"You're in love with my daughter, Carlos Alaric?"
Natigilan ako.
"Yes, tito. Back then, I didn't know who she really is. I did not have a chance to say it because she suddenly left. I love Cassandra, Tito Diego."
Nasamid ako.
Si daddy sa tabi ko ay panay hagod sa likod ko samantalang si Carrick sa isang iglap ay dinaluhan ako habang panay tanong kung ayos lang ako. Hinagilap ko ang baso ng tubig sabay lagok sa lahat ng laman no'n. Pagkababa ko ng baso, pasimple kong siniko si Carrick.
Na-slow ako sa narinig ko ah? Sa ginagawa ni Carrick hindi ko na alam kung alin ang sincere at totoo sa hindi. Ang labo niya.
"Are you okay, hija?" Tita Clemente asked worriedly.
Napamura ako sa isip.
Nakalimutan kong nasa harap kami ng mga magulang niya. Nawala ang antok ko sa mga narinig galing sa kaniya. Ano na naman bang kasinungalingan iyon?
"I'm fine, tita. Uhm... nagulat lang po ako." I smiled sweetly at her.
Pasimple kong sinipat ng tingin si Carrick nang bumalik siya sa upuan niya.
Sasamain sa 'kin 'to. Kung hindi lang ako inaantok ngayon.
"Nagulat? Na-k'wento sa 'kin ni Carrick that you met in Manila. Is it true?"
Tumango ako bilang tugon.
"She worked in our company, mom," sabat ni Carrick.
"Oh! Why?" I've seen how her brows creased. Bumaling siya kay daddy gamit ang mapagtanong mata.
Kahit sino naman magtataka kung paano ang isang tulad ko nag-settle sa gano'ng work. Even my father would forbid that kung hindi lang dahil kay Carrick.
"Mom, it doesn't matter."
"I tried living alone, tita. Without relying upon daddy," bawi ko sa sinabi ni Carrick.
"I have one stubborn daughter, Clemente. But look at what happened, they met. Hindi naman sa kinukunsinti ko si Cassandra pero nangyari na." Pumalakpak si daddy.
"And I'm glad we met, tito. If not, there's no way out. We'd still cross path because we're bind."
Marahas akong tumingin kay Carrick sabay taas ng isang kilay. Hawak niya ang ibabang labi at mukhang nagpipigil ng tawa. Gino-good time na naman niya ako. Alam ko namang dakilang babaero iyan.
Kanina pa 'to.
In love his ass! Sino maniniwala sa kaniya pagkatapos kong marinig ang lahat. Siya, pakakasal sa 'kin? Sampalin ko kaya siya nang mahimasmasan sa mga pinagsasabi niya.
"Did you guys get along?"
"Yes, Tito Eric."
"What your Tito Eric meant was about you and my son having some mutual understandings, hija. Since my Carrick mentioned that he loves you."
Pabalik-balik akong tumingin sa mag-asawa. I didn't get it.
"I mean, entering a relationship, hija," she added.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomanceMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]