Simula

1.2K 33 0
                                    

(Read at your own risk)
R18+

Malakas ang dagundong ng musika sa loob ng isang club kung saan kasama ko ang aking mga kaibigan since college. Tila mabibingi na ako sa ingay dahil sa naririnig kong mga hiyawan galing sa mga taong sumasayaw sa dance floor.

Only, I was too lazy to give a damn. I wanted to let go of the things that were suffocating me to death.

Hindi ako naglalasing tuwing pumupunta sa ganitong klaseng lugar ngunit kailangan ko ito ngayon. Alak at mga kaibigan ko lang ang karamay ko nitong mga sandali.

Like how could my father do this me? Wala ba siyang pakiramdam o pakialam sa nararamdaman ko?

"Damn, Cassey! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Sa kabila ng ingay at dagundong ng musika ay klarong dinig ko pa malakas na boses ni Amara.

Akmang aagawin na niya sa akin ang shot glass na hawak ko ngunit mabilis kong nailag ang kamay ko. Kita ko siyang umirap no'ng isa-isa kong nilagok ang tequilang nakalatag sa mesa—ignoring their sharp gazes pointing at me.

Sabi nila, kapag nasa club ka ay gusto mong magsaya at maging malaya. Ngunit bakit parang ko gusto nang mamamatay?

Fuck my life!

"Hey stop drinking, Cass! Ano ba?!" galit na saad ni Yzbelle sabay abot sa kopitang may lamang alak.

Nang-iinit ang sulok ng aking mga mata. This is the worst day of my life!

I hate my father for manipulating my life! I'm 23 for fuck's sake, yet there he is trying to control me. Bakit pa at para saan pa? May sarili naman akong utak at desisyon. Bakit kailangan pa nila akong pakialaman? Wala na ba talaga akong nagawang maganda para sa kaniya?

Sa aking harapan, kitang-kita ko ang ilingan ng dalawa kong kasama. Yes, and yes, nandito sila dahil pinakiusapan ko silang damayan muna ako. Wala pa silang alam niyan sa ganap ko pero swerte ako dahil kahit kailan ay hindi sila nang-iwan.

"I so hate my life!"

Nakailang mura pa ako sa kanilang harapan. Napainom si Yzbelle dahil sa mga narinig mula sa akin.

"Oh? So you hate your life kaya ka naglayas sa inyo?" pilosopong tanong ni Amara sabay hawi ng buhok.

She smirked.

Napainom ulit ako ng isa pang shot kaya tuluyang nalaglag ang panga ng mga kaibigan ko.

Sino ba ang hindi mababagot dito, e hindi sila makaalis sa table namin. Alam kong iritado na rin si Amara dahil sa kanina pa tingin nang tingin ang mga guwapo at mayayamang lalaki sa table namin pero ni isa sa 'min ay hindi makaalis dito dahil sa kaawa-awang sitwasyon ko.

"Ara, please! I don't want to talk about it! Ngayong gabi ako na muna si Sandra Manalo."

I caught how their lips parted in shock.

"What the fuck, girl? Your father is furiously looking for you! Kung ako sa 'yo, Uuuwi na ako and live like a princess! Saan ka ngayon pupulutin ha? Wala na ang mga credit cards mo! Wala ka nang gagamitin dahil sa manipuladonna ng daddy mo ang mga ito! Saan ka ngayon niyan, sa lansangan?" ani Yzbelle.

A Night To A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon