Chapter 20

20.8K 485 24
                                    

I woke up with swollen eyes. I probably look ugly right now. Hindi ko na kailangang humarap pa sa salamin para malaman 'yon. Sapat na ang reaksyon ni Miko nang makita niya ang kalagayan ko para malaman kong ang panget-panget ko ngayon.

But I don't give a damn. Papangatawanan ko na ang magkulong sa loob ng kuwarto ko sa buong sembreak.

Yesterday was tiring. Kaya kailangan kong bumawi ngayong araw. Hindi na ako nag-abala pang lumabas sa kuwarto ko sa isiping nasa ibaba lang ang mga magulang ko. Makita ko pa lang sila ay napapagod na ako. I don't want to see their pretensions. Not right now.

I'm doing some screen shopping to busy myself when the door of my room opened. Umangat ang tingin ko saglit upang tingnan kung sino ito. Mabilis ko ring ibinalik sa iPad ang tingin nang makitang ang kapatid lang ito na may dala-dalang tray ng pagkain.

"Ang pangit mo talaga." he blatantly said as he pushed the door close with his foot.

I just raised my middle finger at him without leaving my eyes on the screen. Inilagay niya sa bedside table ang tray at mabilis na dumapa sa kama sa tabi ko.

"Eat." he ordered.

"Later." tugon ko nang hindi man lang inaalis ang tingin sa iPad. I heard him sigh. 'Di nagtagal ay naramdaman ko ang pagsilip niya sa aking iPad.

"Bibilhin mo?" tanong niya saka itinuro ang isang pambabaeng kuwintas na kanina ko pa sinusuri.

"Obviously." sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Ang dami mo nang kuwintas. Gastos ka!"

Umirap ako. "Hindi para sa'kin."

'Tsaka, problema nito? Pera niya gagamitin ko?

"Para kanino? Kay Ate Eve? Ate Tep?" pang-uusisa niya.

Dahil sa pagbanggit niya sa mga pangalan nila ay naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Sinusubukan kong huwag silang isipin pero ang magaling kong kapatid ay napakapanira.

"It's for Mira."

"Mira who?"

"Kaibigan ni Ace."

"Damn! And you really bought it!" namamangha niyang sabi habang tinuturo pa ang screen ng iPad ko na gulat na gulat nang pindutin ko ang icon na "buy".

"'Di puwede?" masungit kong tanong sa kanya.

"Well that costs a thousand pound. Not peso."

"Alam ko. Ano akala mo sa'kin? Bulag?"

"Grabe. 'Di ako makapaniwala. Binili mo talaga para sa Mira na 'yon na kaibigan lang ng boyfriend mo? Take note, hindi mo kaibigan ha. Close kayo no'n? Ako nga na kapatid mo 'di mo mabigyan ng isang libong piso!" himutok niya.

Binalewala ko ang mga reklamo niya. Itinabi ko ang iPad saka kinuha ang tray na dala ni Miko at nagsimulang kumain. Umalis na rin ang kapatid nang makitang kumakain na ako.

Gutom na gutom ako. Saka ko lang napagtanto na kahapon pa ako hindi kumakain dahil sa pagmumukmok ko. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo hanggang sa may kumatok.

Nagtagal ang tingin ko sa nakasarado kong pinto. Sigurado akong hindi ito si Miko dahil hindi iyon marunong kumatok. Ang isipin na baka si Mommy o 'di kaya ay si Daddy ito ay ikinakaba ko. I hope it's not them dahil wala ako sa mood umarte ngayon.

"Rain?"

Bumuntong-hininga ako nang marinig ang boses ni Manang. Bumaba ako sa kama para pagbuksan ito ng pinto.

"Manang." Bungad ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Nasa baba ang mga kaibigan mo hija." pagbibigay alam niya sa kanyang pakay na bahagyang ikinagulat ko.

"Po? Bakit daw po?"

Anong ginagawa nila rito? Lahat ba sila? Damn. I'm not ready yet to face them!

