Chapter 12

21K 616 15
                                    

Tatlong araw na ang lumipas nang mabasa ko ang article tungkol kay Mommy sa pagiging shareholder niya ng unibersidad pero hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin iyon.

"Baka walang mapaglagyan ng pera niyo kaya naisipan maging shareholder ng St. Joseph." sabi sa'kin ni Harvey kahapon noong papunta kami sa racetrack.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan.

"I don't think so. Mom is meticulous in handling money. She wouldn't just invest her money without gaining something big." sabi ko sa kanya.

"That's how you do business." Saad niya na nagtagal sa isipan ko.

Business. May balak ba siyang maging businesswoman? Bakit?

Umiling-iling ako para iwaksi sa isipan ang ideyang iyon. Hindi naman ako nabigo roon nang makita si Ace.

Napangiti ako nang makita siyang nakatayo sa tapat ng simbahan hawak-hawak si Zoe sa kanang kamay. He's wearing a dark blue button-down shirt and jeans. Kahit malayo pa lang ako sa kanya ay parang naaamoy ko na agad ang perfume niya.

We decided to go to church on our first date like what we have planned, kasama si Zoe at Miko. And speaking of my brother... nawala kaagad ang ngiti ko nang marinig ang reklamo niya sa aking likuran.

He's annoyed dahil late na kami sa misa. Dumaan pa kasi kami sa mall at nagtagal ako ng 30 minutes sa loob ng isang shop na pinasukan ko. Hindi ko rin naman kasi alam na ang hirap pa lang pumili ng regalo para sa kapatid ng boyfriend kaya natagalan ako.

I bought Zoe a necklace. I ended up buying a necklace with an ice cream pendant. It's cute and elegant at the same time. Sana ay magustuhan niya para worth it na rin ang galit ng kapatid ko sa'kin.

"Sorry. Late." Hingi ko ng paumanhin nang makalapit ako sa kanila.

Kumaway ako kay Zoe saka ibinalik ang tingin kay Ace nang imbitahan na niya kaming pumasok sa loob. Tumingin siya saglit sa aking likuran at mabilis na tinanguan si Miko.

Mabilis akong sumunod sa kanya nang magsimula na siyang maglakad papasok sa simbahan, karga-karga si Zoe sa kanyang mga bisig. 

"That's Ace?" Miko whispered at me.

"Kuya for you." I reminded him.

Habang naglalakad kami sa aisle ay pumailanlang ang isang mabining himig na ikinatigil ko.

"Amazing grace... How sweet the sound... That saved a wretch like me..."

I'm sure my hair on my skin and nape rose upon hearing a heavenly voice. My body shivers when her voice resonated in the four walls of the church.

"I once was lost... but now am found..."

Kaagad kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon. My eyes nailed on the lady in white dress standing in front of the altar along with the other choir members behind her.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang babae. At kung hindi pa ako hinila ni Miko ay mananatili na lang akong nakatayo sa aisle at tulalang pagmamasdan ang babae sa harap. Ang ganda ng boses niya. Ang ganda niya. Pale skin, slender body, soothing voice...

"Kuya."

Bumagsak ang tingin ko kay Zoe nang marinig ang maliit niyang boses. He's pulling Ace's shirt. Ace crouched when Zoe tiptoed reaching for his ear. May ibinulong ito sa kanya na hindi rin nakatakas sa aking pandinig dahil magkatabi lang kami.

"Ate Mira is performing solo na." humagikhik si Zoe at excited na bumaling sa harap. Ace smiled at her and tousled her hair.

Kumunot ang noo ko. Hindi sa hindi ko naintindihan ang ibinulong ni Zoe kundi sa pagbigat bigla ng pakiramdam ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Ibig sabihin ay kilala rin ni Zoe si Mira?

Ace probably noticed my bothered look. Yumuko siya at inilapit ang labi sa kanang tenga ko para bumulong.

"Mira's mother and Mama are bestfriends that's why Zoe knows her. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya naging kaibigan ko na rin si Mira." Tukoy niya sa babaeng kanina ko pa pala tinitingnan kahit kanina pa natapos ang kanta at homily na ni Father ang umaalingawngaw sa loob ng simbahan.

Kaibigan.

Momentarily, I get stuck with that word. Kung kaibigan e maraming kaibigan si Ace.

Na babae?

Ngumuso ako na wala akong mahanap sa isip na may kaibigang babae si Ace. Wala rin naman akong nakikita na may kasama siyang babae maliban kay Zoe, sa Dean na Mama niya at sa'kin. Maging sa socmed niya na ilang beses ko nang in-stalk ay wala akong mahanap. Mailap sa babae si Ace kaya para may ipakilala siya sa'kin na kaibigan niyang babae ay malaking bagay iyon.

Ang pagtawag sa'kin ni Miko ang umahon sa'kin sa malalim kong pag-iisip kay Mira. Nakatingin si Miko sa damit ko kaya sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitingnan.

I puckered my lips when a sauce of steak stained my dress. Hindi naman ito halata dahil sa kulay ng damit ko.

Mabilis na humingi ng tissue si Ace sa waiter na dumaan sa mesa namin. Nang iabot sa kanya ay inilahad niya ito kay Miko na siyang katabi ko.

Tanghali na nang matapos ang misa kaya tumuloy na kami sa isang restaurant malapit sa simbahan para mananghalian.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon