For almost three months that I stayed home, there was no time that I haven't thought of the man who hurt me. Tiniis kong 'wag siyang kontakin dahil sa mga rumors na nasaganap galing sa mga kaibigan ko. Nakikita siyang kasama si Sofia palagi at iyon talaga ang kinaiinisan ko sa lahat.
Ang kapal ng mukha niya. Wala talaga siyang puso! Respeto na lang sana sa pakiramdam ng iba.
Ang pait sa kaibituran ko ay hindi mawala-wala dahil lang sa habang nasasaktan pa ako, si Carrick naman ay walang ginawa kun'di ang lumandi.
Like how could he do that to me?! He acted like I was purely nothing to him. He's a real jerk! Gano'n na lang 'yon? Pagkatapos niya akong ikama ay sa iba naman siya dahil tapos at nagsawa na siya sa 'kin? Aba, subukan niya lang na magpakita sa 'kin dahil sigurado akong may masasaktan talaga ako.
Tulala lang ako sa kawalan habang nakaupo sa balkonahe ng aming bahay. Pati ang boredom tiniis ko dahil mamaya pa pupunta ang mga kaibigan kong sina Amara at Yzbelle.
Naghilot ako ng sentidong pumipitik habang naglalapag ng kape at slice ng funfetti cake si Donay. Nakaharap ako sa laptop dahil sa may tinatapos akong report na hiniling ni Amara sa 'kin. Sa gilid ng aking mata, kita ko kung paano nanginig ang daliri ng batang kawaksi.
"Ma'am, masama po ba ang pakiramdam ninyo?" she stammered.
Nag-angat ako ng tingin.
"I'm fine. Thank you for asking, Donay." I smiled assuringly.
"Gusto niyo po bang palitan ko ng juice ang kape? Kasi po baka hindi makatulong kapag nagkape kayo," aniya.
"No, no. Ayos lang, Donay. Maraming salamat."
"Sige po. Kukuha na lang po ako ng gamot at tubig."
She seemed nice. Sa tantiya ko ay nasa mid twenties pa lang ang edad niya. Sa tingin ko, tahimik lang siya pero mapag-obserba.
Ewan ko lang.
"Donay! Ano't ginugulo mo si Ma'am Cassey mo?"
Sabay kaming bumaling kay Yaya Imelda na kalalabas lang ng bahay. Nagyuko si Donay na mukhang kabado pa nang narinig ang boses ng matandang kawaksi.
"Hindi po! In fact, I like her," bawi ko.
Ngumiti ako kay Donay na tumango at nagpaalam para pumasok na sa bahay. Tumayo sa gilid ko si Yaya Imelda samantalang itinuon kong muli ang atensyon sa ginagawa. Nag-activate na rin ako ng Facebook at iba pang social media accounts. Well, back to who I am na talaga ako at walang halong pagpapanggap na.
"Anong oras dating ng mga kaibigan mo, Cassandra?"
"Baka mamayang hapon pa po."
"Oh siya, sige. May gusto ka bang ipahanda kung gano'n?"
Saglit akong natigilan para mag-isip. Nag-angat ako ng tingin kay Yaya Imelda na mariin lang ding nakatitig habang naghihintay ng isasagot ko.
Ngumiti ako.
"For dinner na lang siguro. Ako na ang bahala sa iba. Magna-night swimming kasi kami," I declared.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomanceMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]