"Ikaw ang hanap hija. Pasensya na at hindi ko naitanong."

Pilit akong ngumiti sa kaharap. "Puwede pong pakisabi na tulog ako at bilin ko na huwag akong istorbohin ng kahit na sino?"

Manang didn't ask me further at sinunod na lamang ako. Hindi nagtagal ay rinig ko ang sunod-sunod na pag-alis ng mga sasakyan ng mga kaibigan ko. Wala ako sa sarili kaya hindi ko napansin ang pagdating ng mga sasakyan nila kanina. Hindi nagtagal nang makaalis ang mga kaibigan ko ay sumunod na rin ang kotse ni Mommy at Daddy paalis.

Umupo ako sa kama at bumuntong-hininga. Hindi pa ako handang harapin sila. Oo at galit ako sa kanila pero mas galit ako sa sarili. Gusto ko na lamang saktan ang sarili ko sa tuwing naaalala ko ang lahat ng mga sinabi ko sa kanila kahapon. Lalo na kay Step. That was just so below the belt.

Ayon sa nabasa ko, kapag galit ka, kumuha ka lang ng papel at ballpen. Sa halip na sabihin ang galit mo ay isulat mo. Keep it and when you're calmed saka mo lang balikan ang mga isinulat mo. I should believe her when she said na pagtatawanan lang daw namin ang mga isinulat namin.

Sana ay ganoon na lang ang ginawa ko para walang pagsisisi. Kagaya na lamang ng nararamdaman ko ngayon. Kasi iba pa rin kapag sinabi mo, kapag nanggaling mismo sa bibig mo and the receiving end of your anger heard it all. Hindi mo na mababawi kung ano ang sinabi mo.

I shouldn't have confronted them. I could have just avoided them dahil doon din naman ako magaling. Ang dami kong sinabi sa kanila kahapon na pinagsisihan ko na ngayon. France's right when he said that I am impulsive.

My phone buzzed. Mabilis kong tiningnan ang dahilan nito.

Ace: I'm outside.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mensahe ni Ace.

Rain: Outside?

Ace: Your room.

I almost throw my phone when I heard knocks.

Shit! He's really here? Mabilis kong tiningnan ang suot ko. Ni hindi pa nga ako naliligo. I smell like dirt, my hair's like a nest then my swollen eyes.

An image of Mira's perfection popped inside my head. There's no way in hell, he would see me like this!

"Raniyah." Pagtawag niya sa pangalan ko sunod ng pagkatok niya ng tatlong beses sa pinto ng kuwarto ko.

"Give me an hour!" I shouted and ran to the bathroom. I know one hour is too long but I can't just risk the chance, him seeing me like this.

After taking a bath, I wore a loose shirt and a short shorts. I applied concealer for my eyebags, powder and tint just to put some color on my dull face.

I opened the door panting. "Hey." I said and gave him a kiss.

"What did you do?" tanong niya, hindi pa rin gumagalaw kaya ako na ang humila sa kanya papasok sa aking silid at sinara ito, and locked it. I don't want Miko's barging inside my room when Ace's inside.

"Cleaning my room." palusot ko kahit na parang hindi man lang dinaanan ng paglilinis ang room ko.

"Uh-huh. More like you cleaned yourself." sabi niya na parang nahuli na ako sa aking pagsisinungaling.

Inilagay niya sa study table ko ang paper bag na may logo ng isang sikat na fast food saka lumapit sa'kin.

"Your hair's still dripping." puna niya sa buhok ko. "Where's your towel?" tanong niya pero siya na rin ang naghanap ng towel ko na nakasampay sa likod ng swivel chair ko.

I'm sitting on my swivel chair while Ace is standing in front of me drying my hair with my pink towel.

"Why are you here?" I asked when I remember that he should be with Mira today. He's helping her with the preps for her birthday.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkatigil niya sa pagpupunas ng buhok ko.

"Why? You don't want me here?"

Mabilis akong umiling. "Of course not. I'm glad that you're here. But today's Mira's time, right?" I said and looked up to meet his stares.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon