Did I exaggerate what he said? Bakit gano'n na lang kung kumalabog ang puso ko? Nag-shower na ako, natagalan sa banyo't nakapagbihis na rin ng pantulog pero bakit walang pinagbago dahil ayaw pa rin nito kumalma? Ang totoo niyan, nagda-dry ang lalamunan ko. Hindi rin naman ako makababa at hindi talaga ako bababa roon. Malay natin ando'n pala siya.
Susme, hindi pa ako handa!
Pabalik-balik akong naglakad sa gilid ng kama hawak ang leeg habang minanasahe ito. Hindi ko na alam baka kasi iba lang ang pagkaintindi ko. Marami namang ibig sabihin iyon.
Iniinis lang ako no'n panigurado. Bago niya sabihin iyon ay kita ko pa siyang nakangisi. Paniniwalaan ko pa ba ang isang babaerong tulad niya? Ayaw no'n sa commitment at iba ang deal na gusto niya sa mga babae. Alam ko 'yon kaya imposible ang lahat ng iniisip ko.
Him wearing my necklace, won't justify what he said. For him, I ain't different from the women he bedded before.
Pero mas kinabahan ako dahil akala ko'y nakilala niya ako. Hindi ko pa naman alam ang gagawin ko kung mangyari iyon.
Habang umiikot ang kung anu-anong theory sa isipan ko'y bigla akong nakaramdam ng grabeng kaba.
Kasi paano kung totoo ang sinabi niya? Paano ko pa masasabi ang katotohanan na ako 'yong babae no'ng gabing iyon? Na anak ako ng isang lawyer, hindi taga-rito, at fake lang ang identity na gamit ko.
Ang ibig kong sabihin, paniguradong magagalit siya kasi sa lahat ng oras na kasama niya ako ay hindi man lang ako naging totoo. Lalo na no'ng pinuna ko pa ang k'wintas na suot niya. Pagkakataon ko nang umamin no'n.
Yes, I lied... but I have reasons. The truth is, I chose not to tell who I really was because I ran away from home. I don't want to create any conflicts and I don't want to tell anyone because I wanted to live my life and stand by my own feet.
Unexpected ang aming pagkikita. Hindi ko siya hinabol, hindi ko alam na magiging boss ko ang isang Madrigal at magkikita kaming muli sa gano'ng paraan.
Tinanong ko na si Amara no'n kung alam ba niya sapagkat siya ang nag-refer sa akin, pero ang sabi niya'y hindi. Kilala niya lang ang dating secretary pero hindi niya kilala ang may-ari.
Ang plano ko lang naman noon ay maramdaman siya kahit isang beses kahit alam kong desperada na ako sa lagay na 'yon, sa lagay na maangkin siya.
Gusto kong mahawakan siya sa huling gabi ko sa lugar na kinagisnan. Oo, inaamin kong gusto ko siyang maging akin at magagawa ko lang 'yon kung aalis ako ng bahay dahil kung hindi, ipakakasal ako sa hindi ko naman kilalang lalaki.
Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni daddy kapag nalaman niya kung nasaan ako. Lalo na't klaro pa ang tono boses niya no'ng huli niya akong tinawagan para pauwiin.
Galit na galit siya sa akin. Pero mas galit ako sa kaniya! Hindi na uso ang reto ngayong panahon ngunit ginawa niya pa rin.
I don't want living in hell. My life would be miserable!
Naupo ako se edge ng kama na blangko ang pag-iisip. Nabulabog lamang ng mga mahinang katok kung sa'n nakaramdam na naman ako ng kaba.
Sa ganitong oras sino ang matinong kakatok? Putek naman! Kapag si Carrick iyon ay baka masampal ko na talaga siya ng tuluyan. Ito na nga't nahihirapan ako, tapos ganito pa.
Paunti-unti lang ang mga naging hakbang ko hanggang sa nawala ang mga katok. Nilapit ko na lamang ang tainga sa pinto para pakiramdaman ang mga komosyon sa labas.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomanceMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]