Chapter 33

26K 629 45
                                    

Dinala kami ni Architect Alvarez sa loob ng opisina niya na malapit din lang sa silid kung saan kami inihatid ni Kai. He's really pestering us. Dinala nga niya kami kay Architect Alvarez, hindi naman sa opisina nito. Tapos ngayon ay sa akin pa galit ang Architect.

"I'm sorry Architect. Hindi ko naman alam na hindi iyon ang opisina mo." sabi ko sa kanya nang maisara ko ang pinto ng kanyang office.

Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng opisina niya. This room was huge for an office. Nasa kalahati lang nito ang office niya sa site. Mas malaki pa sa office ko. Napailing na lamang ako habang iniisip na pagmamay-ari ng pamilya niya ang gusaling ito.

Binalik ko ang tingin sa kanya at bahagyang nagulat sa mariin niyang paninitig sa akin. Hindi pa rin ba siya maka-get over sa pagiging intruder namin ng anak ko kanina?

Bakit ba? Were they talking something confidential when we barged in? Hindi naman yata sila nag-uusap nang pumasok kami. 'Tsaka wala rin naman akong narinig. At kung may narinig man ako ay wala naman akong balak ipagkalat 'yon.

"Architect Almendarez brought us there." I said when he furrowed his brows even more.

"Sure." masungit niyang sabi sa'kin kaya napasinghap ako sa ipinapakita niyang kasungitan ngayon.

Bakit ba ang napakasuplado ng isang 'to?

Tiningnan ko na lang ang anak ko na ngayon ay komportableng nakaupo sa swivel chair ni Architect. Pinapakiaalaman niya roon ang iba't ibang klase ng lapis at pen doon. She is obsessed with pencils, pens, crayons, brushes or anything that would help and guide her to express her feels.

Ganoon naman yata lahat ng bata. Mahilig gumuhit at magsulat. A part of their learning.

"Baby don't." I said when she began to make a mess on his so neat and organized table.

"Let her be." kontra niya sa sinabi ko kaya napaangat ang isang kilay ko.

Ayos lang sa kanya? O talagang gusto lang ako kontrahin ng isang 'to? May kasamang inis kasi.

Naglakad ako palapit sa couch upang maupo roon. Inilagay ko ang pulang designer bag na dala-dala ko sa coffee table sa tapat ng couch. Kumuha ako ng isang magazine sa ilalim ng coffee table at inabala ang sarili sa mga nakikitang larawan at impormasyon doon.

"Are they your cousins?" I asked and looked at him. I was referring to the men he was with in the other office. Though I know those were his cousins because I saw some familiar faces. But I just felt this need to ask. O para lang may mai-bring up na topic. Ang tahimik kasi. Lalo pa't na-engganyo na sa pangingialam sa mga gamit niya ang anak ko kaya walang maingay.

Umangat ang tingin ko sa kanya nang hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya.

"Bakit?" I asked laughing. 'Yong mukha niya kasi, parang may ginawa akong masama kung makatingin sa akin.

He's really mad at me. That's a fact. Reason? I don't know.

"Why?" he asked me back.

"Why are you asking about them?"

"Masama? I just saw Berzelius Venturillo there." mayabang kong sabi dahil may kilala ako sa mga pinsan niya. Siya ang pinakakilala ko sa mga Venturillo eh. Remarkable.

"You know him?" tanong niya sa akin na magkasalubong ang kilay.

I shrugged my shoulders. "Who wouldn't know him? He's popular." I said as a matter of fact.

Dahil sa sinabi ko ay nakipagsukatan siya ng tingin sa akin, parang hinuhukay kung ano ba talaga ang laman ng isip ko.

"Does he have an IG account? Facebook? Twitter?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon