Mabilis kong tinakbo ang library matapos makatanggap ng mensaheng nandoon ang manliligaw ko. Humagikhik ako at tumatalon-talon habang pumapasok ako sa loob.
"Good afternoon Ma'am!" masigla kong bati sa librarian nang magtagal ang kanyang tingin sa'kin. I probably creeped her out with my wide smile.Inilibot ko ang tingin sa loob ng library at huminto sa favorite spot ni Ace. Lalo pang lumawak ang ngiti ko nang makita siya roon.
"Hi!" I beamed. Hahatak na sana ako ng upuan mula sa ibang mesa nang mapansing may nakalagay ng upuan sa tapat niya. Kagat-labing umupo ako roon."Salamat ha." bulong ko at 'di napigilan ang bumungisngis.
Umangat lang siya ng tingin sa akin saglit bago ibinalik sa ginagawa niya.
"Ano? Sawa ka na sa mukha ko?"Halos araw-araw na kasi kaming nagkikita. Sa lounge kapag kumakain kami ng lunch tapos dito sa silid-aklatan kapag pareho kaming bakante.
"Never." sagot niya nang 'di inaalis ang tingin sa drawing paper. Never raw pero hindi naman ako tinitingnan. Mas matagal pa ang tinging inilalagi niya sa kanyang plate kaysa sa akin kapag nandito kami sa loob ng library. Samantalang ako, walang nagagawa rito nang maayos. I was too distracted by him. With or without his presence, I am always distracted by him.
Kinuha ko sa likod ang isang bar ng chocolate. Inipit ko ito sa likod ng pencil skirt kong uniform para ipuslit dito sa loob. Bawal kumain sa loob ng library pero alam niyo 'yong masarap kapag bawal? It pushes me more to do it.
Inilagay ko sa ilalim ng mesa ang mga kamay ko at doon binuksan ang chocolate. Pumutol ako ng maliit na piraso ng tsokolate at mabilis na isinubo. Malapit na nga siyang matunaw kaya kailangan ay bilisan kong kumain.
Napansin ni Ace ang ginagawa ko kaya umangat siya ng tingin.
"What are you doing?" Mabilis kong ipinakita sa kanya ang chocolate. "That's forbidden." he said, a bit surprised seeing a chocolate in my hand.
"E sa nagugutom ako." I whispered.
"Eat outside." utos niya na ikinailing ko.
"Ayoko."
Hindi na niya ako pinilit pa na lumabas kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko.
"Gusto mo?" I asked and broke a piece of chocolate to give him some pero kaagad niyang tinanggihan. Ganunpaman, kinuha ko pa rin ang kamay niya at inilagay roon ang chocolate.
He looked at me. I avoided his gaze and put a portion of chocolate in my mouth instead. I bit the insides of my cheek when I saw him ate it. He even cocked his head to the side and covered his mouth with his hand before he put it in his mouth.
"Matamis 'di ba?"
"It's chocolate. Of course, it is sweet." suplado niyang sabi na ikinahagikhik ko lang.
"Of course, it would be sweeter kung sa'kin galing." hirit ko.
"Ha-ha."
Tumawa ako sa uri ng tawa niya. Pagkatapos no'n ay tumahimik na kami. Inilibot ko na lang ang tingin sa loob ng lib. Hindi nagtagal ay nagsalita ulit ako.
"Look, we could do more here forbidden than this."Bumagsak ang tingin kay Ace na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin.
"What?" I asked when I saw his deadly look. Mukhang hindi nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. I pointed at him when I realized what he's thinking. I know that look!
"What do you mean forbidden than this, Raniyah?" he asked.
"Wala ah. Ikaw 'tong may masamang iniisip diyan." I defended myself which made him think that I am really guilty. Iniisip ko lang naman na magdala pa ng maraming pagkain dito sa loob, mag-vandal sa mesa nila at mag-charge ng cellphone dahil bawal din dito mag-charge. Siya itong may maruming iniisip e.
"I know that tone of voice." he said accusingly.
"What tone?" I cluelessly asked.
"Quit being innocent."
"But I am!"
Inosente naman talaga ako. Siya lang itong may wild guess.
Hindi na siya nagsalita pa pero iyong tingin niya sa'kin, parang papatayin ako dahil sa sinabi ko. Sa huli ay pinilit ko na lang ang sarili na sagutan ang assignment ko sa Ethics. Para naman hindi sa kung saan-saan lumilipad ang utak nitong si Ace kapag kinakausap ko.
I read the case of Pinto. It's a case analysis but I cannot come up with an idea. Hindi naman kasi ito kagaya ng reflections na flowery words are already enough to get a good mark. Kailangan dito ay may basis. My professor in this subject knows when we're bluffing. Kapag pansin niya na walang kuwenta ang sagot namin sa umpisa pa lang, hindi na niya tinatapos basahin, 75 agad.
"What?" Ace asked. Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Just having a hard time analyzing the case."
"Seek help to your blockmates then." he suggested.
If only I could roll my eyes at him, I already did. My blockmates are the worse. They hated me. There's no in hell they would help me. Pansin ko nga parang may groupchat sila na hindi ako kasama at doon nila sinasabi ang mga rants nila tungkol sa'kin.
Nararamdaman ko lang kasi tuwing vacant kami. Halos lahat sila ay tutok sa kanya-kanyang cellphone at abala mag-tipa ng mensahe tapos sabay-sabay na tatawa at sabay-sabay din tutunog ang mga cellphone nila.
What does that mean then? I'm not a believer of coincidence kaya alam kong ako ang tinitira nila sa usapan nila. At alam ko rin na wala akong maaasahan sa kanila at hindi naman talaga ako umaasa. Ace just brought that hilarious idea kaya naisip ko lang bigla ang mga blockmates ko.
"This is a GenEd subject. Hindi ka pa ba nakakakuha ng Ethics na subject?" tanong ko. I'm hoping he already did para may prior knowledge na siya about this so he could teach me.
Umiling siya, hindi inaalis ang tingin sa'kin. Hindi na rin niya ginagalaw ang lapis na hawak-hawak at parang pinoproblema na rin problema ko.
I snapped my fingers when I remember someone. Mabilis kong kinuha ang cellphone.
"I'll message Luke. Paniguradong may alam 'yon." I said. I was so excited typing a message for Luke. Alam ko kasi na problem solved na ito kapag humingi ako ng tulong sa kanya. Hmm.
"PolSci students are always busy. 'Wag mo nang istorbohin."
Tumigil ako sa pag-tipa ng mensahe at tumingin sa kanya na ngayon ay kunot na ang noo. Dahil sa sinabi niya ay parang nag-alangan na rin akong i-message si Luke.
Nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni Ace ang papel sa kamay ko. I saw how his eyes moved quickly reading the case. I even caught how his forehead creased even more as he read further.
BINABASA MO ANG
When Rain Falls (Friend Series #1)
RomansaStatus: Completed Rain, a sucker for romance stories was content to read someone else's love stories. Truth is, she wasn't planning on falling for anyone other than her favorite fictional characters. But when she met Ace Alvarez, she just found hers...