"Stop it!" Inis kong sigaw kay Ace nang makapasok kami sa sasakyan. He kept on poking my sides teasing me but I'm not happy with it!
"Why?" Natatawa niyang tanong. I jumped from my seat when he squeezed my waist.
Sinamaan ko siya ng tingin. He wrinkled his nose at me. Kahit cute siya roon ay hindi ako madadala 'no! Kaya humalakhak siya nang irapan ko lang siya.
"Aren't you happy?" He taunted.
Umirap ako sa kanyang tanong.
Sino ba naman ang matutuwa sa naabutan ko sa bookstore? Wala pa sana akong balak umalis do'n kung hindi ko lang nakita ang Recca na iyon.
"Raniyah!"
Umirap ako nang makitang papalapit agad siya sa'kin. Julian is already tailing her. Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga libro hanggang sa maramdaman ko sila sa gilid ko.
"Why so snob?"
I looked at her daggers.
"Sabihin mo muna sa anak mo na layuan ang anak ko." Inis kong ani at nagbuklat ng libro para roon ituon ang inis na nararamdaman sa kausap.
Mariin akong napapikit nang maalala ko na naman ang naabutan ko kahapon habang sinusundo ang anak ko sa eskuwelahan niya. I caught a boy classmate of Aesthrielle tucking a strand of her hair against her ear!
Imagine my horror when a seven year old boy is doing that stunt to my daughter! I wouldn't be this furious kung hindi ko kilala ang batang lalaking iyon. E anak iyon ng Rebecca na ito!
Mas lalo lamang akong nairita nang nginisian lamang ako ni Recca.
"You sounded like an evil mother sa mga nababasa ko. Iyong ina na tutol sa pagmamahalan ng dalawa-"
I cursed her. Sa halip na magalit ay tumawa lang siya. This bitch. Mas lalo lamang akong nainis nang mahuling may ibinulong pa si Julian sa kanya na ikinatawa niya lalo.
"What's happening?" Ace appeared beside me. He immediately wrapped his arm around my waist. Ngumisi ang dalawa nang mahuli ang ginawa ni Ace.
Julian narrated in detail why we're in a quarrel. Mas lalo ko lamang ikinainis na imbes na damayan ako ni Ace ay sumama pa siya sa pang-aasar sa'kin. Nakakainis!
"Do you like that kid for our daughter?!" Sigaw ko nang patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa'kin hanggang dito sa loob ng kotse.
"Aesthrielle is only six years old. Jesus." Namamangha niyang saad habang nakatingin sa'kin.
"O e bakit sumasama ka sa pang-aasar nila sa'kin?"
"Because I like seeing you like that." Turo niya sa nakasimangot kong mukha.
I sighed as I pushed my lips outward mindlessly. I glanced at him when I heard him mutter curses.
"Stop pouting." Saad niya at binuhay na ang makina ng sasakyan.
I watch him drive us home.
Home.
Finally, I'm going home to my favorite place with my favorite person.
Pagkatapos naming maipanalo ang kaso ay doon na kami umuuwi. And I mean regularly. Aesthrielle and I are living in our dream house with her father. I couldn't be happier with what's happening to my life now.
BINABASA MO ANG
When Rain Falls (Friend Series #1)
RomanceStatus: Completed Rain, a sucker for romance stories was content to read someone else's love stories. Truth is, she wasn't planning on falling for anyone other than her favorite fictional characters. But when she met Ace Alvarez, she just found hers...