Out of anger and fear, I ran. Again. The night was fresh and very tranquil for me that even my eyes were blurry because of the unshed tears, I still managed to get myself a taxi just get away from everything. Painful words and judgemental eyes.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala. I simply had lost my count. Habang nakatanaw sa mga building at sasakyan sa kahabaan ng EDSA, hindi ko napigilang maalala ang mga naganap sa loob ng condo ni Carrick. Sobrang nasasaktan ang puso ko sa mga narinig mula kay Tita Clemente pero mas nasaktan ako sa katahimikan ng lalaking akala ko'y pinagkakatiwalaan ako.
Tita Clemente's rage in her eyes were very intimidating. Kung nakamamatay ang tingin, paniguradong may nagkakape na para paglamayan ako. Sa pag-atras ko ay ang kaniyang pag-abante para sipatin ako nang maigi. She was like a predator aiming to trap me and caught me alive then, kill me using her gazes that seemed like a pointed rapiers.
Napalunok ako. My fingers trembled joined my heartbeats while my legs became jelly. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o sadyang wala lang talagang lumabas na salita galing sa 'king bibig.
Napakurap-kurap ako. Sa tantiya ko ay alam ko na ang ibig niyang sabihin o iparating sa pagpunta niya sa 'kin.
"What is the meaning of this, Cassandra?" she snapped.
Galing sa kaniyang magandang mukha, napunta ang tingin ko sa hawak niyang brown envelope na nakalahad sa harap ko. It took me seconds before reaching it using my shaky fingers. Nangunot ang noo ko sa hawak bago ibinalik ang tingin kay Tita.
"Para saan po ito?" I stammered.
She smirked. I removed my eyes away from hers and stared back at the thin paper on my hand. Pakiramdam ko ay sinisindihan niya ako sa kaniyang utak.
"Open it. See it yourself."
My throat ran dry but I did what she order me. Binuksan ko ang brown envelope at nangunot ang mata ko sa mga litrato. Sinulyapan ko siya bago inisa-isa ang mga kuha. Hindi ko napigilan ang pagsinghap dahil sa unang litrato pa lang ay hindi ko alam kung kanino o saan iyon nanggaling.
The first one was me and Geoff hugging each other. Kuha iyon sa MOA naming lakad noon pa. Ang pangalawa ay ang paghawak niya sa 'kin para mapasakay ako sa sasakyan niya noong panahong pinagdududahan ko si Daddy. The rest shots were taken from the club where me and Geoff looked intimate because it was taken from afar. Some angles seemed like Geoff was near my face pero iyon 'yong time na nakasandal ako sa backrest ng couch tapos siya ay tinitignan ako nang maayos. Parang mukhang nakalapat ang aming mukha doon at marami pa.
Nanlamig ang tiyan ko hindi dahil sa guilty ako kun'di dahil sa ito na yata ang iniisip kong mawawalan sila ng tiwala sa 'kin. But I can drag Geoff's ass to testify for me! We weren't doing wrong! Pakiramdam ko, pati ang buong kalamnan ko at ang kaluluwa ko'y lalabas na sa buong katawan ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang huling litrato kung saan kasama ko si Geoff sa seaside sa MOA habang hawak niya ang kamay ko. Tumango at ibinalik ang mga iyon sa loob. Sinalubong ko ang sarkastikong tinging ipinukol sa 'kin ni Tita Clemente.
Wala akong kasalanan pero sa klase ng tingin niya'y sigurado na siya sa mga nakita niya. Na ang proweba ay sapat na para tignan niya ako ng ganito kababa. Ayos lang, tinatanggap ko at tatanggapin ko kung ano man ang kahihinatnan ng usapang ito. Kahit na mukhang may ideya na ako sa mga susunod na mangyayari, handa ako.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomansaMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]