Kabanata 26

358 14 0
                                    

     "Kuya Jose, ayos na po ba? Para makaalis na tayo."

I was outside that time, waiting for my driver to finish whatever he is doing with our car. May lakad kami nila Yzbelle dahil napag-usapang magro-road trip kami kasama ang boyfriend ni Amara. Isasama ko sana si Geoff kaso bumalik siya ng Manila. Malay ko namang magdadala ng manliligaw si Yzbelle, e 'di lonely ako doon.

"Ma'am, sandali lang po. Ayaw mag-start ng kotse," balik sigaw niya.

"'Yong ibang kotse, Kuya Jose? Kahit 'yong SUV na lang o 'di kaya ang BMW. Sa Ayala lang naman ako. Sasabay kasi ako kay Yzbelle." Pinaypayan ko ang sarili bago sinipat ang relo.

Anyways, I'm wearing a black shirt, blue denim shorts, and sketchers shoes. Since I can't tie my hair, I just let it fall naturally beneath my shoulders. Isang backpack lang din ang dala ko with powder, tint, wallet, and foods including my tumbler of water.

"Dala ng daddy mo ang SUV, Ma'am Cassandra. Ang BMW naman ay dadalhin nila Gener may pinapautos ang daddy niyo po."

Laglag ang panga ko.

"Matagal pa ba 'yan, Kuya Jose?" Kinuha ko ang phone para sana tawagan si Yzbelle kaso nakailang ring na wala pa ring sumasagot. Medyo naiinip na ako kahihintay kaya ibinalik ko na lang ang phone sa bulsa.

"Ma'am, ayaw po talagang mag-start ng kotse."

Napasalampak ako sa upuang gawa sa kawayan at nag-isip kung magco-commute ba ako papunta sa meeting place namin o maghihintay sa wala.

"Where to?"

Eksaktong paglingon ko, lumabas si Carrick galing sa loob ng bahay na siyang pag-awang ng labi ko. He's sporting a white shirt, denim shorts, and a topsider shoes. His hair was damp and messy made I wonder where he is going.

Nag-iwas ako ng tingin, di siya sinagot. Medyo ayaw rin kasing kumalma ng puso kong suwail.

"Ma'am, ano sabay na lang po kayo kay Sir Carrick kasi baka hindi ko maaayos 'tong sasakyan. Sir, sa Ayala punta ni Ma'am Cassey." Lumapit sa amin si Kuya Jose habang nag-aayos ng sumbrero.

My lips parted in disbelief. Pabalik-balik ko silang sinipat ng tingin.

"Jose, pakitanong kung sino ang mga makakasama niya," si Carrick.

"Ma'am sino po raw ang kasama niyo?"

Ayaw ko siyang kausapin kaya pinatulan ko ang trip niya. Nagtaas ako ng kilay kay Jose na nasa harap lang ni Carrick.

"Kuya, pakisabi umalis na siya dahil hindi ako sasabay. Magpapasundo ako kay Yzbelle." Umirap ako at inilabas ang cellphone.

"Sir."

"Okay. Your choice." Nilaro pa ni Carrick ang susi sa kamay bago bumaba ng hagdan.

Kita ko ang panunuya niyang sulyap bago dumiretso kung saan nakaparada ang Sedan niya at pinaandar ito.

I tried texting Amara yet ang sabi ay alanganin kasi kasi malapit lang sila sa Ayala kaya pinasa niya ako kay Yzbelle. Then, when I again tried calling Belle, she wasn't answering my calls even my text, she didn't reply.

A Night To A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon