi niya. But when I saw how serious he is, that we would go to El Estancia, gusto kong matawa. Gusto ko siyang tanungin kung alam ba niya kung saan ang lugar na 'yon.
We stopped by on a gas station. Pagkatapos ay huminto rin kami sa isang convenience store. He unbuckled his seatbelt and looked at me.
"You want something? Anything you want to eat?"
"Ikaw ang bahala." sagot ko. Tumango lang siya saka lumabas ng kotse at pumasok sa convenience store.
Lumipat ang tingin ko sa cellphone niya na iniwan niya rito sa loob ng kotse. I took a glance from the screen of his phone. He's browsing. Mabilis kong tiningnan sa search bar kung ano ang hinahanap niya.
Napangiti ako nang makitang El Estancia ang nakasulat doon. Maraming results ang lumabas pero walang specific na location kung nasaan.
Ace. You are really doing great.
Hindi ko alam kung ilang minuto kong pinipigilan ang sarili na matawa dahil sa pagiging uto-uto niya. I should advise him to read books para naman malaman niya kung kailan ko siya inuuto sa hindi. I was thinking of lending him my books nang bumukas ang pinto sa driver seat.
May dala na siyang dalawang brown paper bag na umaapaw ang laman sa sobrang dami ng pinamili niya. Umangat ang kilay ko nang makitang puro junk food ang laman no'n. Ayaw nga niya akong payagan bumili ng kahit prawn crackers sa mga food stall kahit anong pilit ko.
"I'll let you eat those because you're upset today." sabi niya nang makita ang pagtataka sa mukha ko.
Umirap ako. Kapag umiiyak lang, pinagbibigyan. Anong akala niya sa'kin? Bata?
I snatched the paper bag from him. His lips rose with my impulse movement. I rummaged the inside of the paper bag to find something to eat. Binuksan ko ang malaking chips at iyon ang nilantakan habang siya ay nagmamaneho. Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang kahit anong inumin maliban sa tubig. Kahit man lang soda ay wala. He's really good in keeping things balance.
I felt a little lighter when I started to eat. Food can really switch your moods.
"Dadalhin mo talaga ako sa El Estancia?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong panaka-naka siyang sumusulyap sa kanyang cellphone.
"Yeah." sagot niya nang hindi ako nililingon. He sounded so sure that he would bring me there. "You can sleep. It's gonna be a long drive."
I get excited with that. Saan naman niya kaya ako dadalhin?
Hindi ko alam kung ilang oras ang naging biyahe namin dahil nakatulugan ko na ito. Nakahinto na ang sasakyan nang magising ako. Wala na rin sa driver seat si Ace kaya mabilis akong bumaba ng kotse para hanapin siya.
Mabilis ko ring pinagsisihan na bumaba ako dahil isang malakas at malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin pagkababa. Pumasok sa loob ng manipis kong dress shirt ang hangin kaya nanginginig ako sa lamig habang yakap-yakap ang sarili.
Hindi pa rumerehistro sa utak ko kung nasaan ako at kung bakit ako nandito dahil sa lamig na nararamdaman. Along with the sound of the cold wind is the waves crashing on the shore far below. Saka ko lang napagtanto na nasa mataas na bahagi kami at mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang malawak na karagatan sa harap. Kahit madilim dahil gabi na ay sapat pa rin ang mga ilaw sa nakahilerang poste para makita ang paligid.
This is how I view El Estancia in mind. How...
"It's freaking cold here. Bakit ka lumabas?" Ace asked as he covered my body with his. Nakapatong din sa katawan niya ang isang furry blanket kaya kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko para sa kanya.
I couldn't bare him, covering my body against the cold at siya ang sumasalo ng lahat ng lamig para sa aming dalawa. Mabilis na nawala ang ginaw na nararamdaman ko dahil sa init ng yakap na hatid niya sa akin.
His hands were placed over my chest holding the edges of the blanket. I'm nervous that he would feel the rapid throb of my heart. All because of him.
I sniffed because of the cold. I smiled when I feel his embrace tightened.
"This is El Estancia." I stated as I wandered my eyes around.
"Yeah. Welcome to El Estancia." he said behind and placed his chin on the top of my head. "You'd see a better view if we've gone here in daylight though."
"It's fine. Sa imahinasyon ko lang nakikita ang lugar na 'to e. So thank you for bringing me here." I sincerely said and looked up to meet his eyes.
"You're welcome." he politely said and avoided my gaze. Mukhang hindi komportable sa distansya mayroon kami.
"When did you know that El Estancia is only an imaginary place?" tanong ko.
I never heard him say na hindi totoo ang El Estancia at niloloko ko lang siya. Instead, he brought me to a place that would resemble El Estancia.
"Right after you said the place. I already knew about El Estancia when I searched your..." he paused then chuckled. "Five imaginary exes." he said and we both laughed because of that.
"And you knew all along that El Estancia isn't real." I pointed out.
"Yes."
"Bakit hinanap mo pa rin kahit alam mo namang hindi totoo?" kuryuso kong tanong.
"Because you want to go there and I want to bring you there." he answered that made me wobble a bit. I need support. Baka hindi ko na makayanan ang pinagsasabi ng lalaking ito at mahulog na ako ng tuluyan sa kanya.
Tiningnan ko ang malawak na karagatan sa aming harapan. Nagkikislapan ang mga ilaw galing sa iba't ibang bangka at barko na malayang naglalayag kaya parang alitaptap ang mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyang-pandagat.
"Thank you." I sighed looking at the view in front of us.
"There's a plant near here, mansion and hotels." sabi niya na ikinagitla ko. Pati iyon ay alam niya? Ilang oras ba ang inilaan niya para mag-research?
"I also heard that the protagonists rode horses. There's also a ranch˗"
Umalis ako mula sa pagkakayakap sa kaniya upang harapin siya kaya tumigil din siya sa pagsasalita.
"Did you read the series?" I accusingly asked. Kahit madilim ay kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya. Natatawa na rin sa pag-a-akusa ko sa kanya.
"I didn't. Just read the book reviews and got spoiled with their long reviews." he explained.
Well, that's believable. Humalikipkip ako at bumalik sa pagkakasandal sa kanyang likuran. Mabilis naman niyang niyakap ang kanyang braso sa'kin kasama ang blanket na hawak niya.
I don't want to see his teasing look. Parang bigla akong nahiya sa pagiging assumera ko. Grabe naman kasi ang iniisip ko na babasahin niya ang buong series dahil lang sa akin.
Nakakahiya ka, Raniyah.
"You think I'd have gone that far just to satisfy your whims, huh?" he teased.
I rolled my eyes. "Shut up." masungit kong sabi na ikinatawa niya.
"Seems like the table was turned now. How does it feel to be teased, Raniyah? Hm?" he asked while sniffing my hair.
I pushed him lightly. "Ang landi mo rin e 'no?" I asked and he laughed.
Mukhang dumadami na tawa niya a? That's nice. I smiled with that thought.
"Nagpapalandi ka rin naman." balik niya na ikinailing ko lang."Don't worry. If I have time to read the entire series, I would have read it in a heartbeat." sabi niya na ikinabaliktad ng tiyan ko.
Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. "Kailan ka ba titigil sa pagpapakilig sa'kin? Kapag namatay na ako sa kilig ha?" asik ko sa kanya habang pinipilit pa rin siyang saktan gamit ang siko.
"That's not my intention." he said trying to stop himself from bursting into laughter.
"Balak mo yata akong overdose-in ngayon eh." sabi ko at pilit pa rin siyang sinisiko habang siya ay iniiwasan ito.
"Hindi na." he said in defeat while panting. Mukhang hinihingal na sa kakaiwas ng siko ko at sa kakatawa. "Bukas ulit." he added.
Ewan ko sa'yo Ace Alvarez.
Nang mangawit ako sa kakatayo ay inaya ko siyang umupo sa likod ng kanyang pick up. Hindi ko napansin na bumili siya ng takeouts kanina. Akala ko ay puro junk foods lang ang binili niya. Iyon ang kinain namin habang tinitingnan ang view sa harap.
"Balik ulit tayo rito." I suggested.
"Sure." he shortly answered, abala sa pag-kain e. Mukhang napagod sa kakaasar sa akin.
"Favorite place ko na 'to." sabi ko habang sinusuyod ng mga mata ang madilim na paligid.
"Because your favorite person is here?" he glanced at me. Tumawa ako saka tumango. Marahil ay ganoon nga na sa bawat lugar na pupuntahan ko kasama siya ay nagiging paborito ko.
"I wanna build my house here." I murmured to the wind.
Mabilis akong nabusog dahil siguro sa mga junk food na kinain ko kanina. I looked at him intently. Never knew that my entire week would be this happy because of that one night I spent with him.
Last period ko na para sa araw na ito pero wala sa lecture ng propesor ang atensyon ko kundi sa cellphone. Tuwing tatalikod siya at may isinusulat sa blackboard ay mabilis kong kinukuha ang cellphone sa gilid para tingnan ang mensahe ni Ace.
I sent him a picture of my professor's back. Hindi nagtagal ay tumawa na rin ako nang magpadala siya sa'kin ng ganoon ding larawan. Nasa klase rin siya. Ang isipin na pareho kaming hindi nakikinig sa klase namin ay ikinakilig ko.Ace: Pay attention to your class.
Rain: Gawin mo muna kaya yang sinasabi mo.
Ace: Stop texting then.
I bit my bottom lip to stop myself from laughing. Walang isip-isip akong nagtipa ng mensahe.
Rain: I love you.
I laughed inwardly as I imagine his reaction. He's already typing so I typed in a message as well. That was a half meant and half joke confession.
So I quickly type "ay sorry napindot" and was about to hit the button send when I read his reply.
Ace: I love you too.
BINABASA MO ANG
When Rain Falls (Friend Series #1)
RomanceStatus: Completed Rain, a sucker for romance stories was content to read someone else's love stories. Truth is, she wasn't planning on falling for anyone other than her favorite fictional characters. But when she met Ace Alvarez, she just found hers...